"Kilala mo ba ito?" tanong ng Heneral, sabay turo sa lalaking nakahandusay sa lupa.
Gumapang naman ang lalaki patungo sa kinatatayuan ni Juan. Hinawakan nito ang kaniyang mga paa na para bang nagmamakaawa ito sa kaniya. Napatingala ito at malagkit siyang tiningnan. Tiningnan din niya ang mga mata ng kaawa-awang lalaki at nabatid agad niya na sobrang paghihirap ang dinadanas nito.
"Ka-kapitan tu-tulungan n'yo po ako..."
Mahina ang boses ng lalaki. Nagsipagtayuan ang mga balahibo niya sa kamay dahil hiwakan pa ito ng kaawa-awang lalaki.
"Hindi ko po kayo kilala," tugon niya sa lalaki. Naramdaman niyang nanginginig ang mga kamay ng lalaki na tila takot na takot.
"Kapitan, pakiusap tulungan n'yo po ang pamilya ko. Papatayin po nila ako," pagmamakaawa pa ng lalaki sa kaniya.
Lumapit naman ang dalawang Guwardiya sa kanila at hinawakan nito ang mga kamay ng lalaki.
"Tama na iyan!"
Hinila ng dalawang Guwardiya ang kamay ng lalaki upang mapasama ito sa kanila. Ipinasandal nila ito sa isang poste ng kahoy. Nakita niyang kumuha ang isang Guwardiya ng lubid at tinalian nito ang lalaki sa katawan.
"Heneral, ano pong gagawin namin sa kaniya?"
Tiningnan ng dalawang Guwardiya ang Heneral na tila hinihingi ng mga ito ang sasabihin ng Heneral.
Tiningnan din niya ang mukha ng Heneral. Nakita niyang sarado lamang ang bibig nito at tanging sa mga mata lamang ng Heneral at mga Guwardiya nag-uusap ang mga ito.
Ilang saglit pa'y muli siyang tinapunan ng tingin ng Heneral. Napalunok na lamang siya ng laway dahil pakiramdam niya may binabalak nanamang masama ito. Kitang-kita niyang humakbang ang Heneral papalapit sa kaniyang kinatatayuan.
"Ba-bakit ka lumalapit sa akin? May ginawa ba akong masama sa iyo?" nagtatakang tanong niya.
Hindi mapakali ang kaniyang mga mata at papikit-pikit ito. Sa ilang saglit, nakita niyang biglang gumuhit ang ngiti sa mukha ng Heneral na tila may gustong-gusto itong sabihin sa kaniya.
"Kunin mo ang rebolber na ito."
Agad na iniabot sa kaniya ng Heneral ang isang baril. Tiningnan niya ang baril na ibinibigay ng Heneral at takang-taka siya dahil iba ito sa mga baril na kadalasa'y kaniyang nakikita.
"A-anong gagawin ko riyan?"
Muli niyang tinignan ang mukha ng Heneral at nakita niyang nakangiti pa rin ito sa kaniya.
"Napakadali lamang. Kunin mo itong rebolber at itutok mo sa lalaking iyon sabay kalabitin mo ang gatilyo," paliwanag nito sa kaniya. Hinawakan pa nito ang kanan niyang kamay. Ibinuka nito ang kaniyang palad at inilapat doon ang rebolber.
"Hi-hindi ko gagawin iyan!" wika niya. Bumilis na lalo ang kabog ng kaniyang dibdib at biglang nanginig nanaman ang kaniyang mga tuhod.
"Heneral, duwag pala ang indiong iyan," nakangiting wika ng mga Guwardiyang nakatingin din sa kaniya.
"Hindi mo talaga gagawin?" usisa ng Heneral sa kaniya. Nakita niyang nangulubit ang mukha ng Heneral kaya batid niyang galet na ito sa kaniya.
"Hi-hindi ako mamatay tao. Hindi ko gagawin ang inuutos mo."
"Hangal!"
Nakita niyang tumalikod ang Heneral. Bumwelo lang pala ito at bigla siya nitong sinapak sa mukha. Lumapat sa mukha niya ang mainit na kamao ng lalaki. Pakiramdam niya ay nauntog siya sa isang sementong pader. Agad siyang nawalan ng balanse kaya napahiga siya sa lupa. Uminit ang butas ng kaniyang ilong na para bang may nasusunog sa loob. Maya-maya pa'y gumuhit na ang malalapot na dugo na nagmula sa butas ng kaniyang ilong.
"Isa kang hangal. Ngayon tingnan mo ang gagawin!"
Lumapit sa kaniya ang Heneral at kinuha nito ang baril nitong binigay sa kaniya. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga niya sa lupa. Nakita niyang lumapit ang Heneral sa kaawa-awang lalaking nakatali sa poste ng kahoy.
"Akin na ang gulok," ani ng Heneral. Iniabot naman ng isang Guwardiya ang isang mahabang itak sa Heneral.
Muli siyang tiningnan ng kaawa-awang lalaki. Batid niyang nagmamakaawa pa rin ito sa kaniya.
"Si-sino siya? Ba-bakit tinatawag niya akong kapitan?" nagtatakang tanong niya sa kaniyang isipan at bigla siyang napayuko. Mga ilang saglit tiningnan muli niya ang lalaki at nakita niyang sarado na ang mga mata nito.
Muli naman siyang tinapunan ng tingin ng Heneral at nakita niyang inilapat na nito ang itak sa leeg ng kaawa-awang lalaki.
"Ganito ang mangyayari sa mga taong kumakalaban sa bansang España."
Biglang hinila ng Heneral ang itak na nakalapat sa leeg ng lalaki kaya nagilitan na ito.
"Wag!" pagmamakaawa niya ngunit huli na dahil bumulwak na ang dugo sa leeg ng lalaki. Nakita niyang bumagsak na ang ulo nito at hindi na gumagalaw ang mga kamay.
"Pa-patay na siya," mahinang wika niya. Nakaramdam siya ng biglang pag-init mula sa kaniyang dibdib na para bang may sinusunog na apoy roon. Napakusot siya sa kaniyang mga kamao at galet niyang tinapunan ng tingin ang Heneral.
"Bakit mo ginawa iyon!?" pilit niyang inihakbang ang kaniyang mga paa upang makalapit sa lalaki.
"Huwag siyang paplapitin kay Heneral," wika ng isang Guwardiya, at hinila nito ang kadena kaya humigpit ang kadena sa kaniyang leeg.
Nasakal siya kaya hindi na niya naihakbang pa ang kaniyang mga paa. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at pilit niyang inalis ang kadena sa kaniyang leeg.
"Hindi mo maiaalis iyan," wika ng Guwardiya.
Nakita niyang tumalikod na ang Heneral at tangkang papasok na ito sa loob ng kuwartel.
"Ano pong gagawin namin sa tulisang ito?" nagtatakang tanong ng dalawang Guwardiyang nagbabantay sa kaniya.
"Siya naman ang itali n'yo riyan," nagmamadaling tugon ng Heneral at tuluyan na itong pumasok sa loob ng kuwartel.
"A-ano nanamang gagawin n'yo sa akin?"
"Tumigil ka!" Hinawakan ng isang Guwardiya ang kaniyang mga kamay at maya-maya pa'y inalis na nito ang kadena sa kaniyang leeg. Tinanggal na rin nito ang kadena sa kaniyang leeg.
Muli niyang tingnan ang patay na lalaki poste. Kinakalasan na ito ng lubid ng isa pang Guwardiya.
Inalis na ang bangkay ng lalaki doon at siya naman ang ipinasandig sa poste at tinalian ng lubid.
"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman namin papatayin."
"A-ano pa lang gagawin n'yo sa akin? Bakit n'yo ako ginapos dito?" nagtatakang tanong niya sa dalawang Guwardiya.
"D'yan ka matutulog."
Nakangiting tugon ng dalawang Guwardiya. Nakita niyang tumalikod na ang mga ito at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwartel.
Naiwan siya sa labas kasama ang bangkay ng lalaki. Muli niya itong tiningan.
"Ba-bakit tinatawag mo akong kapitan? Na-nasaan na ba talaga ako?"