Chapter 1
"I-puwesto ang batang ito sa likod! Napakatigas ng katawan, makagugulo lamang ito sa performance ng grupo." nakabibinging sigaw ng guro ko.
Hindi talaga matatapos ang araw na hindi ako nakatatanggap ng panlalait galing sa iba. Agad akong hinawakan sa kamay ng trainor namin sa sayaw, at saka ako nito kinaladkad sa pinakang likod.
"Ayan, d'yan ka nababagay kasi hindi ka naman talaga marunong sumayaw. Sa totoo lang, dapat hindi ka na sumali." sambit nito bago ako talikuran at bumalik sa pagtuturo. Naramdaman ko na lamang na namamasa na pala ang pisngi ko. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha galing sa mga mata ko.
"Action!"
Nabalik ako sa ulirat nang biglang sumigaw ang director.
Nakaalala nanaman ako ng isang malagim na pangyayari sa buhay ko. Isang mainit na tubig ang dumaloy sa mukha ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang pag-agos at pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"Cut!" isang nakabibinging sigaw ang umalingawngaw sa buong silid.
"Very Good! You're truly a vrilliant, Veronica!" at sinundan ito ng nakabibinging palakpakan. Tumayo ako sa sahig na kinalulugmukan ko kani-kanina lang at saka pinunas ang mga luhang dumaloy sa mukha ko.
I am Veronica Santillan, 23 years old. A versatile actress.
Isa-isa kong tinitigan ang mga tao dito sa set; the director, producer, writer, set designer, lighting designer, costume designer, sound designer, production manager, technical director, and make-up designer..
They are all smiling.
Napakalawak ng mga ngiti nila dahil sa galing ng pag-arteng pinakita ko. Lahat sila nakangiti at masaya. Not knowing na habang masaya sila, unti-unti namang nadudurog ang puso ko.
They see me as a great actress na napakagaling mag-internalize ng lahat ng pinapagawa nila. Pero hindi nila alam na kaya ko ito nagagawa ay dahil sa lahat ng pinagdaanan ko.
I am Vivian Santillan, having Veronica Santillan as my screen name.
-
VERSATILE
ms.engineering