Luna Nagising ako nang may naramdaman humahawak sa mukha ko. Alam kong si Tristan iyon ngunit hindi ako dumilat. Dinadama ko lang ang ginagawa nitong paghawak sa pisngi ko. Tila ba kinakabisado nito ang bawat parte ng mukha ko. Kailan ko ba ito huling naranasan? Dalawang taon? Dalawang taon kong hinahanap hanap ang mga yakap at haplos nito. Nang tumatagal na, bigla akong dumilat. Nagulat ito at napalayo. Natawa naman ako sa ginawa nito. “Wala nang ulan, pwede ka nang umuwi” sabi nito. Ayun na naman siya sa boses niyang malamig. Tumayo ito saka nagsimulang mag bihis. Nang papalabas na ito, saka ako tumayo. “Ano bang problema mo?” Tanong ko dito. Lumingon ito mula sa gilid niya saka nagsalita. “Bilisan mo baka hinahanap ka na sa inyo” sabi nito saka tuluyang lumabas. Agad akong nagbihis

