Chapter 13

1319 Words
Luna Sumapit ang araw ng kaarawan ni Joan. Dalawang araw din kami sa Manila para sa kanyang kaarawan. Pumayag din naman ang mga magulang ko na sumama ako lalo nang malaman nilang kasama si Tristan. Nang sunduin nga ako ni Tristan ay inihabilin ako ng mga ito dito. Nangako naman si Tristan na hindi ako papabayaan. “I-enjoy niyo na rin ang pamamasyal sa Manila. Sa susunod na buwan ay graduation niyo na” pahabol pa ni Tatay bago kami umalis. “Opo tay” sagot naman ni Tristan. “Magiingat kayo” sabi naman ni Nanay. Dumiretso kami sa bahay nila Tristan upang puntahan si Christian dahil kasama nga rin ito. Sigurado naman akong hindi papayag si Joan na hindi ito kasama. Sabay sabay kaming pumunta sa airport kung saan ang meeting place ng lahat. Hinatid kami ng driver ni Christian. Nagkita kita ang ilang mga classmate at professor namin sa Airport. Nandun din si Nelly. Sila Joan ay nauna na sa Manila kahapon pa upang asikasuhin ang ilang detalye sa kaarawan niya. Nakapasok nga kami sa airport at lulan ng eroplanong cebu pacific, magkatabi kami sa upuan ni Tristan at Christian. Nakapagitna ako sa kanilang dalawa. “Umidlip ka muna babe” sabi ni Tristan nang makaupo na kami. “Hindi na babe, mabilis lang naman ang flight eh” sagot ko. Nakatulog naman ako kagabi dahil alam ko ngang maaga ang flight namin. 9am ang alis namin ng Daraga ngunit maaga ang calltime namin dahil dapat daw ay 3hrs before flight, nasa airport na. Pagdating naman ng Manila, 1pm ang check in sa hotel. Tamang tama na rin yun. “Pagdating sa airport, susunduin tayo ng shuttle ng hotel” sagot naman ni Christian na akala ko ay natutulog. Siya ang nakapwesto malapit sa bintana. “Ahh ganun ba. Ang galing naman” manghang sagot ko naman. “Pagdating natin sa Hotel, mamasyal muna tayo babe” aya ni Tristan. “Huwag na kayong lumabas, baka mawala kayo” sagot ni Christian. “Eh di magta taxi kami” tumingin naman si Chrsitian kay Tristan saka ito napailing. “Sasamahan ko kayo” sagot ni Christian matapos itong sumandal. “Hindi na kuya, kaya ko na..” “No” mabilis na sagot ni Christian. Nakita ko pang umigting ang bagang nito habang nakatingin sa labas ng bintana. Tinignan ko naman si Tristan na ganun din, umiigting din ang panga sa galit habang nakatingin sa kanyang kapatid. Hinawakan ko ang kamay nito upang kumalma ito. Tumingin ito sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko. Mukhang kumalma naman sya. Sumandal ito sa upuan, inihilig ko naman ang ulo sa kanyang balikat. “Babe, where here” gising ni Tristan sa akin. Hindi ko na namalayang nakaidlip pala ako. Dumilat ako at nakita kong naguumpisa nang bumaba ang mga tao. Tumayo si Tristan saka ako inalalayang makatayo. Sumunod naman si Christian na tumayo at lumakad kasunod namin. Kasabay na namin sila Nelly at iba pang bisita, naglakad palabas ng arrival area. May mga lalaking naka pormal na suot at may nakasulat na Grand Hotel sa kanilang placard. “Ayun na ang shuttle” turo ni Christian. Nauna ito sa amin at kinausap ang isang tauhan ng hotel. Matapos niya makipagusap saka kami binalingan at inaya. Eto na nga ang shuttle na maghahatid sa amin sa hotel. May tatlong van din kaming bisita ni Joan. Naunang sumakay ang adviser naming si Mr Cristobal katabi si Nelly sa harapang upuan. Naunang pumasok si Christian kasunod ako at si Tristan tapos ay ang iba naming ka klase. Napapagitnaan muli ako ng magkapatid. Hindi sila nagpapansinan mula ng makalapag ang eroplano. Medyo nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan nilang dalawa kaya naman tahimik lang din ako habang nasa kalsada. Wala naman ako masyadong matanaw sa labas dahil sobrang kapal ng tint ng van kaya dark ang nasa paligid. Ngunit makalipas ang isang oras, narating namin ang hotel. Lahat ay napamangha dahil sa gara ng istraktura ng building ng hotel. Talaga namang napakatayog nito at napaka ganda ng disenyo sa labas. “Ang ganda besh” tila kinikilig pang sabi ni Nelly. “Oo nga besh” sagot ko naman. “Tara na” sagot naman ni Christian. Sabay sabay kaming pumasok sa loob at binati rin kami ng mga staff ng hotel. Talaga namang mas maganda ang loob ng hotel, hindi nalalayo sa disenyo nito sa labas. Binigay ng receptionist ang hotel room at key namin. Magkasama nga kami ni Joan sa room. Si Tristan at Christian naman ay magkasama sa room. Ang iba ay 4 na magkakasama sa isang room. Pumunta kami sa kanya kanyang room, hindi naman nalalayo ang room nila Tristan sa room namin ni Joan. Habang naglalakad, nakasalubong namin si Joan at ang kanyang mga magulang. “Oh my God, nandito na kayo” tili ni Joan habang sinasalubong kami. Dumiretso ito sa akin at yumakap, maya maya ay kay Nelly. Nag beso rin ito kay Christian at Tristan. Nakita ko naman si Chrsitian na sinalubong si Mayor San Miguel. Nakipag kamay dito at nagbeso naman kay Donya Cecilia, ang ina ni Joan. “Kamusta ang biyahe niyo papunta dito?” Tanong ni Donya Cecilia. “Maayos naman po mam” halos sabay sabay naming sagot. “Salamat at nakarating kayo” sabi naman ni Mayor San Miguel. “Oh siya halina kayo sa mga kwarto niyo. Alam naming pagod kayo” aya ni Donya Cecilia. Ang lahat ay nagumpisang maglakad habang si Joan ay kumapit sa aking braso. “Tabi tayo besh” sabi nito na tila ba kinikilig kilig pa. “Oo nga eh. Nakakahiya naman sayo. Ang laki ng kwarto nating dalawa” sabi ko naman dito. “Tsss ano kaba, ok lang yun. Your my bestfriend diba?” Nginitian kona lang ito saka sinabayan sa paglakad. Nang makarating kami sa kwarto ni Joan. Inihatid ako ni Tristan at nilagay ang mga gamit ko sa loob ng kwarto saka ito nagpaalam. “Text kita babe, lapag ko lang tong gamit” sabi ni Tristan. Si Christian naman ay nakaabang sa likuran nito. “Sige babe, text text tayo” sagot ko naman. Saka ito humalik at umalis. “Sooo, do you like it?” Niluwagan ni Joan ang mga braso at nagpaikot ikot sa loob ng kwarto. “Yeah, ang ganda dito” sagot ko habang namamangha sa ganda ng kwarto. Parang malaki pa ito sa bahay namin. May sarili rin itong pantry at ang cr ay talaga namang napakalaki. Parang kasing laki ng sala namin sa bahay. “This is my favorite spot here” binuksan nito ang isang napakalaking kurtina. Tumambad ang salaming ding ding at ang kabuuan ng siyudad. Tanaw mo mula dito sa kwarto ang nangyayari sa labas at ang mga sasakyan na akala ko ay mga laruan lamang. “Ang gandaa” sabi ko habang namamanghang tinitignan ang labas. “Mas maganda pa yan sa labas” sabi ni Joan habang may iniaabot na lata ng inumin. Ininom ko naman ito ngunit napaubo ako sa pakla ng lasa. “Ano to?” Tanong ko habang maubo ubo pa. “Coke lang yan” sabi naman nito na natatawa. “Hindi naman ganito lasa ng coke eh” nang tignan ko ang lata. Kulay itim ito na may logo ng coke pero meron ding nakasulat na “Jack Daniel’s? Diba alak to?” Sabi ko. “Hahahaha, yeah drink it. Ang sarap diba?” Sagot ni Joan habang tila sarap na sarap na iniinom ang sa kanya. “Ayoko besh, hindi ako sanay uminom ng ganito” kinuha ni Joan ang lata sa akin at saka itinabi ito muli sa ref. “After ng birthday celebration ko, hindi ako papayag na hindi tayo iinom hmmp. Pagbibigyan kita ngayon pero mamaya, hindi pwedeng di ka iinom. Cocktail drink lang sayo” tumango na lang ako dahil panigurado namang hindi ito magpapatalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD