Kabanata 19: Bukang-liwayway

1130 Words
Juan PoV Naramdaman niyang nangangalay ang kaniyang tuhod. Sumasakit din ang kaniyang panga dahilan upang siya ay magising. "Umaga na pala," aniya at pinagmasdan niya ang paligid. Tiningnan muli niya ang bangkay ng lalaki sa lupa ngunit wala na ito roon. Tanging buo-buong bakas lamang ng dugo ang nakita niya sa lupa na pinaghigaan ng lalaki kagabi. "Nasaan na ang lalaking iyon?" Inikot-ikot niya ang kaniyang paningin sa paligid ngunit hindi na niya nakita pa ang bangkay ng lalaki. Nakaramdam siya ng biglang paghigpit sa kaniyang leeg. "Aray! Ang lakas naman kasing sumuntok ng lalaking Heneral na 'yon." Pilit niyang inaabot ng kaniyang kamay ang kaniyang leeg ngunit hindi ito umaabot dahil nakatali siya sa poste. "Bakit ba kasi nila ako tinatali rito?" inis niyang wika, at pilit niyang inaalog ang kaniyang katawan baka sakaling makalas ang tali. Muli siyang tumingin sa paligid para alamin kung may mga Guwardiyang nagbabantay sa kaniya ngunit wala siyang nakita liban sa isang babaeng pasulyap-sulyap kanina pa sa kaniya. Matanda na ang babae, nakasuot ito ng blusang damit na may mahabang palda. "Ate tulungan mo ako!" pakiusap niya sa babaeng nakatayo sa gilid ng punong acascia. Wala man lang salitang namutawi sa bibig ng babae at pagtingin lamang ang ginagawa nito sa kaniya. "Ate!" muli niyang pakiusap ngunit hindi talaga umiimik ang babaeng iyon sa kaniya. "Pepe kaya siya? Bakit hindi siya nagsasalita? Baka bingi siya?" Patuloy pa rin niyang tinitingnan ang babae ngunit maya-maya pa'y tumingin ang babae sa kuwartel. Pinagmasdan nito ng mabuti ang kuwartel na tila inaalam nito kung may taong nagbabantay. Nang makasigurado ang babae ay bigla rin itong humakbang papalapit sa kaniya. "A-anong gagawin niya?" usisa niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang babaeng papalapit. Mga ilang sandali lamang ay tumigil na ang babae sa paglalakad dahil nakalapit na ito sa kaniya. Nasa harap na niya ang babae at pinagmamasdan niya ang mukha nito baka sakaling kilala niya ito. Ngunit nang maaninag na niya ng tuluyan ang .babae ay bigo siya sa pagkilatis dahil bago pa lang ito sa kaniyang paningin. Ni-kailan ma'y hindi pa sila nagkikita nito't ngayon pa lamang. "Ate, pu-p'wede n'yo po ba akong tulungan na makaalis dito?" pagmamakaawa niya sa babae ngunit hindi pa rin ito umiimik. "May kapansanan po ba kayo? Ba-bakit hindi kayo makapagsalita?" usisa niya sa babae. Tiningnan niya sa mata ang babae at nakita niyang mapupungay ang mga mata nito. "May sakit po ba kayo?" tanong pa niya ngunit biglang bumilog ang mga mata niya nang hawakan ng babae ang kaniyang balikat. "Ka-kapitan buhay nga kayo," masayang wika nito sa kaniya na tila nabuhayan bigla. "Juan po ang pangalan ko. Hi-hindi po ako kapitan," tanggi niya sa babae ngunit hinawakan ng babae ang kaniyang mga kamay na tila wala man lang nadinig. "Kapitan, ipagtanggal n'yo po ang ating bayan," wika pa ng babae kaya lalo siyang naguluhan. "Tekaa, Juan po ang pangalan ko ate at hi-hindi po ako kapitan. A-ano pong sinasabi n'yong iligtas ko ang ating bayan?" kusot nuong tanong niya. "Kapitan, kayo na lang po ang pag-asa ng ating bayan," ani pa ng babae. "Ate Juan nga po ang pangalan ko at hindi ako ang kapitan na sinasabi mo," pagpapaliwanag niya ngunit biglang tumakbo ang babae. "Ano iyan!?" Isang boses ang nadinig niha mula sa kuwartel kaya tiningnan niya ito't ngunit bumilog ang mga mata niya dahil nakita niya ang Guwardiya Sibil na nagpahirap din sa kaniya noong nagdaang gabi. Muli niyang tiningnan ang babae ngunit nakalayo na ito sa lugar. "Ate, sandali!" usal niya sa babae ngunit hindi na ito lumingon sa kaniya. Nakalapit na sa kaniya ang Guwardiya-Sibil kaya napalunok na lamang siya sa kaniyang laway. "Sino iyon? Tila may balak kang tumakas!?" galet na usisa ng Guwardiya, at bigla siyang sinuntok nito sa dibdib dahilan upang mamilipit siya. Parang hinampas ng kahoy ang kaniyang dibdib nang masuntok iyon ng Guwardiya. Napayuko siya ngunit hinawakan pa ng Guwardiya ang kaniyang buhok dahilan upang tumaas ang kaniyang ulo at makita niya ang kulubot na mukha ng Guwardiya. "Huwag na huwag mong babalaking tumakas," wika pa nito sa kaniya at bigla siya nitong dinuraan sa mukha. Kalat na kalat sa mukha niya ang laway ng Guwardiya. Sumakit ang kaniyang ilong at sumama ang kaniyang tiyan nang maamoy niya ang laway na iyon. Para siyang binuhusan ng damog na pakain sa baboy. "Anong nangyayari riyan?" usisa pa ng isang lalaking dumarating. Kitang-kita niyang kasalukuyang lumalabas mula sa loob ng kuwartel ang lalaki. Nanginig ang kaniyang tuhod dahil ang lalaking iyon ay ang lalaking kinatatakutan niya. "Heneral, tila yatang may balak na tumakas ang tulisang ito." "Ganoon ba? Kalasan mo iyan mamaya at dal'hin mo muli sa loob ng kuwartel," ani ng Heneral at tuluyan na itong nakalapit sa kanila. "Masarap ba ang tulog mo munting ginoo?" Hinamas-himas ng Heneral ang mukha niya dahilan upang siya ay pumalag. "Ano ba talagang gagawin n'yo sa akin? Bakit n'yo ako pinahihirapan ng ganito?" nagtatakang tanong niya sa dalawang lalaki ngunit tinapunan lamang siya ng ngiti ng mga ito. "Heneral, tingnan mo takot na takot siya sa iyo. Pagmasdan mo po ang kaniyang mata't hindi makatitig nang tuluyan." "Natatakot ka sa akin?" tanong ng Heneral, at bigla nitong sinampal-sampal ang kaniyang mukha. "Pakawalan n'yo ako rito. Wala akong ginagawang masama sa inyo," sambit niya. Namula ang kaniyang mga mata dala na rin ng pagkainis at pagkatakot sa dalawang lalaki. "Akala ko ba'y matapang ka?" nagtatakang tanong pa ng Heneral. Tiningnan lang niya ang dalawang lalakkng ngumingiti sa kaniya. "Parang awa n'yo na tanggalin n'yo na itong lubid," pagmamakaawa pa niya sa mga ito. "Sige kalasan mo na siya." "Ngunit Heneral?" tanong pa ng Guwardiya. "Huwag kang mag-alala ipapasyal lang natin siya sa munting paraiso," sagot naman ng Heneral na hanggang ngayon nakatitig pa rin sa kaniya. Lumapit na sa kaniya ang Guwardiya at tinanggal na nito ang lubid na nakatali sa kaniyang mga paa. Maya-maya pa'y tumayo ito't sa katawan naman niya ang tinangal nito. Nakahinga na siya ng maayos nang matanggal iyon ng Guwardiya. Pinagmasdan niya ang mga lalaki sa kaniyang harapan at napansin niyang may hawak na pa lang baril ang Heneral. "Takbo!" mabilis na wika ng Heneral dahilan upang siya ay mapalunok ng laway. "Tumakbo ka na sabi ni Heneral." "Ba-bakit anong gagawin n'yo sa akin?" nagtatakang tanong niya sa mga ito. Hindi siya sumunod sa inuutos ng dalawang lalaki kaya lumapit sa kaniya ang mga ito't hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Sa-san n'yo ako dadal'hin?" Hinila siya ng dalawang lalaki papunta sa isang madamo't magubat na likod ng kuwartel. Pinilit niyang pumalag ngunit tinutukan siya ng baril sa mukha ng Heneral kaya tuluyan na siyang napasama sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD