Kabanata 17: Garuti

1513 Words
Juan PoV Kasalukuyang nakadungaw si Juan sa rehas ng kulungan nang makarinig siya ng mga yabag. Nakadinig din siya ng mga boses kaya nababatid niyang boses iyon ng mga lalaki hanggang sa makita niya ang ilaw ng gasera, papalapit ito sa kulungan kung nasaan siya naroroon. Dala ito ng dalawang lalaki na nagmula sa madilim na bahagi ng pasilyo. "Nakatitiyak ka bang nand'yan nakabilanggo ang tulisang iyon?" Dinig na dinig niya ang mabuong boses ng isang lalaki. Batid niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Kaya sumilip muli siya sa rehas ng kulungan para alamin kung sino ang dalawang lalaking dumarating. Bigla na lamang tumayo ang kaniyang balahibo. Bumilog ang kaniyang mga mata't tumulo ang malalamig na pawis sa kaniyang mukha nang maaninag na niya ng tuluyan ang dalawang lalaki. Hindi siya nagkakamali, ang isa sa mga lalaking ito ang lalaking dumakip sa kaniya noong nagdaang araw. "Ba-bakit tila yatang gulat na gulat ka?" tanong ng lalaki sa kaniya. Tuluyan nang nakalapit ang mga ito sa rehas ng kulungan kung saan siya sumisilip. Gumuhit ang ngiti sa mukha ng lalaki at malagkit nito siyang tiningnan. Napalunok na lamang siya sa kaniyang laway at napahakbang paatras. "Huwag kang matakot, hindi naman kami mga multo," wika naman ng isa pang lalaking nakasuot ng damit na may mahabang manggas. Pamilyar ito sa kaniyang paningin. Sa pakiwari niya ay isa itong prayle dahil sa natatangi nitong kasuotan. "Ba-bakit kayo nandito!?" nagtatakang tanong niya, habang hinahakbang niya ang kaniyang mga paa paatras sa likod. Itinaas ng lalaki ang hawak-hawak nitong gasera dahilan upang magsimulang kainin ng liwanag ang buong kulungan kung nasaan sila naroroon. "Aba'y ginamot ka nga ng hangal na kumandanteng iyon," sambit pa ng lalaki. Hiwakan nito ang tarangkahan ng kulungan niya na tila ba'y may balak itong pumasok sa loob. "Huwag kang papasok!" mabilis na wika ni Juan. Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at ibinuka niya ang kaniyang mga palad na parang pinipigilan niya ang lalaki sa gusto nitong gawin. "At bakit hindi ako papasok?" Nagpatuloy pa rin ang lalaki sa pagbukas sa tarangkahan ng kulungan niya. Maya-maya pa'y tuluyan na ring nabuksan ang tarangkahan ng kukungan. "D'yan ka lang, huwag kang lalapit sa akin!" Nakabuka pa rin ang kaniyang mga palad upang pigilan ang lalaking lumapit sa kaniya. Napapalunok siya sa kaniyang laway at bigla ring nanginig ang kaniyang mga tuhod. "Sabing d'yan lang kayo e!" sigaw pa niya ngunit tuloy-tuloy pa rin sa paglapit ang dalawang lalaki. Itinaas pa ng mga ito ang hawak-hawak nitong gasera at tuluyan na siyang nakita ng mga ito. Tuloy-tuloy pa rin ang paghakbang niya sa likod ngunit natigil ito nang maramdaman niyang wala na siyang mahahakbangan. Nasa pader na pala siya ng kulungan kaya napalapat na lamang ang kaniyang likod doon. Kabog nang kabog ang kaniyang dibdib at tuloy-tuloy pa rin sa pagguhit ang malalamig na pawis sa kaniyang mukha. "Ba-bakit tila takot na takot ka sa amin kapitan ng Santa Mesa?" nakangiting tanong sa kaniya ng prayle, ang lalaking nakasuot ng damit na may mahabang manggas. "Juan ang pangalan ko hindi kapitan!" sigaw niya. Kinusot niya ang kaniyang mga kamay dahil lumalapit pa rin sa kaniya ang mga lalaki. "D'yan lang kayo sabi e!" Umalingangaw ang boses niya sa buong kulungan. Nakulong ito sa loob dahilan upang mag-echo. "Huwag mo siyang pakikinggan, nasisiraan na siya ng ulo." "Ngunit mag-iingat tayo sa kaniya, Heneral." Tuloy-tuloy pa rin sa paghakbang ang mga ito papalapit sa kaniya. "Hindi kami nagkakamali. Ikaw nga ang pumaslang sa mga Guwardiya-Sibil sa bayang ito," wika pa ng prayle sa kaniya. Tuluyan na nga itong nakalapit sa kaniya't malagkit nito siyang tiningnan. Kabog nang kabog pa rin ang kaniyang dibdib. Wala siyang magawa dahil nakita niyang armado ang mga lalaki kaya napaupo na lamang siya sa lapag. Itinaas niya ang kaniyang mga braso upang takpan ang kaniyang mukha. "Tama nga ang hinala ko nasisiraan na siya ng ulo." "Totoo ang hinala mo." Gumuhit ang ngiti sa mukha ng dalawang lalaki. "Duwag siya, Heneral. Isa siyang indiong duwag," wika pa ng prayle sa kaniya. "Guwardiya!" sigaw ng Heneral. Napalingon ito sa labas ng kulungan at biglang lumitaw ang dalawang Guwardiya mula sa labas. "Heneral ano ho iyon?" nagtatakang tanong ng dalawa pang lalaki na kadadating lamang. Hingal na hingal itong lumapit sa Heneral. Tulad niya tumutulo rin ang ang mga pawis nito sa mukha. "Bakit gan'yan ang mga mukha n'yo?" tanong ng Heneral sa dalawang Guwardiyang napapalunok ng laway. "Wa-wala po, Heneral," pautal-utal na wika ng mga ito. "Dal'hin n'yo ang tulisang iyan sa likod ng kuwartel." "Masusunod po, Heneral," tugon ng dalawang Guwardiya Sibil. Dali-daling lumapit ang mga ito sa kaniya. Inilagay ng isang Guwardiya ang isang kadena sa leeg ni Juan. Pakiramdam niya ay ginagawa siyang aso ng mga ito. "A-anong gagawin n'yo sa akin? Bakit n'yo ako nilagyan ng kadena sa leeg?" nagtatakang tanong niya sa mga Guwardiya. Kumusot ang nuo niya dahil nagtataka nanaman siya sa gagawin ng mga ito sa kaniya. Nakita niyang lumabas na ang prayle at ang lalaking kinatatakutan niya sa kulungan. Naiwan na lamang sa loob ang dalawang Guwardiyang natatandaan niyang ang mga ito rin pala ang gumulpi sa kaniya nitong nagdaang araw. "Saan n'yo ako dadal'hin sabi e!?" Napatayo siya at inis na tinapunan ng tingin ang dalawang Guwardiya. Nilagyan muli ng isa pang Guwardiya ng kadena ang dalawa niyang mga paa. "Ano ba talagang gagawin n'yo sa akin?" "Huwag ka nang maraming tanong at sumama ka na lang sa amin!" Biglang hinila ng mga ito ang kadena kaya nasakal siya at tuluyan niyang naihakbang ang kaniyang mga paa. Napasama na siya sa dalawang Guwardiya. Hindi niya alam ang mga kasunod nanaman nitong gagawin sa kaniya. Kumakabog nanaman ang kaniyang dibdib dahil baka pahihirapan nanaman siya ng mga ito. Sumasagi rin sa kaniyang isipan na baka tuluyan na nga siyang patayin ng dalawang lalaki habang silay ay naglalakad. "Saan n'yo ba talaga ako dadal'hin?" nagtatakang tanong niya sa dalawang Guwardiya na tuloy-tuloy ang paghakbang. Mga ilang sandali lamang ay napahinto ang mga ito at napatingin sa kaniya. "Wala kaming alam sa gagawin sa iyo kaya pakiusap itikom mo ang 'yong bibig," ani ng isang Guwardiya, at tuluyan na muling naglakad ang mga ito. "Saan kaya nila ako dadal'hin? Paano ako makakatakas dito?" Tinitingnan niya ang kanilang nadaraanan baka makakita siya ng lagusan palabas. Iyon na lamang ang naiisip niyang paraan upang makatakas sa mga lalaki. "Dalian mo ang paglalakad!" Biglang hinila ng isang Guwardiya ang hawak-hawak nitong kadena kaya humigpit ang pagkakatali ng kadena niya sa leeg. "Nasasakal ako," aniya, at pilit niyang inaalis ang kadena sa kaniyang leeg. Napahinto muli ang dalawang Guwardiya at napatingin ito sa kaniya. "Dalian mo kasi ang paglalakad!" Muling naglakad ang mga ito kaya binilisan din niya ang kaniyang paglalakad upang siya ay makasabay. Maya-maya pa ay nakalabas na rin sila sa loob ng kuwartel. Inilibot niya ang kaniyang paningin at agad niyang nababatid na ang lugar na ito kung saan sila kasalukuyang nakatayo ngayon ay ang lugar din na pinag-insayuhan nila ng kumandante. Kasalukuyang nilalamon ng dilim ang buong paligid. Naririnig niya ang mga huni ng tipaklong at kaluskos ng kung ano-anong hayop. Agad na nagsipagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan dahil damang-dama niya ang lamig ng simoy ng hangin. Manipis lamang ang suot niyang damit na ibinigay pa sa kaniya ng kumandante. Ito raw ang kamisa de tsino na kadalasa'y suot ng mga magsasaka. Inilibot pa niya ang kaniyang paningin sa paligid nang bigla niyang maaninag ang isang sigâ ng apoy. Ito lamang ang nagbibigay liwanag at nakikipagtalo sa dilim. Maya-maya pa ay muling hinila ng mga Guwardiya ang kadena kaya muli siyang nasakal. "Dalian mo!" Galit na tinapunan siya ng tingin ng isang Guwardiya kaya muli siyang napalakad. "Oo ba ito na nga e," aniya. Muli niyang hinakbang ang dalawa niyang paa upang sumunod sa dalawang Guwardiya. "Bakit kami naririto? Ano talagang gagawin nila sa akin?" tanong niya sa kaniyang isipan. Patuloy siyang naguguluhan sa nangyayari. Kumakabog pa rin ang kaniyang dibdib. Halatang-halata kinakabahan siya dahil baka patayin siya ng mga Guwardiya. Sumasagi rin sa kaniyang isipan na baka patatakbuhin siya ng mga ito at babarilin. Tumigil na sa paghakbang ang mga Guwardiya kaya napatigil din siya. Mga ilang sandali lamang ay may biglang lumitaw na isang gusgusing lalaking na nagmula sa dilim. Napahalik ito sa lupa na halatang hinang-hina na. Lumitaw din mula sa dilim ang isang lalaki. Hindi siya nagkakamali, ang lalaking ito ay ang Heneral na kaniyang kinatatakutan. Napalunok siya ng laway nang makita niya ito. Mabilis nanamang kumakabog ang kaniyang dibdib at nanginig muli ang kaniyang mga tuhod. "Oh nakita mo lang si, Heneral takot na takot ka na?" nakangiting wika ng dalawang Guwardiya. "Ipalapit n'yo sa akin ang tulisang iyan." "Masusunod Heneral." Agad na hinila ng mga Guwardiya ang kadena na kung saan ito rin ang nakatali sa leeg ni Juan kaya napahakbang na siya ng tuluyan papalapit sa kinatatayuan ng Heneral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD