“Anong nangyayari dito?” tanong ng isang pamilyar na boses. Napamulat ako ngunit nagtaka ako nang makita ang madilim na paligid. Ramdam ko ang pagkakagapos ng aking mga kamay. Pumiglas ako ngunit hindi naman ako nakatalaw nang maayos. Noong tumagal ay unti unti nang lumilinaw ang aking paningin. Napansin ko na ang magaspang na paligid. May nakasaklob sa aking ulo. “May ipinahuli po si Prinsesa Zemira na babaeng bampira kanina. Siya po ang babaeng namatay ngunit nabuhay,” sagot ng isang lalaki na sa hula ko ay isang kawal. “Saan niyo siya nakita?” tanong ng isang pamilyar na boses. Ang hula ko ay siya ang misteryosong lalaki na laging tumutulong sa akin. “Sa Azea po,” sagot ng lalaki. “Siya ba iyan?” tanong ng Misteryosong lalaki. Narinig ko ang yapak ng paa na papalapit sa akin. “

