Luna
“Hoooohhh, ang sayaaaaa” sigaw ako ng sigaw hanggang sa naramdaman kong bumagsak ako sa sahig. Saktong pagkabagsak ko, bigla naman akong nagising. Nagising ako sa isang malambot na kama. Nakaputing kumot at masakit na masakit ang ulo. Napaungol ako.
“Joan” halos malat na tawag ko sa aking kaibigan. Nang walang sagot akong narinig, saka ako unti unting bumangon habang kukurap kurap ang mata dahil sa silaw ng liwanag na tumatama sa mukha ko. Saktong bumukas ang pintuan ng kwarto. Hindi ko ito tinignan sa pagaakalang si Joan lang ito.
“Good morning” bati ko dito habang nakapikit at himas himas ang ulo ko dahil sa sakit nito.
“Gising kana pala” napatigil ako sa pagmasahe ng ulo, boses lalaki ang nagsalita. Pagkalingon ko dito, nagulat ako nang mamukhaan kung sino ang taong pumasok sa kwarto.
“Christian” nagpalingon lingon ako sa kwarto saka ako biglang natauhan, hindi ito ang kwarto namin ni Joan.
“Hayop ka..” dinig ko sa labas ang isang galit na galit na lalaki.
“Ano yun?” Baling ko kay Christian. Naghalukipkip lang ito habang nakatitig sa akin.
“Wala po akong alam, wala po akong ginagawa” may sumagot naman na isang lalaki mula ulit sa labas ng kwarto. Saka ako napaisip.
“Si Tristan ba yun?” Hindi pa rin ako sinagot ni Christian kaya naman dali dali akong lumabas ng kwarto at sinundan ang ingay na narinig ko.
Nakita ko ang kwarto namin ni Joan na nakabukas at tila doon nanggagaling ang sigawan. Pumasok ako sa loob ng kwarto saka naman ako sinundan ni Christian. Nakita ko si Mayor San Miguel na naginginig sa galit at si Donya Cecilia na hawak hawak sa braso ang kanyang asawa habang inaawat ito. Nakita ko rin si Joan na umiiyak at nakatalukbong lang ng kumot ang katawan at si Tristan na walang suot pang itaas at nakatalukbong lang din ng twalya ang kanyang pang ibaba.
“Tristan” halos walang boses kong salita. Alam kong mahina lang yun at panigurado akong hindi ako maririnig ngunit lumingon si Tristan na ngayon ay halos hindi ko makilala. Ang gulo gulo ng buhok nito at may bahid pa ng pula sa gilid ng labi, tila lipstick ito.
“Babe” lumapit sa akin si Tristan.
“Anong nangyayari?” Napalingon din ako kay Joan na wala naman ginawa kundi ang umiyak lang habang nakayuko.
“Babe, magpapaliwanag ako” pagmamakaawa ni Tristan.
“Paguusapan natin ito paguwi sa Sorsogon Christian” baling naman ni Mayor San Miguel kay Christian. Tumango naman ang huli.
“Magbihis kana, uuwi na tayo Joan” binalingan naman nito si Joan.
Nanatili lang si Joan na nakatayo at umiiyak. Binalingan naman ako ni Tristan.
“Babe, please talk to me” pagmamakaawa ni Tristan.
“Halika na muna Luna, kinuha ko na ang gamit mo sa kwarto niyo ni Joan. Uminom kana muna ng gamot. Yung gamit mo Tristan nasa loob na ng kwarto ni Joan. Diyan ka na magbihis” inakay ako ni Christian papalayo kay Tristan. Wala pa rin ako masabi magpasa hanggang ngayon. Bago kami pumasok ni Christian sa kwarto, binalingan pa nito si Tristan.
“Nakakahiya ka” sabi ni Christian.
“Babe” sigaw naman ni Tristan. Tinignan ko lang ito saka tuluyang lumabas. Narating namin ni Christian na tulala ako saka ako agad na naupo sa silya na nasa side table at blanko ang isip sa mga nangyayari.
“Oh, inumin mo muna yan para mawala sakit ng ulo mo” iniabot ni Christian ang isang tableta at isang baso ng tubig. Ininom ko yun saka ko binalik ang baso kay Christian.
“Salamat” sabi ko dito.
“Maligo kana at magbihis, babalik na tayo ng Sorsogon” utos naman nito.
“Eh diba bukas pa yung schedule ng flight pabalik?” Tanong ko naman.
“Nag book na ako ng ticket for two” sagot nito.
“For two? Si Tristan pano?” ngunit kunit ng noo ang sinalubong ni Christian sa akin.
“Siya pa rin ang iniisip mo sa kabila ng kagaguhang ginawa niya sayo?” Halos pasigaw namang sagot ni Christian. Hindi naman ako nagalit sa ginawa niya dahil sa tingin ko dala lang din iyon nang pangyayari. Galit sa ginawa ni Tristan. Maging ako rin naman. Galit din ang nasa isip at puso ko sa ngayon.
“Anong nangyari Christian?” Tanong kona lang dito. Napahinga ng malalim si Christian saka naupo sa kabilang silya na katapat ko.
“Nahuli ni Mayor si Joan at Tristan na magkatabi sa kama kaninang umaga.. nang walang mga saplot ang katawan” napahawak ako sa aking bibig at napailing iling.
“Pero pano? Si Tristan ang naghatid sa akin sa kwarto kagabi” litong tanong ko pa rin dito.
“Hindi ko alam. Baka nga hinatid ka niya at dahil wala siyang key card ng kwarto niyo kaya dito ka niya diniretso sa kwarto namin” patuloy naman nito sa pagku kwento. Bigla akong napatingin ng malalim kay Christian at saka napatingin sa kama.
“Huwag kang magalala, hindi tayo magkatabi sa kama. Diyan ako sa lapag natulog” tinuro nito ang sahig na may nakalatag na comforter at unan. Napangiwi ako nang maisip na dun nga si Christian natulog, paniguradong hindi ito komportableng nakatulog.
“Pagpasok ko ng kwarto, ikaw na ang nakahiga sa kama. Sinubukan pa kitang gisingin para ihatid sa kwarto mo kaya lang lasing na lasing ka kagabi kaya hindi na kita inabala pa” patuloy nito sa pagku kwento.
“Kung ganun, wala si Tristan sa tabi ko pagpasok mo dito?” Tumango naman ito tanda ng pag sang ayon. Ngunit nalilito pa rin ako. Nagsisisi bakit ba ako uminom. At nagtataka, talaga bang magagawa ni Tristan sa akin iyon? Parang ayokong maniwala. Si Joan na hindi ko makitaan ng ni bahid ng pagkagusto sa boyfriend ko, paanong nangyaring magkatabi sila sa kama nang walang saplot? Mga tanong na lumalaro sa isip ko. Naagaw lang ang atensyon ko ng tumayo si Christian mula sa pagkakaupo.
“Sige na, kung ayaw mong kumilos, ako muna ang maliligo” saktong pagtayo nito, biglang may kumatok sa pinto.
“Babe, babe, buksan mo to please” napatingin ako kay Christian.
“Huwag mong bubuksan” utos naman ni Christian.
“Pero..” sagot ko naman. Napailing na lang si Christian saka umalis diretso sa pinto. Binuksan niya ang pinto.
“Babe, please magusap tayo” pagmamakaawa ni Tristan.
“Ano pa ba ang kailangan mo Tristan? Hindi ka na naawa kay Luna” singhal naman ni Christian sa kapatid.
“Ano ba, hindi ikaw ang gusto kong makausap. Papasukin mo ko” hanggang sa nagbuno na ang dalawa sa pinto. Tumayo ako upang awatin sila.
“Tristan tama na” sigaw ko dito hanggang sa napatigil si Tristan sa pagpupumiglas sa kapatid.
“Babe, hindi ko yun magagawa sayo. Hinding hindi” nakita ko ang pagmamakaawa sa mukha ni Tristan at ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata.
“Babe please, believe me. Mahal na mahal kita Luna, hinding hindi ko kayang gawin ang magtaksil sayo” tahimik pa rin ako na nakikinig sa mga sinasabi ni Tristan hanggang sa may luhang lumandas sa aking pisngi.
“Ayaw ka niya kausapin, umalis kana dito” sigaw naman ni Christian. Napatingin ako sa dalawa at sa mukha ni Tristan. Isang malalim na buntong hininga ang binigay ko dito.
“Magusap tayo pagbalik ng Sorsogon” sabi ko rito saka ako tumalikod at naupo habang patuloy ang paglandas ng luha sa aking mga mata.
“Babe, no, please, talk to me now. Luna..” sigaw pa rin ni Tristan.
“Narinig mo na siya, paguwi na kayo magusap” saka narinig kong sinarado ni Christian ang pinto. Patuloy pa rin sa pagkatok si Tristan sa pinto hanggang sa narinig kong may umawat na sa kanyang tauhan ng hotel. Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa magsalita si Christian.
“Maliligo nako” tumango lang ako pero hindi ko siya tinignan.
Anong nangyari, bakit tayo nagkaganito? Mga huling tanong na naiwan sa isipan ko.