Chapter 18

1088 Words
Luna Tatlong putahe ng ulam at dalawang cup ng kanin, eto ang dinala ng waiter sa aming table. May pahabol pang buko juice at halo halo para sa dessert. Ganun ba talaga ito ka gutom? Kaya ba niya itong maubos sa isang upuan lang? Tinignan ko lang si Christian habang siya ay nakatingin din sa pagkain at hinihintay na matapos i serve ng waiter ang lahat ng kanyang inorder. Nang makumpleto, umalis ang waiter saka naman tahimik na pinagmasdan ni Christian ang pagkain. Maya maya pa’y inabot nito ang isang cup ng kanin sa akin, maging ang kubyertos. Saka naman niya kinuha ang isa pang cup ng kanin at nagsimulang kumain. Hindi ko naman ginagalaw ang binigay nitong pagkain. Nang mapansin nitong hindi ako kumakain, nilingon ako nito. “Kain na” sabi nito. Umiling ako at saka ngumiti. “Busog na ako Kap” pormal kong sagot dito. Tumango naman ito saka nagpatuloy sa pagkain. Maya maya pa’y iniabot naman nito sa akin ang tasa ng halo halo at ang buko juice. “Eto, para sayo yan” sabi nito. Tinignan ko lang ito. “Please” pagmamakaawa nito na kunin ko ang kanyang inaalok. Inabot ko ito saka sinimulang haluin ang laman ng halo halo. Nagpatuloy naman ito sa pagkain. Nang sa tantya kong nakakain na ito, saka ko binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Ano ba ang paguusapan natin Kap?” Tanong ko dito. “Why your so formal? Kanina lang Christian ang tawag mo sa akin?” Napangiti ito saka nagpunas ng kanyang bibig gamit ang table cloth. Natigilan din ako sa sinabi nito. “Ano ba ang sasabihin mo sa akin? Christian?” Muling tanong ko. Nakangiti itong sumandal habang inilapag ang table cloth na ipinamahid nito sa kanyang bibig. Sumimsim ito ng juice saka ako binalingan. “I just want to warn you about the San Miguel. They might be quiet now but knowing them, they are cooking something” nabigla ako sa sinabi ni Christian. Hindi ko alam kung ito ba ay isang paalala o isang pananakot. Ngunit sa huli, mas nanaig sa akin ang unang salita, na isa itong paalala. “What do you mean?” Sagot kong muli. “What i mean is..” pinagsalikop nito ang kanyang kamay sa lamesa saka inilapit ang mukha sa akin. “Ayokong maapektuhan ang kampanya ko sa politika” saka ito muling sumandal. Naiwan naman akong nalilito. Bakit? Dahil ba kapatid niya si Tristan? Kung tutuusin naman, hindi siya ang nagkasala sa mga San Miguel, kung hindi si Tristan. “Ayoko lang na magpadalos dalos kayo ng desisyon ni Tristan. Mainit pa ang mata ng mga San Miguel sa pangyayari. Hindi biro ang nangyari..” muli itong sumandig sa lamesa at lumapit sa akin. “Mainit pa ang mata nila kay Tristan” pahayag nitong muli. “Ano ba ang ibig mong sabihin Christian? Diretsuhin mo na ako” mataman kong hinarap ang mga titig nito. Ngunit imbis na magsalita, tumingin lamang ito sa akin. Nakipaglaban naman ako ng titigan dito hanggang sa muli itong magsalita habang nakatingin sa akin. “Layuan mo si Tristan” sa pagkakasabi ni Christian, para bang may galit na bumunggo sa aking pagkatao. Natigilan ako sa mga sinabi nito. Alam kong hindi sila ganun ka close ni Tristan mula pa noon. Palagi silang may kumpitensyang dalawa ngunit iba ang naging dating sa akin ng mga sinabi ni Christian. Tila ba may halong pananakot na hindi ko mapangalanan. “Sino ka para magsabi sa akin niyan?” Matigas na tanong ko dito. “Gusto ko lang maging safe ka. Ayoko lang na masaktan ka kaya habang maaga pa, layuan mo na ang kapatid ko” tinitigan ko ito ng taimtim, tinitimbang kung totoo ang sinasabi niya. Nang hindi ito umimik at nagpatuloy sa pagkain, nag desisyon na akong tumayo at iwan ito. Hindi naman ito natinag sa pagkakaupo. Lumakad ako palayo sa lugar hanggang sa makarating ng sakayan. Nakikita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang tinginan ng mga tao sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang na nabasa ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako kaya siguro nila ako pinagtitinginan. “Hindi ka Diyos Christian para sundin ko ang gusto mo” bulong ko habang patuloy akong naglalakad. Naririnig kong may bumubisina sa likuran ko kaya naman gumilid ako sa sidewalk upang hindi mahagip ng sasakyan. Habang tumatagal, papalapit nang papalapit ang tunog ng busina. Hanggang sa may humintong sasakyan sa gilid ko. “Luna” sigaw ni Christian. Tinignan ko ito ngunit bumalik din ako sa pagllakad. “Luna, ano ba? Sumakay ka na” ma-otoridad nitong utos. “Salamat na lang” sagot ko dito saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko naman ang gulong nitong nagkiskisan sa kalsada at nakita ko na lang na palayo na ang sasakyan nito. Saka ako napatigil at huminga ng malalim. “Bakit ganun umasta si Christian sa akin? Hindi naman siya ganito dati ah” tanong ko sa sarili habang nakatingin sa papalyo nitong sasakyan. Narating ko ang sakayan saka ako sumakay pabalik sa recording studio. Nakatapos na ang singer sa pag record. Pinakinggan ko na lamang ito at pagkatapos ay dadalin ko sa opisina upang ipa approved kay Christian para sa kanyang campaign jingle. “Ok na to, sige dadalin ko na kay Kap. Tawagan ko po kayo agad kung may revisions. Thank you” kinuha ko ang kopya ng recording saka lumabas ng studio. Napahinga ako ng malalim ng isiping magkikita na naman kami ni Christian. Nagdesisyon akong tawagan muna si Mam Betty, ang bagong sekretarya ni Christian bago bumalik ng baranggay hall. “Hello, Mam Betty. Nandyan po si Kap?” Tanong ko. “Wala pa dito eh, biglang umalis kanina eh. Hindi naman nasabi kung saan. Bakit?” Napalunok ako sa nalaman. Hindi nito nabanggit na pupunta sa recording studio. Kaya pala hindi nito kasama si Mang Karding. “Ah, pabalik na po ako dyan para iparinig yung campaign jingle nya” sagot ko dito. “Pabalik na siguro yun, hintayin mona lang siguro” suhestiyon naman ni Mam Betty. “Iwan kona lang po diyan mam, sabihan niyo na lang po ako kung may revision. Papunta na po ako” sagot ko naman. Sumagot naman ito ng sige kaya tumuloy na ako pabalik ng barangay hall. Bago sumakay, huminga ako ulit nang malalim at inalala ang nangyari sa pagitan namin ni Christian kanina. Paano ko siya ngayon haharapin kung may lihim na galit pla ito sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD