Luna
“Kami na diyan Luna, huwag kana mag abala. Sige na umalis na kayo at baka mahuli na kayo sa klase” saway ni Tita Cristy habang nililigpit ko ang pinagkainan namin ni Tristan.
“Sige po Tita” sagot ko naman dito.
“Mom, mala late ako ng uwi mamaya ah” agaw pansin naman ni Tristan. Napatingin din ako dito ngunit kinindatan lang ako nito.
“Saan ka naman pupunta?” Tanong ni Tita Angie kay Tristan.
“May lakad lang kami ni Luna, Mom” gulat na binalingan ko si Tristan. Wala naman kaming plano para mamaya. Pinanliitan ko lang ito ng tingin na tila nagsasabing may inililihim ito sa akin.
“O sya, sige na. Mag ingat kayong dalawa” nagpaalam kami ni Tristan at dumiretso na palabas ng kanilang mansyon.
Habang naglalakad, saka ko binalingan si Tristan.
“Hoy ikaw, saan ka pupunta mamaya huh?” Agad na baling ko kay Tristan.
“Ako? Di ba tayo?” Sagot naman nito. Tinignan ko ito na tila ba nagtatanong.
“Babe, nagtatampo na ako sayo ah” nagtataka ko naman itong tinignan.
“Huh? Bakit? Ano naman ginawa ko?” Ngunit imbis na sagutin ako ni Tristan. Huminto ito sa paglalakad saka ako tinignan. Gumanti lang din ako ng tingin na tila ba nagtatanong. Ilang segundo rin kaming nagtititigan at sa huli, biglang lumakad palayo si Tristan.
“Hoy, Tristan” habol ko dito. Hindi ito lumilingon kaya sinundan ko ito ng lakad.
“Tristan hoy, hintayin mo ko” ngunit napakabilis ng lakad nito. Hindi pa rin ito lumilingon kaya naman tinakbo ko na ang pagitan naming dalawa. Nang maabutan ko ito, pinigilan ko ito sa kamay.
“Babe, hoy. Ano ba?” Lumingon lang ito saka ako tinignan.
“Anong araw ngayon?” Tanong nito. Natigilan ako bigla, anong araw nga ba? Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag saka ko gulat na gulat na binalingan si Tristan.
“Tsss” saka ito muling umalis.
“Huy, sorry na. Babe” muling habol ko dito. Nakita ko rin ang mga tao na halos pagtinginan na kami. Ganun na ba ako ka busy at nakalimutan ko ang araw na ito? March 15, araw na sinagot ko si Tristan. Its our 5th Year Anniversary as boyfriend/girlfriend. Oh my God, i almost forgot.
“Babe, sorry na please, huy” matagumpay ko itong nahabol kaya naman sinunggaban ko agad ito ng yakap mula sa likod nya dahilan upang mapatigil ito sa paglalakad.
“Sorry na please” sabi ko habang nakayakap ako mula sa likuran niya. Naramdaman kong bumuntong hininga ito. Hinawakan nya ang mga braso ko saka ito humarap sa akin.
“Sorry na please. I love you Babe” tinignan ko ito na tila ba nagpapaawa. Tumingin lang ito sa akin saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“Hmmp ikaw talaga, bakit ba ang ganda ganda mo? Kaya baliw na baliw ako sayo eh” sagot naman nito.
“Hindi ka na galit?” Ngumiti naman ito tanda ng kanyang sagot. Saka ko ito niyakap ng mahigpit na ginantihan din naman nito ng yakap.
“I love you so much Babe” sabi ko habang nakayakap ako dito.
“I love you more Babe” sagot nito habang mas pinahigpit pa ang pagkakayakap. Bumitaw ako saka kami nagsimula ulit maglakad.
“So, saan tayo pupunta mamaya?” Tanong ko dito.
“Surprise” nlingon ko naman ito saka ako nagkibit balikat.
“Sige, i surprise mo ako” natawa ito hanggang sa dalawa na kaming nagtatawanan. Natigil lang ang tawanan namin ng dumating ang tricycle na magsasakay samin hanggang sa school.
Nang makarating kami sa school, hinatid ako ni Tristan sa room at saka siya dumiretso sa kanyang room. Sinalubong naman ako ni Nelly mula sa umpukan ng mga estudyante.
“Ano nangyayari?” Tanong ko dito.
“Pinaguusapan lang namin yung gaganaping birthday ni Joan. Naginvite kasi siya kanina” sagot ni Nelly
“Oh? Tapos?” Sagot ko naman dito.
“Friend. Gaganapin sa Manila. Sa Grand Hotel. At sagot niya na daw ang accomodation at rides sa mga invited na walang sasakyan” muling sagot ni Nelly.Kita ko pa ang kislap sa mata nito.
“Hmmp mukhang may plano kang sumama ah” sagot ko dito habang unti unting tinatabi ang mga gamit ko upang makaupo ng maayos.
“Aba siyempre naman. Once in a lifetime lang naman yun friend, why not grab it. Tsaka nag invite naman siya eh” umupo rin si Nelly sa katabing upuan ko saka may kinuhang gamit sa loob ng kanyang bag. Nagkibit balikat naman ako dito.
“Luna” napalingon kami ni Nelly sa tumawag ng pangalan ko, si Joan. Agad itong lumapit sakin.
“Luna, sama ka ah. Sa birthday ko. Nasabi na ba ni Nelly?” Sumulyap pa ito kay Nelly.
“Oo nabanggit niya. Hindi ko pa sigurado, magpapaalam pa kasi ako eh” alanganin ko namang sagot. Kinuha nito ang braso ko saka niyugyog na tila ba bata.
“Ayyyy sige na please, sumama kana” pangungulit nito.
“Invited din sila Christian. Inimbitahan ni Daddy” dagdag pa nito.
“Eh di sasama din si Tristan?” Sabat naman ni Nelly.
“Hindi ko alam, wala naman siyang nababanggit. At tsaka, Itatanong ko pa sa tatay kung papayagan ako” sagot ko habang pilit na inaagaw ang braso ko.
“Iiihhh bilis na kasi. Kasama ka na ah, i book na kita ng hotel. Magkasama tayo sa room. Yehey” saka ito yumakap ng pagka higpit higpit.
“Hala, hindi pa ako sure” sagot ko naman.
“Oh gusto mo, kayo ni Tristan magkasama sa room?” Tumingin pa ito na may pagka pilyo. Umiling lang ako dito.
“Ahh basta, kasama ka na. Sige na dun na ako sa upuan ko. Bye” naiwan akong tulala habang tinatanaw ito papalayo sa pwesto namin. Lumingon ako kay Nelly. Si Nelly naman ay kibit ang balikat lang na sumagot sa akin.
“Hayyy” napapailing na lang ako habang kinukuha ang isang libro. Sakto naman at dumating na ang aming professor kaya nabaling na ang atensyon ng lahat sa aming guro.