Chapter 17

1207 Words
Luna Naging usap usapan sa campus namin ang nangyari sa birthday party ni Joan. Napapatingin ang lahat sa tuwing madadaan ako. Nakikita ko ang awa sa mga mata nila, ang iba naman ay tila ba nanghuhusga. Mula noon magpahanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok si Joan marahil siguro sa kahihiyan. Isang linggo na rin itong hindi pumapasok, at halos dalawang buwan na lang bago ang aming graduation day. Naging abala na rin ako sa trabaho sa barangay dahil sa nalalapit na ring eleksyon. Si Tristan ay mas madalas na akong puntahan sa ngayon. Pinatawad ko siya dahil naniniwala ako na wala siyang kinalaman sa nangyari. Kilala ko si Tristan, higit sa pagkakakilala ko kay Joan. Alam kong hindi magagawa sa akin ni Tristan yun. Alam kong hindi niya ako kayang ipagpalit kahit kanino kaya naman pinaglaban ko ang kung anong meron kami. Nanalig ako sa mga pangako namin para sa isa’t isa. Kumapit ako sa mga salitang mahal niya ako at mahal ko siya. Natapos na ang klase ko kaya naman papunta na ako sa barangay ngayon upang ituloy ang naiwan kong trabaho. Matapos ang isang linggo, ngayon lang ako muli makababalik sa trabaho. Nakakuha na rin si Christian ng regular niyang sekretarya ngunit hinayaan pa rin niya akong magtuloy sa trabaho upang asikasuhin ang patungkol sa kanyang kampanya dahil ang sabi niya, nasimulan ko na raw iyon kaya gusto niyang ako na rin ang tumapos doon. Pinuntahan ako ni Tristan upang ihatid sa barangay. Habang palabas kami ni Tristan, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hinawakan ko ang kamay ni Tristan, tumingin ito sa akin saka ngumiti. Tinignan ko rin ito at nginitian. “Huwag mo na silang pansinin” bulong ko dito. “Thanks babe” sagot naman nito saka nilapit ang ulo ko sa kanyang labi. Napangiti naman ako dito. Narating namin ang Barangay, dumiretso ako sa opisina ni Kuya Ed upang siguraduhing tapos na ang mga flyers na ipamimigay ng mga volunteer sa bahay bahay sa oras na magsimula na ang kampanya. Nang masiyasat ko ito, maayos na ang lahat maging ang mga tarpaulin na ipapaskil sa mga bahay bahay at allotted place ng comelec. Lumabas ako ng opisina, nasalubong ko naman si Mang Karding na tila palabas ng opisina. Tinanguan ko ito saka sinundan ng tingin. Nang palakad na ako papasok sa opisina ni Christian, sakto namang lumabas ito kasunod ng kanyang sekretarya. “Luna” sabi ni Christian. “Kap, na check ko na yung mga campaign materials natin. Papunta naman ako sa recording studio ngayon para sa practice ng campaign jingle mo. I me meet ko yung magiging singer” sunod sunod kong pagbabalita kay Christian. Mula pagbalik namin dito sa Brgy Sta Cruz galing Manila, hindi na kami masyadong nakakapag usap ni Christian. Hindi ko alam pero medyo naiilang na nahihiya ako sa nangyari. “Mamaya na yan, sumama ka na muna sa aming mag lunch” sagot lang ni Christian sa akin. “Ahh, ehh Kap baka hindi na po siguro” sagot ko naman dito. “Why? What’s wrong?” Tanong nito. “Nasa labas po kasi si Tristan, naghihintay sa akin” mahiya hiyang sagot ko na lang dito. Napansin kong umigting ang panga nito na nakadagdag sa pagkapahiya ko. Siguro ay iniisip nitong ang martyr ko, sa kabila ng ginawa ng kapatid nya, eto nagpapauto pa rin ako. Ngunit hindi ito nagsalita, tumingin lang ito saka dire diretsong lumabas. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalagpas ito sa akin. Nang masiguro kong nakalabas na si Christian, sumunod na rin ako palabas upang puntahan naman si Tristan. Nadatnan kong inaayos nito ang kanyang damit. Agad ko naman itong nilapitan. “Anong nangyari?” Tanong ko dito. “Wala babe, halika na umalis na tayo” tumango na lang ako saka kami umalis ni Tristan. Nananghalian muna kami bago dumiretso sa recording studio para sa campaign jingle ni Christian. Nang makarating kami sa recording studio, iniwan na ako ni Tristan dahil may klase pa ito samantalang ako, tapos na ang klase ko. Halfday lang ako sa araw na ito. Nagkita kami ng singer na kakanta ng jingle at nagsimula na nga ito sa pag record. Nakaupo naman ako sa tapat ng glass window habang hinihintay kong matapos ang kanyang kanta nang biglang pumasok sa loob ng studio si Christian. Napatayo kami kasama ng sound technician na katabi ko. Dumiretso si Christian sa may glass window at pinapanood ang kumakanta habang nakapamewang ito. “Maganda ang boses niya” sabi ni Christian. “Malapit na siyang matapos. Pero may dalawang ulit pa bago matapos ang recording” sabi ko naman. Tumango tango naman ito habang nakatingin pa rin sa singer. “Umalis na si Tristan?” Biglang tanong nito nang hindi lumilingon. Napatingin naman ako dito na may bahagyang pagkabigla. “Ahh yeah, umalis na siya. May klase pa kasi siya eh” sagot ko naman. Humarap ito sa akin saka bumulong. “Let’s go outside, i have something to tell you” bulong nito. Tumango naman ako saka nagpaalam sa sound tech na kasama ko. “Dun tayo sa sasakyan” sumunod naman ako dito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan saka ako sumakay. Sya na rin ang nagsara. Matapos noon ay siya naman ang sumakay at dumiretso sa driver seat. Binuksan niya ang makina saka kami umalis sa lugar na ikinabigla ko naman. “Akala ko maguusap lang tayo? Saan tayo pupunta?” Tanong ko dito. Hindi naman ito sumasagot. “Christian” agaw pansin ko dito. Nang hindi pa rin ito sumagot, sumandal na lamang ako at kinabisado ang lugar kung saan kami patungo. Nang bigla nitong iniliko ang sasakyan sa isa pang sikat na restaurant dito sa aming lugar. Hininto ni Christian ang sasakyan sa parking lot saka ito bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Inalalayan din niya akong makalabas. Nang masigurado niyang nakapatay na ang makina ng sasakyan, lumakad ito papasok sa restaurant. Tinignan ko lamang ito. Nilingon naman ako nito saka huminto. “Ano pa ang hinihintay mo diyan? Halika na” aya nito sa akin. “Akala ko ba may paguusapan tayo” hindi pa rin ako tumitinag sa pagkakatayo. “Oo nga, dito tayo maguusap” sagot naman nito. “Bakit dito pa?” Tanong kong muli. Hanggang hindi na ito nakatiis saka ito lumapit sa akin. “Dahil nagugutom ako at dito ko gustong magusap tayo” napakunot naman ang noo ko. Nagugutom, diba kumain na sila? “Hindi pa ako kumakain” muling sagot nito na tila ba nabasa ang nasa isip ko. “Di ba kumain na kayo kanina?” Sagot ko naman. “Wala pa akong gana kanina. Sasamahan mo ba ako kumain oh hihintayin mo na lang ako dito?” Tanong naman nito. “Kumain na ako kanina, hintayin na lang kita” napa “tsss” naman ito saka hinawi ang kanyang mukha. Tila ba ito naiinis. “Ang tigas talga ng ulo mo” bulong nito. “Ano?” Sagot ko bilang pag kompirma sa narinig ko. “Wala, halika na. Dun ka maupo kung ayaw mong kumain” hinila nito ang kamay ko at hindi ako binitiwan hanggang sa makapasok sa loob. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD