Chapter 11

1331 Words
Luna Matapos ang klase, nakaabang sa labas ng classroom si Tristan. Agad ko naman itong sinalubong pagkalabas ko ng room. Kinuha nito ang bag ko at isinukbit sa balikat niya. Hinalikan din ako nito sa pisngi saka hinawakan ang kamay ko. Nagpaalam ako kay Nelly na tinanguan naman nito. Naglakad kami palabas ng campus. Dumiretso kami sa sakayan ng tricycle. “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko dito habang nasa tricycle kami. “Basta, surprise” sagot naman nito. Hinayaan ko na lang ito. May tiwala naman ako dito. Nang makarating kami sa kanilang bahay, nagtataka ko naman itong nilingon. “Oh, dito lang pala tayo pupunta bakit nagpaalam ka pa kay tita kanina?” Sagot dito habang naglalakad kami papasok sa kanilang mansyon. “Tsss hindi tayo dito Babe, kukunin ko lang susi ng sasakyan” sagot nito. Nagkibit na lang ako ng balikat at sumunod. Dumiretso siya sa kwarto habang ako naman ay naiwan sa sala. Bumalik din ito agad saka kinuha ang kamay ko at dinala palabas ng bahay. Sasakyan ni Tristan ang gamit namin. Honda Civic ang sasakyan nito. Niregalo sa kanya ng kanyang ama ng tumutuntong ito sa edad na 21. Hindi nga lang niya ginagamit kapag papasok, dahilan niya, mas masarap pa rin daw ang mag commute at maglakad lakad lalo na at kasabay ako. “Excited kana babe?” Agaw ni Tristan sa pansin ko habang nakatanaw ako sa kalsada. “Syempre naman pero saan ba tayo pupunta?” Baling ko naman dito. “Secret” saka nito iniliko ang sasakyan. Pumasok sa isang parking space. Nang mahinto ang sasakyan, bumaba si Tristan sa kanyang kinauupuan matapos nito patayin ang makina saka dumiretso sa pwesto ko. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan saka ako inalalayang makababa. “Let’s go?” Tumango ako saka kami pumasok sa loob ng isang sikat na hotel and restaurant dito sa bayan ng Sorsogon. Sinalubong kami ng mga staff at ginabayan sa aming pwesto. “This way po Sir Tristan” sabi ng isang babaeng staff. Hinila ni Tristan ang upuan at inalalayan ako makaupo matapos ay pumunta sya sa kabilang upuan saka naupo. Inabot ng staff ang menu board saka kami nagumpisang pumili ng pagkain. “What do you want Babe?” Baling ni Tristan sa akin. “Ahm” napaisip ako dahil sa totoo lang, hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain sa menu. “Ikaw na bahala Babe” sa huli, hinayaan ko na lang si Tristan na umorder para sa akin. “Dessert?” Huling tanong ni Tristan. “Halo halo please” sagot ko naman. Tumango si Tristan saka sinabi ang huling order namin sa staff. Umalis ito saka ako binalingan ni Tristan. “Nakikita ko lang ito dati sa f*******:” sabi ko dito. “Marami pa tayong lugar na kakainan at papasyalan na magkasama” sagot naman nito sa akin. Napangiti naman ako. “Halika sa may beach front habang wala pa yung food. Maganda pagmasdan ang sunset dito” aya ni Tristan. Tumango ako saka nito kinuha ang kamay ko. Pumunta kami sa may beachfront. Magkahawak kamay namin tinignan ang papalubog na araw. Niyakap ako ni Tristan mula sa likod ko, hinawakan ko naman ang kamay nitong nakayakap sa bewang ko. “Ang sarap ng simoy ng hangin” sabi ko dito. “Uhummp” ungol na sagot nito. “Nagpa reserve ako ng room for us” sabay bulong ni Tristan. Sa sinabi niya, bigla tumayo ang balahibo ko sa batok at sa braso. Oh my God, hindi ako prepared dito. “Huh?” Uutal utal ko pang sagot. “I said, nagpa reserve ako ng room. Huwag kang matakot, wala naman akong gagawin sayo” natatawa nitong baling sa akin. Hinampas ko ang braso nito saka natatawang hinarap ako sa kanya. “Maghihintay ako Babe until we say I Do sa harap ng altar. Nagpa reserve lang ako ng room para masolo kita just incase” saka pilyo itong humalik sa may gilid ng leeg ko. kinurot ko naman ito sa kanyang braso. Natatawa akong binalingan nito. “Joke lang” natatawang sagot nito. “Doon ba tayo matutulog?” Medyo kinakabahan ko namang tanong. “Pwede naman” saka ako nito niyakap ng mahigpit na agad ko rin namang sinagot. “Let’s go, baka nandun na ang pagkain natin” tumango naman ako saka kami bumalik sa loob ng restaurant. Nagumpisa kaming kumain maging ang dessert ay naubos namin. “Nabusog kaba?” Tanong ni Tristan nang makasandal ako sa upuan. “Grabe, ang dami mo pa lang inorder. Pero ang sarap ng mga pagkain nila. Napadami kain ko Babe” sagot ko naman dito. “I know, pati nga ata pagkain ko nakain mo na eh” nahihiya akong napatango at napangiti dahil totoo naman. Para bang ngayon lang ako nakakain na pati pagkain niya ay kinuha ko rin. “Ngayon lang kasi ako nakakain ng mga ganung luto. Ang sarap eh” tumayo si Tristan saka lumapit sa akin. Inalalayan din akong makatayo sa upuan. “Halika na, punta na tayo sa room para makapagpababa ka ng pagkain” tinignan ko ito na tila ba nagtatanong. “Paano naman” baling ko dito. Natatawa naman nitong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. “Basta, sumama ka lang sa akin. Akong bahala sayo” nagumpisa na nga kaming lumakad patungo sa lobby ng hotel and restaurant na pinuntahan namin ni Tristan. Sumakay rin kami ng elevator at tinungo ang destinasyon ng kwartong kinuha ni Tristan. Nang makarating kami sa isang kwarto, pinapikit ako ni Tristan. Binuksan niya ang pintuan saka ako inalalayang makapasok sa loob. Sinara niya ang pinto saka nito sinabing buksan ko na ang aking mga mata. Nang pagdilat ko, may hugis puso na mga petals ng roses ang nakalatag sa kama. Sa gitna nito ay may mga kandilang maliliit at may isang regalo at isang maliit na box. May mga nakasabit ding mga disensyo sa ceiling ng kwarto, may lobo rin ng puso at mga ribbon kasunod ang background music na kanta ni Daniel Bedingfield na If you’re not the one. Nilingon ko si Tristan na nakangiting tinitignan ako. Napapaiyak ko naman itong niyakap. “Thank you Babe. Ang ganda” sabi ko dito. Ginantihan din ako nito ng mahigpit na yakap saka ito kumalas at may pinuntahan sa isang gawi ng kwarto. May isang lamesa na maliit na may nakalagay na wine at mga wine glass. Nagsalin ito ng wine saka iniabot sa akin. “Happy Anniversary Babe” “Happy Anniversary Babe” sagot ko naman saka pinag toast namin ang baso at sumimsim ng wine. First time kong makainom nito, hindi naman pala ito ganun kasama ang lasa. Dinala ako ni Tristan sa kama at inalalayang makaupo. Kinuha nito ang isang box na nakabalot ng pulang pang regalo, kinuha ko ito saka binuksan. Naglalaman ito ng isang napakagandang sandals. “Gusto ko iyan ang isuot mo sa graduation day mo ah” sabi nito. Tumango ako ng nakangiti saka naman siya sinunod ang maliit na box. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang couple’s ring. Napahawak ako sa aking bibig. “Ang ganda” sabi ko dito. Kinuha ni Tristan ang singsing na mas maliit. Kinuha nito ang kanang kamay ko saka sinuot sa aking palasingsingan. “Buti naman at sakto” sabi ni Tristan. Kinuha ko naman ang naiwang singsing at sinuot ito sa kanya. Sakto rin ang singsing sa kanya. “Couples Ring muna tayo sa ngayon Babe, sa susunod, wedding ring na ang isusuot natin” tumango tango naman ako ng nakangiti saka ko ito niyakap ng mahigpit. “I love you Babe” sabi ko rito. Iniharap ako nito sa kanya saka ito sumagot. “I love you more Babe. Hindi ko alam kung ano ang hinaharap kung hindi ikaw ang kasama ko” tumingin ako dito ng napakalalim saka nito inilapat ang labi sa aking labi. Isang matamis na halik ang aming pinagsaluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD