Luna
Magdadalawang linggo na ngunit hindi pa rin bumabalik si Tristan mula sa Maynila. Tinatawagan ko ito ngunit hindi ko ito ma contact sa kanyang cellphone.
“Ano na kayang nangyari dun?” Tanong ko nang minsang kumakain kami ni Nelly sa canteen ng school.
“Bakit hindi mo kaya itanong kay Christian?” Suhestiyon naman nito.
“Gusto ko nga sana friend kaya lang hindi kami nagpapansinan ni Christian matapos ang nangyari” alam ni Nelly kung anong nangyari sa pagitan namin ni Chrsitian. Kapag nataong nasa Barangay ako at nandun din siya, hindi ako nito pinapansin. Tanging si Mam Betty lang ang tanging komunikasyon naming dalawa.
“Sa Mommy kaya ni Tristan?” Muling sagot ni Nelly. Tama, siguro isang araw papasyalan ko si Tita Cristy baka sakaling may alam ito.
“Sige susubukan ko rin” sagot ko naman.
Matapos nga ang klase, dumiretso muna ako sa bahay nila Tristan upang makausap ang Mommy nito. Ngunit wala ito nang pumunta ako. Ang sabi ng kanilang kasambahay, pumunta din daw sa Maynila kasama ang Daddy ni Tristan at may inasikasong negosyo. Nangtanong naman ako kung nakauwi na ba si Tristan ngunit hindi ang sagot sa akin.
“Ano kayang nangyari?” Bulong ko sa sarili habang naglalakad palabas ng kanilang bahay.
Dumiretso ako sa barangay upang tapusin ang trabaho dahil pagkatapos nito, konting kailangan ko na lang para sa graduation at ok na ako. Pwede nang mag focus sa trabaho.
Nang makarating ako sa barangay, nakita ko si Christian na naglalakad papasok ng kanyang opisina. Alinlangan ko itong tinignan, gusto ko ring subukang magtanong dito tungkol kay Tristan ngunit tumingin lang ito sa akin saka pumasok sa kanyang opisina.
Naiwan akong nagiipon ng lakas ng loob sa labas ng kaniyang opisina. Desidido na ako, kahit galit pa si Christian, tatanungin ko ito tungkol kay Tristan.
Nang lumabas ang mga tauhan nito mula sa kanyang opisina, lumapit ako sa pintuan at saka kumatok.
“Come in” sabi ni Christian mula sa loob ng kanyang opisina.
“Kap” tumingin ito sa akin mula sa pagsisiyasat niya sa mga papel na nasa harapan niya.
“Yes?” Matapos akong sagutin, binalik niya ang mata sa kanyang binabasa.
“Ahmm, magtatanong sana ako” sagot ko naman.
“Ano yun?” Malamig na sagot nito habang ang mga mata ay nakatutok sa kaniyang ginagawa.
“Tungkol sana kay Tristan” alinlangan kong sagot.
“Hindi ko kasi siya ma contact. Magtatanong sana ako kung kailan siya uuwi” patuloy ko.
“Hindi na uuwi yun?” Medyo mahina ang sagot nito ngunit bahagya ko namang naulinigan kung ano ang sinabi nito.
“Huh? Ano ulit?” Tanong ko upang makompirma ang narinig.
“Narinig mo naman ako. Hindi na siya uuwi” sagot nito habang patuloy pa rin sa pagbabasa. Natigilan naman ako sa sagot niya.
“Christian” nagipon ako ng lakas ng loob. Hindi na pwede itong trato niya sa akin. Gusto ko lang naman makibalita kay Tristan.
Hinarap ako nito. Tumingin ito sa mga mata ko. “I said, hindi na uuwi si Tristan. Ikakasal na siya dun” sabi ni Christian na talaga namang ikinagimbal ko. Ikakasal? Totoo ba ang narinig ko? Ikakasal na si Tristan?
“You heard me right? And that’s the truth” muling sagot ni Christian na tila ba naiirita na sa paguusap namin.
“Ikakasal? Kanino? Pano?” Litong tanong ko dito.
“Kay Joan” bigla akong napasandal sa pintuan upang kumuha ng lakas para sa mga tuhod ko na tila ba parang naging jelly ace na ngayon dahil sa panlalambot ko. Totoo ba ang sinasabi ni Christian? Ikakasal na si Tristan at ikakasal siya kay....Joan?
“Alam kong galit ka sa akin sa hindi ko naman alam na dahilan pero gusto ko lang naman mangamusta sa lagay ni Tristan” halos nanginginig kong sagot kay Chrsitian.
“Kung ayaw mo maniwala, see for your self. Ayan ang address ng tinutuluyan nila sa Maynila” may inabot itong papel na naglalaman ng address at sa address na nasa papel, tila ito nakatira sa isang condo unit. Padabog na iniabot sa akin ito ni Christian. Habang nakatitig ako sa papel, pumasok sa isip ko ang mga pangako namin ni Tristan pra sa isat isa.
“Hindi pwede, bakit? Paano?” Tanging nasagot ko lang.
“Eh di sila ang tanungin mo. Babalik sila sa araw ng graduation niyo” sagot naman ni Chrsitian sa akin saka nito muling tinuloy ang kanyang pagbabasa.
Lumabas ako ng opisina ni Christian na para ba akong isang robot at walang nararamdaman. Hindi ko alam kung nagiipon lang ba ako sa isang pagsabog o sadyang ayoko lang paniwalaan ang nalaman ko. Dire diretso akong lumabas ng barangay hall at nang makitang nasa gilid na ako kung saan walang mga tao, saka ako napasandal sa pader at nagumpisang umiyak.
“Hindi, hindi yun totoo” pagkumbinsi ko sa sarili. Kinuha ko ang cellphone at muling sinubukang tawagan ang numero ni Tristan.
“The subscriber cannot be reached, please try your call later”
Sinubukan ko pa ulit i dial ang number nito ngunit parehong operator lang ang sumagot. Binuksan ko ang aking messenger ngunit ang huling message ko para sa kanya ay magpahanggang ngayon, hindi pa na se seen. Napaupo ako sa lapag saka nagpatuloy ng pagiyak.
“Bakit?” Bulong ko habang umiiyak. Pinagsalikop ko ang aking mga braso sa aking tubod saka ko iniyukyok ang ulo at nagpatuloy sa pagiyak. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Christian pero kung ito ay isang biro, hindi ko gusto ang birong ito.
“Here” isang boses ng lalaki ang nagpaangat ng ulo ko upang lingunin ito. Nakita ko si Christian na inaabot ang panyo sa akin.
“Take this” muling sagot pa nito. Kinuha ko ang panyong inaabot nito saka ito tumalikod. Ngunit bago ito makaalis, agad akong tumayo at hinawakan ang kamay nito na agad naman nitong ikinahinto.
“Sandali lang” sabi ko dito. Tumigil si Christian sa paglalakad ngunit hindi ito lumilingon. Naghihintay ng susunod kong sasabihin.
“Pwede ko ba siyang makausap kahit sandali lang?” Tanong ko dito. Matagal itong sumagot ngunit sa huli binawi nito ang kanyang kamay saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng barangay hall. Wala na akong nagawa kundi ang tanawin na lang ito habang papalayo sa akin kasabay ng mga luhang naguunahan sa aking pisngi.