Naalimpungatan ako sa aking pagtulog nang maramdaman ko ang malakas na paggalaw ng pader na nasa aking tabi. Sabay kong iminulat ang aking mga mata bago ko pinagmasdan ang pader na bahagyang bumuka. Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga at tumayo agad ako upang lumayo dito. Inihanda ko ang aking sarili sa panganib na maaaring mangyari. Marahan akong naglakad papunta sa may rehas habang tinitingnan ang gumagalaw na pader. Hindi ko ito nilubayan nang tingin. Hindi ko alam na may lihim pa lang lagusan sa kulungan na kinalalagyan ko. Naging mabagal ang tuluyang pagbukas ng isang bahagi ng pader ng tore. Sa bawat minutong lumilipas ay hindi maalis sa akin ang kaba. May nais bang kumitil sa aking buhay nang patago? Si Prinsesa Zemira kaya ang nag-utos? Tuluyang bumukas ang lihim na la

