Hindi ko ininom ang gamot. Sa limang oras na lumipas ay naging maganda ang aking pakiramdam. Napagtanto ko na sila ang pumipigil sa aking pag-alis. Muli kong naalala ang nangyari kanina sa hapag-kainan. Napuno agad ng pagdududa ang aking isip. Bakit pilit niya akong pinipigilan sa pag-alis? Noong nahanap ko ang aking gamit na tinago nila ay naghanap agad ako ng pwedeng daanan palabas. Sa kasagsagan ng malakas na pagbagsak ng nyebe, sumugod na agad ako papunta sa daan. Walang nakakita sa akin na katiwala ng misteryosong lalaki. Hindi nila napigilan ang aking pag-alis. Umalis ako sa bahay panuluyan ng tahimik kaya hindi nila malalaman na umalis ako roon. Pwera na lang kung papasok ulit sila sa aking silid para bigyan ako ng gamot. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa aking katawan. Sobrang

