Tristan Palakad lakad ako habang nandito ako sa aking opisina. Ngayon ang usapan namin ni Tony, ang private investigator na kinuha ko. May nakuha daw itong lead patungkol sa pagsisiyasat nito sa nakaraan. Isang linggo matapos ang huling pagkilita namin ni Luna, naging abala ako sa opisina. Bukod sa mga deadlines na kailangang tapusin, napapadalas din ang pagkilita namin ng abogado kong si Maricel. Si Maricel ang nakuha namin ni Joan na maglakad ng annulment paper namin. Nalalapit na rin ang pagbaba ng hatol ng korte sa annulment namin ni Joan kaya naman napapadalas din ang pagkikita namin ngayon. Minsan pa ngang nakita ni Luna na magkasama kami nito sa restaurant kung saan kami nag meeting. Ang lahat ay tila ba naayon sa sitwasyon. Dumating muli si Luna sa buhay ko, idagdag pa ang nap

