Napamulat ako nang marinig ko ang paggalaw ng mga kadena na nagsisilbing kandado sa aking rehas. Napalingon ako sa pwesto ng bampira na dumating. Madilim ang buong paligid ng tore ngunit nakita ko pa rin ang kaniyang mukha dahil sa maliit na liwanag na nagmumula sa buwan. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang siya ay lumalapit. Napababa ang tingin ko sa hawak niya. May dala siyang maliit na bote. Napabuntong hininga ako. Hindi na dapat siya nagdala pa ng gamot. Mula sa pagkakahiga ay napaupo ako. Tuluyan siyang nakalapit sa akin at pagkatapos ay tumingkayad siya upang magkapantay kaming dalawa. Pinagkatitigan ko siya at napansin ko ang nakakunot niyang noo. Isang araw na ang lumipas mula noong ikinulong nila ako rito. Ngayon lang siya pumunta para makita ako. Siguro ay may ma

