Luna “Tama na” balak pang suguron nang lalaki si Tristan upang suntukin ngunit kinuha ko ito at hinarang ko ang sarili ko. Hanggang sa pumagitna na ang mga bouncer at inawat ang lalaking nakaaway ni Tristan. Tinulungan ko itong makatayo. Pinunasan nito ang dugo sa kanyang bibig na nagkasugat dahil sa suntok. “Ok ka lang ba?” Tanong ko dito. Tumingin ito ng matalim sa akin saka biglang may babaeng lumapit dito. “Sweetie, Oh my God, are you ok?” Maarteng tanong ng babae dito. Ito yung kahalikan ni Tristan kanina. “Im fine, lets go” sabi ni Tristan sa malamig ang boses. Lumingon ito muli sa akin bago umalis. Naiwan naman akong natulala habang tinitignan ang papaalis na si Tristan at ang babaeng inakbayan nito. “Luna” napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Christian pala ito

