Tristan Nakasal kami ni Joan ngunit kahit kailan hindi kami nagtabi sa higaan. Sa kama siya at ako naman ay sa sofa sa condo unit na tinutuluyan namin sa Maynila. Hindi ako ang gusto ni Joan, si Christian ang kanyang gusto. Kaibigan niya rin si Luna kaya hindi iyon magagawa ni Joan na traydurin si Luna. Hanggang makalipas ang ilang buwan, nakunan si Joan. Sinabi niyang mag file ako ng annulment, magpapanggap siyang baliw para ma annul ang kasal namin. Dinala siya sa Amerika ng kanyang mga magulang upang doon magpagaling ngunit bago ito umalis, napirmahan na niya lahat ng dokumento para sa annulment at hanggang ngayon ay hinihintay na lang namin ang hatol ng korte. Pagbalik ko ng Sta Cruz, wala na si Luna. Lumipad na daw ito papuntang Dubai at doon na magta trabaho. Palagi akong dumada

