Chapter 16

1113 Words
Luna Nagbiyahe kami ni Christian pabalik ng Sorsogon. Siya na ang nagbayad ng flight ticket ko pabalik. Wala pa rin akong kibo. Tanging OO at HINDI lang ang nasasagot ko kapag kinakausap ako ni Christian. Hinatid din niya ako sa bahay namin, nagulat pa sila nanay dahil hindi naman nila inaasahan ang pagdating ko. Ang alam nila ay bukas pa ang balik ko. Sinalubong agad ako ni nanay at sa kabila ng ngiti na binigay ko sa kanila, tila ba nabasa ni nanay ang lungkot sa aking mga mata. Nang makaalis si Christian, saka niya ako hinarap. “Ano ang nangyari?” Tanong sakin ni Nanay. Ngumiti lang ako ngunit maya maya ay may luhang pumatak na sa aking mata. Nabigla si nanay kaya naman niyakap lang niya ako hanggang sa ang kaunting luha na lumandas sa aking pisngi, naging isa na itong iyak na may kasamang hikbi, galit at hinanakit. “Sige lang anak, iiyak mo lang” sabi ni nanay habang hinahagod ang likod ko. Nang mukhang napagod na ako sa pagiyak, pinunasan ni nanay ang luha sa pisngi ko saka ko ito muling nginitian. “Nay, pasok po muna ako sa kwarto” paalam ko dito. Hindi naman na niya ako pinigilan kaya naman dumiretso ako sa kama at nahiga. Tinabi ko ang aking mga gamit saka ako blankong tumingin sa kisame. Nilalaro ko ang aking mga daliri hanggang sa makapa ko ang couples ring namin ni Tristan. Tinaas ko ang kamay kung saan nakasuot ang sing sing saka ko ito pinakatitigan. Habang nakatingin ako dito, may mga luhang lumalandas na sa pisngi ko. “Bakit Tristan? Bakit?” Tanong ko sa pagitan ng pagluha at pagtingin sa sing sing. Tinapat ko ang dibdib sa kamay kong suot ang sing sing, niyakap ko ito gamit ang isang kamay. “Bakit mo yun nagawa Tristan? Bakit kay Joan pa? Handa naman ako ibigay sayo ang lahat bakit sa iba kapa naghanap?” Patuloy na pagluha ko. “Kasalanan ko ito eh. Dapat pinilit ko na lang siyang may mangyari sa amin. Dapat ako na lang yung lumandi sa kanya hindi si Joan. Dapat ako na lang. Sana ako na lang” sa galit ko sa sarili, hinubad ko ang sing sing saka ko ito hinagis kung saan. Patuloy akong umiiyak. Pinikit ko ang aking mga mata pero imahe si Tristan at Joan ang nakikita ko. Imahe kung saan masaya silang ginagawa ang makamundong bagay. Imahe ng mukha ni Tristan kung paano siya naliligayahan sa piling ni Joan. Lalo pang tumindi ang pagiyak ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa sama ng loob na nararamdaman. Paano na ako nito? Paano na kami ni Tristan? Paano na ang mga pangako namin sa isat isa na bubuo ng pamilya at magkasamang haharapin ang mundo? Nasan na yung Tristan na walang iba kundi sa akin lang nakatingin? Nasan na yung taong walang ginawa kundi ang mahalin lang ako. Bakit? Paano? Kailan ito nagsimula? Bakit nagawa ito sa akin ng kaibigan ko? Anong kasalanan ko? “Babe” boses ni Tristan ang huling narinig ko sa aking panaginip. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Tinignan ko ang oras, maggagabi na pala. “Babe” boses muli ni Tristan ang narinig ko. “Tristan?” Bulong ko sa sarili. “Natutulog pa siya Tristan. Bumalik kana lang bukas” narinig kong sabi ni Nanay. Si Tristan. Ang Tristan ko, nasa labas ng bahay. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Narating ko ang pinto at pagkakita sa akin ni Tristan, agad itong yumakap sa akin. “Babe, please believe me. Hindi ko yun magagawa sayo” naramdaman ko pa ang pagyugyog ng balikat nito tanda na pagiyak nito. Tinignan ko si nanay, huminga naman ito nang malalim saka nagpaalam. “Maiwan ko na muna kayong dalawa” paalam ni nanay saka ito umalis. Bumitiw naman si Tristan sa pagkakayakap sa akin saka ako tinignan sa mata. “Hayaan mo akong makapagpaliwanag please” sabi nito. Tinignan ko rin ito saka ako tumango. “Dun tayo sa kwarto” aya ko dito upang magkaroon din kami ng pribadong paguusap. Nang makapasok kami sa aking kwarto. Nakita ko si Tristan na may pinulot sa sahig. “Babe, isuot mo ito please” inabot niya sa akin ang couples ring namin. “Sa tingin mo ba maisusuot ko pa yan? Para ano? Maging kabit mo?” Galit na baling ko dito. “Babe hindi ka kabit. At kahit kailan hindi ka magiging kabit. Ikaw at ikaw lang ang mahal ko. Wala akong pakielam dyan kina Mayor o kay Joan. Wala akong ginagawang masama” lumapit ito sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. “Please makinig ka naman sa akin. Please” tinignan ko naman ito saka ako tumango. “Nung gabing yun, sumasayaw ka sa dancefloor, nakikita ko nang patumba tumba ka. Kaya naman nilapitan na kita” naalala ko pang pagtingin ko wala na ito sa kanyang upuan. “Binuhat kita at dinala sa kwarto nyo. Hinanap ko ang keycard mo sa bag ngunit wala ito dun. Tinangka pa kitang gisingin ngunit hindi na kita magising kaya naman kinatid na kita sa kwarto namin upang makatulog ka dahil ako rin nakakaramdam na ng hilo ng mga oras na yun. patuloy nito. Naupo kaming dalawa sa kama habang hawak pa rin nito ang kamay ko. “Kinumutan kita saka ako tumabi sayo” patuloy pa nito. “Sigurado ako, magkatabi tayo natulog babe. Nahihilo na rin ako ng mga oras na yun. Nang paghiga ko katabi mo, nakatulog na rin ako bigla. Magkayakap pa tayo babe, ikaw ang kayakap ko bago ako matulog” nararamdaman kona naman ang panginginig ng labi nito at nakikita kong nangingilid ang luha sa mata nito. “Eh panong nakarating ka sa kwarto namin ni Joan kung ako pala ang katabi mo?” Tanong ko dito. “Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Wala talaga akong matandaan. Pilit kong hinahalukay sa isip ko kung paano ako nakapunta sa kwarto niyo at nakahubad pa ako pero hindi ko talaga maalala” napailing na lang ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako kay Tristan oh ano. Tinignan ko ito ng matagal. “Babe please, believe me. Kahit kailan hinding hindi ko magagawa sayo ang mga binibintang nila sa akin” pagmamakaawa nito. “Hindi natin alam ang susunod na mangyayari. Galit na galit sayo si Mayor. Baka kung mapano kapa” sabi ko dito. “Wala akong pakielam. Handa ko silang harapin. Huwag ka lang mawala sa akin” sabi nito saka ako niyakap. Ginantihan ko rin naman ito nang yakap. Paano na nga ba tayo nito? Huling tanong sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD