Napatigil ako sa paglalakad papunta sa pamilihan sa Azea nang makita ko ang pagtigil ng isang magarang karwahe. Namilog ang aking mga mata dahil sa sobrang gulat. Pansin ko ang pagbukas ng pinto ng karwahe at lumabas doon si Prinsesa Zemira. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking paghinga at ang aking puso ay bumilis sa pagtibok. "Akala ko ay namamalik mata lang ako ngunit tama pala ang hinala ko," wika niya. May nakapaskil na ngiti sa kaniyang mukha ngunit ito ay mapanganib. "Prinsesa Zemira..." mahina kong bulong sa hangin. Bumaba siya sa kaniyang karwahe. Mabilis na lumayo ang mga taga-silbi na kasama niya. Hinawakan niya ang aking buhok at pagkatapos ay mariin niya akong sinabunutan. Napangiwi lang ako ngunit hindi ako dumaing sa kaniyang p*******t sa akin. Pinabayaan ko na lang siya

