Luna “Ho???” Gulat na gulat kong baling kay Nanay. “Na depress si Joan nang mawala ang batang dinadala nito. Dinala ito ng kanyang pamilya sa amerika” patuloy naman ni Nanay. “Oh my God. Eh si..Tristan po?” Alanganin kong tanong. “Hindi ba ito nakwento ni Christian sayo?” Tanong naman ni Tatay. “Wala po siyang naku kwento tay. Hindi rin naman po kasi ako nagtatanong eh. Pinilit ko na lang pong kalimutan ang lahat” sabi ko dito. “Si Tristan, siya na ang nagpapalakad ng mga negosyo ng pamilya nila. Nagkagulo sila anak nang magalit si Mayor kay Tristan at pilit itong pinapakasal kay Joan. Tigas naman sa pagtanggi ni Tristan hanggang sa magkasagutan sila ng kanyang Ama. Kaya pala sila tumagal sa Maynila dahil inatake sa puso ang kanilang ama at na comatose ito kaya napilitan si Tristan n

