Luna
“Let us all welcome, our birthday celebrant. The beautiful, Miss Joan San Miguel” anunsyo ng emcee sa pagpasok ni Joan. Lumabas ito mula sa pinto ng bulwagan. Suot ang isang napakaganda at napakakinang sa gown na talaga namang nakapagpaangat sa kanya sa gabing ito. Dahan dahan siyang lumalakad papasok habang nakangiti at binabati ang mga bisita gamit ang pagkaway at pag flying kiss niya.
“Taray ni bakla oh, ang ganda” sabi ni Nelly sa gilid ko habang pumapalakpak kami.
“Yeah, maganda na siya noon. Mas gumanda pa siya ngayon” sagot ko naman. Hanggang sa matapat sa amin si Joan. Nakita ko ang saya nito nang batiin kami. Sobrang saya ko rin para sa kanya. Hanggang sa makarating ito sa stage. Humiling ang emcee na magsalita sya upang makapagbigay mensahe para sa mga bisita.
“Thank you so much everyone for coming to my big day. I know it’s kinda too late for my debu but please guys, pagbigyan niyo na ako. Pandemic nung debu ko, bawal lumabas right?” Ang lahat ng bisita ay nagkatawanan. Totoo naman. Lahat ng tao tumigil ang mundo dahil sa pandemic.
“Enjoy your evening guys” nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang mensahe ni Joan. Naupo na rin ang lahat ng bisita at nagumpisa na ang program.
At dahil nga extension ng debu ni Joan ito, hindi mawawala ang 21 flowers. Kasama si Nelly sa 21 flowers maging si Christian at si Tristan. Wala naman problema sa akin dahil kaibigan naman namin siya. Kasama rin ako sa 21 candles at isa sa nagbigay ng mensahe kay Joan. Matapos ang programa at nang makakain ang lahat, nagumpisa nang tumugtog ang isang sikat na banda na kanilang inupahan para sa party. Ang lahat ay nagkasiyahan. May mga nagsayaw din sa bulwagan. Si Nelly at ang iba naming kaklase ay nagkasiyahan din at sumasayaw na ngayon sa gitna ng stage.
“Gusto mong sumayaw?” Aya naman ni Tristan.
“Sige. Tara?” Pag sangayon ko naman dito. Tumango ito at saka pumunta sa gitna. Naiwan si Christian sa upuan. Maya maya pa, nakita ko si Joan palapit sa pwesto ni Christian. Inaaya niya itong sumayaw. Nung una ay umiling si Christian ngunit nakita ko rin ang paglapit ni Mayor San Miguel sa pwesto nila kaya tila walang nagawa si Christian, sinamahan na rin si Joan na sumayaw.
“Ang saya pala ng ganito babe” sabi ko kay Tristan habang magiliw na umiindak kaharap siya.
“Yes babe. Mag enjoy ka lang. minsan lang naman ito” tumango ako saka muling sumabay sa hiyawan ng mga tao dala na rin ng tugtugin.
Nakailang kanta rin ang banda bago namin naisipang magpahinga muna. Uminom ako ng tubig dahil sa hingal, gayundin si Tristan. Nakita ko ring tumigil na sa pagsayaw sila Chrsitian at Joan. Naghiwalay sila ng landas, si Joan ay may ibang pinuntahan habang si Christian naman ay pabalik sa pwesto namin.
“Ang saya grabe” sabi ko sa pagitan ng paghingal. Hanggang sa magpaalam na ang banda matapos ang last song nila. Bigla akong nalungkot, wala nang masayang musika.
“Uh uh, there’s more” biglang sumulpot si Joan na may dala dalang cocktail drink. Inabot nito sa akin ang isa habang ang isa naman ay kay Tristan. May nakasunod din sa kanyang waiter at inabutan niya rin si Christian saka ito naupo kasama namin.
“Cheers” sabi ni Joan habang nakataas ang baso ng cocktail drink.
“Cheers” sabi ni Tristan at Nelly. Ako naman ay nakipag toast din ng baso ngunit alanganin akong inumin ito dahil alam kong may alak ito.
“Drink Luna, you promise me” sabi ni Joan matapos nitong ilapag ang baso ng pinag inuman nito ng tubig.
“Sorry nauhaw ako sa sayaw” natatawang baling ni Joan. Ngunit hindi pa rin ako nakaligtas sa tingin nito. Tinuturo niya ang cocktail drink na nasa harapan ko. Wala naman akong nagawa kundi ang inumin ito. Sa una ay alanganin pa ako ngunit nang malasahan ko ito, hindi ito ganun kapakla katulad ng nasa lata. Naubos ko ang cocktail drink na iyon.
“That’s Margarita. Ang sarap diba?” Sabi ni Joan. Napatango naman ako bilang pagsang ayon.
“Yeah ang sarap niya. Hindi ko masyado nalasahan ang alak” pagsangayon ko naman dito.
“At dahil diyan, let’s have another one. Waiter” lumapit ang waiter na may dala dalang iba’t ibang uri ng cocktail drink. Isa isa kaming kumuha nila Tristan, Christian, Nelly at Joan. Bigla ring may dj na nagsalita sa mikropono. Siya ang maghahatid naman ng music sa mga bisita.
Nagumpisa itong magpatugtog ng masiglang tugtugin. Nagtayuan muli sila Nelly at pumunta sa dance floor.
“Besh, dun ako sa stage. Malapit kay Papa DJ” paalam ni Nelly sa akin. Natatawa ko naman itong tinanguan dahil sa totoo lang, gwapo naman talaga ang dj. Hindi na ako magtataka kung hindi yun mapapansin si Nelly. Nagpatuloy naman kami sa inuman nila Joan hanggang sa maya maya, medyo nakakaramdam na ako ng pagkahilo.
“Kaya mo paba?” Baling ni Christian sa tabi ko.
“Oo kaya pa” sagot ko naman dito.
“Babe, hatid na kita sa kwarto mo. agaw pansin naman ni Tristan.
“No, im ok. Kaya ko pa” baling ko dito.
“Sure ka?” Pagaalalang tanong muli nito.
“Yeah, sure”
“Tara sayaw pa tayo?” Aya naman ni Joan.
“Tara” sagot ko. Dalawa kaming pumunta sa dance floor at masayang nagsasayaw. Hindi ko na rin alam kung ano ang ginagawa ko. Habang sumasayaw, nakakaramdam na ako ng hilo. Nakita ko pa si Nelly na nagsasayaw sa harap ng dj, tawa pa ako ng tawa dahil sa umiindayog ito habang nakahawak sa balikat at dj at nagsasayaw ng kumekembot pataas baba sa dj. Lumingon ako sa gawi ni Tristan, nakatingin lang ito sa akin maging si Chrsitian.
“Ang sayaaaaa” sigaw ko.
“Woooohhhh” sigaw din ni Joan. Maya maya pa ay tila nagba blanko na ang paningin ko. Umiikot na ang paligid ko. Lumingon ako sa pwesto ni Tristan ngunit wala na ito dun. Tinignan ko rin si Joan ngunit hindi ko na rin ito makita hanggang sa naramdaman kong matutumba na ako. Napapikit ako dahil alam kong tutumba na ako ngunit naramdaman kong may sumalo sa kamuntikan ko nang pagbagsak. Dumilat pa ako upang makita kung sino ang umaalalay sa akin ngunit hindi ko ito mamukhaan dahil sa ilaw na tumatama sa likuran nito.
“Tristan” huling salita kong sinabi saka ako nawalan na ng malay.