Luna
“Konting panahon na lang anak at ga-graduate ka na. Ano ang plano mo pagkatapos ng graduation?” Isang araw tanong ni Nanay habang tinutulungan ko itong ayusin ang lambat na panghuli ng mga pusit. Araw ng sabado ngayon kaya naman nandito lang ako sa bahay. Walang pasok sa Barangay maging sa eskwela. Napangiti lang ako saka natigil din sa pagaayos at tumanaw sa malayo.
“Nay” agaw pansin ko dito.
“Hmmp?” Sagot naman nito.
“Ayos lang po ba sa inyo kung lumuwas ako ng Maynila at dun maghanap ng trabaho?” Napatigil si Nanay sa ginagawa niya saka ito humarap sa akin.
“Ang totoo Nay, gusto ko pong mag-ibang bansa eh. At sa tingin ko magandang magkaroon ng experience sa mga malalaking kumpanya sa Maynila bago ako mangibang bansa” patuloy ko habang sinalubong ko ang pagharap ni Nanay sa akin.
“Anak, kung iyan ang gusto mo, hindi ako tututol pero kung ako ang tatanungin mo, hindi mo kailangang mangibang bansa para makahanap ng maayos na trabaho, kaya mo naman yan makuha dito kahit sa atin” sabi nito. Hinarap kong muli ang ginagawa, gayundin si Nanay saka ako nagsalita.
“Nay, alam naman natin na mayayaman lang ang umuunlad sa lugar natin na ito. Kahit na may pinagaralan kapa, wala yun magagawa kapag mga mayayaman na ang naghari sa lugar natin” sagot ko dito. Natahimik si Nanay.
“Tsaka Nay, gusto ko rin kayo isama sa Maynila at doon na tayo tumira” sagot kong muli.
“Yan ang hindi maaari anak, mahal namin ng tatay mo ang lugar na ito kaya dito rin kami mamamatay. Hindi kita hahadlangan sa mga pangarap mo anak. Sa oras na makatapos ka, ikaw na ang mag dedesisyon para sa sarili mo. Nandito lang kami para suportahan ka” tumingin ako kay Nanay, napangiti ako sa pag galang nito sa desisyon ko.
“Salamat nay” sagot ko dito. Ngumiti naman ito saka kami nagpatuloy sa ginagawa.
“Luna” sabay kaming napalingon ni Nanay sa tumawag sa akin. Si Tristan ito na tila ba parang may humahabol.
“Napano ka iho, may humahabol ba sayo?” Baling ni Nanay dito nang makalapit si Tristan sa pwesto namin na hingal na hingal pa.
“Wala po Tita, may gusto lang po sana ako sabihin kay Luna” tumingin naman ito sa akin.
“Sige, ano yun?” Sabi ko naman.
“Pwede ba tayong maglakad lakad?” Sagot naman ni Tristan. Tumingin ako kay Nanay, tumango naman ito tanda ng pag sangayon.
“Sige” tumango ako saka kinuha ni Tristan ang kamay ko. Naglakad kami palayo at nang mukhang malayo na kami sa bahay, tumigil si Tristan sa paglalakad saka ako hinarap.
“Babe” seryosong sabi nito.
“Babe?” Sagot ko naman.
“May dumating sa bahay na tauhan nila Mayor San Miguel kanina. Nakausap nila kuya at Mom” seryoso nitong simula.
“Oh? Tapos?” Tanong ko naman habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
“Dinala daw si Joan sa ospital sa Maynila ngayon. Nagtangka daw itong magpakamatay” napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagka gulat sa naibalita ni Tristan.
“Oh My God” mahinang usal ko.
“Kamusta daw si Joan?” Tanong kong muli.
“Maayos na si Joan, nagpapagaling na ito” nakahinga ako nang maluwag nang malamang nasa maayos na ito ngayon.
“Gusto ko sana siya puntahan kaya lang wala naman akong pamamasahe papuntang Maynila” nalungkot ako sa nangyayari kay Joan ngayon. Hindi niya deserve ang ganitong pangyayari. At alam kong si Tristan din, nagaalala para kay Joan.
“Gusto ko sana siyang puntahan at kausapin Babe, kung papayag ka. Ayun din kasi ang subestiyon ni Mom na gawin” sagot naman nito. Agad naman akong tumango.
“Sure Babe, that’s fine. Puntahan mo si Joan. Baka kailangan niyo rin talaga magusap dalawa. Pagusapan niyo ang nangyari” pag sangayon ko naman sa plano nito.
“Gusto mong sumama?” Tanong ni Tristan.
“No Babe, ikaw na lang. medyo abala kami sa barangay para sa campaign ni Christian eh. Tsaka mga gawain sa school” sagot ko naman.
“Sure ka?” Tanong muli nito.
“Yes, sure babe. Balitaan mo na lang ako agad” tumango naman ito saka kami muling naglakad.
“Marami ka ba gagawin ngayon?” Tanong nito muli.
“Wala naman. Tutulong lang sa bahay. Bakit?” Sagot ko naman.
“Nood tayo sine Babe” napatingin naman ako dito.
“Biglaan naman yata yang pag aya mo?” Tanong ko dito.
“Wala lang, gusto lang kita makasama” sagot naman nito. Tumingin naman ako dito saka napayakap. Tumango ako tanda ng pag sangayon. Niyakap naman nito ang braso sa akin saka dinampian ng halik sa ulo.
Lumakad kami pabalik ng bahay saka ako nagpaalam kay Nanay. Pumayag naman ito. Naligo ako at nagbihis habang si Tristan ay naghihintay sa akin sa sala. Nang makatapos, nagpaalam kami ni Tristan. May dala itong sasakyan, dumiretso na kami sa labasan kung saan nakapark ang sasakyan nito.
Pumunta kami sa isang mall dito sa lugar namin. May dalawang palapag lang ang mall na ito. Hindi ganun kalakihan tulad nang nasa Maynila pero kumpleto ang mga bilihin dito. Marami ring bilihan ng pagkain. May mga fastfood at meron din namang fine dining. At dahil magtatanghali na, dumiretso muna kami ni Tristan sa isang fastfood chain saka kumain. Nang makatapos, saka kami pumila sa bilihan ng ticket.
“Anong gusto mong panoorin?” Tanong nito sa akin.
“Ikaw na ang bahala” sagot ko naman.
“Sige na, ikaw na ang mamili. Baka pag gusto ko ang pinanood natin, maboring ka” sumangayon naman ako dahil ang gustong gustong pinapanood nito ay mga super heroes or anime. Kahit na nga ba malaki na ito at pupwede na ngang magasawa kung tutuusin ay mahilig pa rin ito sa mga ganung palabas na hindi ko minsan masabayan. O hindi lang talaga ako fan ng mga anime or superhero movies.
“Sige, hmpp. Ayun na lang babe yung Till i met you nila Regine at Robin” turo ko pa dito. Tumango naman ito saka bumili ng ticket. Pagkabili nito, bumili muna kami ng makakain saka pumasok sa loob ng sinehan.