Luna Nakatapos kami sa paglilipat sa tulong na rin ni Christian. Nagpapunta din ito ng ilang tauhan niya upang tumulong. Naiayos rin ang ibang mga gamit sa loob ng bahay kaya naman sa susunod na araw, konti na lang ang aayusin namin. “Salamat Christian” sabi ko dito. Inabutan ko ito ng juice. Ngumiti naman ito. “Anything for you baby” sa kada tawag sa akin nito ng Baby, tila para akong masasamid. Hindi ko alam, hindi siguro ako sanay? Pero baka naman kapag tumagal, masanay na rin ako. “Siya nga pala, dito kana kumain ng tanghalian, patapos na rin ang niluluto ni Nanay” sabi ko dito. “Hindi na siguro, may kailangan pa kasi akong asikasuhin sa opisina. Salamat na lang” sagot naman nito. “Sige, dalin mona lang siguro para doon mona lang kainin sa opisina” suhestiyon ko. Sumangayon nama

