Chapter 12

1198 Words
Luna “Aba, iba ang ngiti ng bestfriend ko ah. Ano nangyari kahapon ha?” Bati sa akin ni Nelly nang makarating ako sa classroom namin. “Huy wala ah” nakangiti ko namang sagot. “Sus, wala daw eh parang naka-stapler na yang ngiti mo dyan oh..oh..ayy..” kinuha ni Nelly ang kamay kong may singsing. Sinipat sipt pa niya ito habang nakasuot sa daliri ko. “Ahhhh Oh my God, engaged kana?” Tili nito habang nakahawak pa sa kanyang bibig. “Baliw hindi” panay tawa ko namang sagot dito. “Eh ano yan?” Turo nito sa suot kong singsing. “Couples Ring pa lang yan. Meron din si Tristan nito. Ang ganda diba?” Nakangiti ko rin itong sinisipat habang suot sa kamay ko. “Oh My G?? Ikakasal kana friend?” Sabay kaming napalingon kay Joan nang nakalapit na pala ito sa pwesto namin. “Hindi, ano ba kayong dalawa. Couples ring lang to. Tanda lang na akoy para kay Tristan at siya ay para sa akin lamang” sagot ko kasabay ng paghagikhik tanda ng pagka kilig ko sa sinabi ko. “Well, I’m happy for you besh. Deserve niyo ang isa’t isa” sagot naman ni Nelly, napatingin ako sa kanya saka ito napayakap. Nakisali rin si Joan sa pagyakap. “Hayss, sana mayroon din akong katulad ni Tristan. Napaka sweet. Ako kaya kailan?” Sagot naman ni Joan ng magkalas kaming tatlo sa pagkakayakap. “Darating din yun. Malay mo, sa birthday mo na pala yun” sabi ni Nelly. “Malay mo si Nelly na pala yun” biro ko naman dito. “Eeewwww” sabay na sagot ng dalawa. Saka ako napalakas ng tawa. “Hoy ikaw, hindi porke masaya ka ngayon eh mababaliw baliw kana din dyan. Kung ano ano pinagsasasabi mo” sita ni Nelly na ngayon ay naguumpisa nang umupo sa pwesto nito. “Oh my God Luna, wash your mouth. That’s eewww” maarteng sagot naman ni Joan at lumakad na rin papunta sa kanyang upuan. “Bakit?” Natatawa ko pa ring baling sa dalawa habang paupo rin sa aking pwesto. “Ikaw, iba yang saya mo. Yung totoo, sinuko mo na ba huh?” Agaw pansin ni Nelly sa pagitan ng pagtawa ko. “Hoy, hindi ah. Ready na nga ako kaya lang ayaw niya pa eh” tila ba parang nagmamaktol ko pang sagot kay Nelly. “Ginagalang ka lang nun. So, ano na nga. Ano nangyari kahapon?” Pangungulit ni Nelly. “Ayun nga, dinala niya ako sa hotel and restaurant. Kumain kami, ang sarap ng food. Tapos nag rent sya ng room for us..” saka biglang pumasok sa isip ko ang nangyari ng araw na iyon. “Mahal na mahal kita Luna. Wala na akong ibang hihilingan pa kundi ikaw lang” sabi ni Tristan matapos ang isang malalim na halik na aming pinagsaluhan. “Mahal na mahal din kita Tristan. Ikaw lang ang nakikita kong makakasama ko habang buhay” sagot ko dito. “Come here, may prinepare akong movie na papanoorin natin. This is an Old Movie pero sobrang ganda talaga ng story” tumayo ito saka inayos ang papanoorin namin sa tv. Kinuha nito ang wine at tinabi sa side table malapit sa kanya. Nagsalin muli ito sa baso at saka iniabot sa akin. Tumabi ito sa akin. “Anong name ng movie?” Tanong ko dito. “The best of me” sagot nito saka niya pinindot ang Play Button sa remote. Nilagay nito ang isang braso sa likod ko at saka ako sumandal habang ineenjoy ang palabas sa tv. Nang nasa kalagitnaan na ng palabas, naubos na rin ang wine na iniinom namin, nakaramdam ako ng lungkot sa storya ng kwento nila. Andyang naiyak pa ako na agad namang pinunasan ni Tristan. “Story lang yan babe, don’t cry. Di yan mangyayari sa atin” sabi nito habang pinupunasan ang mga luha ko. “Babe ang ganda kasi tsaka grabe yung nangyari sa kanilang dalawa. After so many years, mahal pa rin nila ang isa’t isa” pahikbi hikbi ko pang sagot. Natatawa namang niyakap ako ni Tristan. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng mga ganitong palabas. Dahil kadalasan kapag uwi ko nang bahay, pagkatapos kong gawin ang mga takdang aralin, tumutulong ako sa gawaing bahay. Natapos ang pelikula na may naiwang saya at kalungkutan sa puso ko. Tumayo si Tristan upang patayin ang tv saka ito muling nagpatugtog ng love song. This time, the song is from a boy group name BLUE and the title of the song is The Best in Me. I really love this song kasi sobrang romantic ng lyrics. “May i have this dance?” Aya ni Tristan habang nakalahad ang isang kamay. Tumayo naman ako at lumapit dito nang nakangiti. Inabot ko ang isang kamay nito saka iniyakap ang dalawang kamay ko sa leeg nito. Niyakap naman niya ang mga braso sa bewang ko. “Cause you bring out the Best in me. Like no one else can do..” pagsabay ni Tristan sa kanta habang sumasayaw kami ng sweet dance. “That’s why im by your side. That’s why i love you” patuloy nito sa pagkanta. Napapangiti naman ako sa bawat lyrics na kinakanta niya. Hindi si Tristan ang nagsulat pero para bang ginawa ang kantang iyon para sa akin at si Tristan ang sumulat. Dagdag pa na napakaganda rin ng boses nito. Kaya nga ata ako nainlove ng husto dito eh dahil sa halos araw araw ako nito haranahin noong nanliligaw pa lang ito. Palagi siyang naggigitara sa labas ng classroom namin at kumakanta. Isama mo pa yung minsang may school program, kasama siya sa mga kkanta at talaga namang sinabi niya pa habang nasa stage at may hawak na mic na ang kanyang kanta ay para sa akin, halos malaglag ang puso ko noon sa kilig. Hanggang ngayon, iba pa rin talaga si Tristan magpakilig. Para kang araw araw nililigawan. “That’s why i love you” sa huling lyrics saka ko siya sinabayan. Nangingiti ko itong binalingan saka dinampian ng halik, gayundin ito sa akin. End of flashback.. “Grabe nakakakilig naman kayong dalawa. Para na rin akong nakapanood ng love story sa kwento mo friend” sagot ni Nelly. Agaw pansin nito sa akin habang ang diwa ko ay sa naiwang sandali namin ni Tristan sa hotel. “Pero saludo din talaga ako dyan kay Tristan. Talagang ginagalang ka” napatango naman ako tanda ng pag sang ayon kay Nelly. “Biruin mo may pagkakataon na siya, mahal mo naman siya. Mahal ka rin niya pero talagang ginalang ka noh. Bihira na ang lalaking ganyan friend” dagdag pa ni Nelly. “Hmmp, minsan nga gusto ko wag na niya ako galangin. Ituloy na niya. Nakakabitin eh” bigla naman akong sinabunutan ni Nelly. “Aray, ano ba” sabi ko dito habang hinahawakan ang buhok kong bahagyang nasaktan. “Gaga ka kasi. Kung ano ano naiisip mo” natatawa ko naman itong binalingan. “Ready naman na ako” tatawa tawa ko pang sagot. “Baliw” huling salitang nasabi ni Nelly bago pumasok ang professor namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD