Chapter 7

1035 Words
Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari iyon at hindi na muling naulit pa. Nakakapanibago man pero wala naman akong magagawa roon dahil si Kazimir na mismo ang gumawa ng paraan para mapag-usapan namin iyon. Ayaw niyang palaging may mangyayari sa amin dahil ayaw niyang doon tumakbo ang relasyon namin which is agree naman ako dahil may point siya. Ganoon naman kasi talaga dapat ang relasyon. Hindi naka-base palagi sa mga ganoong eksena. Oo nga at masarap pero dapat may time rin kayo sa isa’t-isa kagaya ng movie date, sabay magluto ng agahan o mamasyal. “Ano ba ang magandang lutuin ngayon? Nood tayo ng movie sa living room,” saad ni Kazimir pagkalabas niya sa banyo. Katatapos niya lang maligo ngayon dahil kauuwi lang namin galing sa opisina. “Shawarma, popcorn, burger tapos pizza. May naka-ref na dough at huhulmain na lang natin iyon at lalagyan ng toppings. May mga ingredients naman tayo sa ref kaya iyon na lang,” saad ko naman bago umupo sa pagkakahiga. “Maghanda rin tayo ng curls dahil paniguradong kulang ang pagkain natin. Baka nga hindi pa nakalahati iyong pinapanood natin ay ubos na natin,” natatawang saad niya kaya naman natawa na rin ako. “Oh siya, magdamit ka na at mauuna na ako sa kusina para makapag luto na ako. Ikaw mag-iisip ngayon kung ano ang papanoorin natin, ha?” bilin ko at tumayo na. Akmang aalis na sana ako pero bigla siyang tumikhim para kunin ang atensyon ko. “Baby, brownies,” mahinang boses na saad niya kaya tumawa ako. “Okay, brownies,” saad ko bago lisanin ang aming kuwarto. Habang inaayos ang aking mga niluto ay nakita ko siyang papalapit habang hawak ang kaniyang cellphone. Naka-kunot ang kaniyang noo na tila ay nahihirapan. Scroll pa siya nang scroll kaya naman kinuha ko ang atensiyon niya sa pamamagitan ng pagkurot sa kaniyang pisngi. “Ang hirap mamali. Romance-fantasy na lang kaya?” saad niya kaya naman tumango ako. “I-connect mo na sa TV. Tapos na rin naman na akong magluto,” sambit ko kaya napatingin siya sa mesa. “Ako na ang magbubuhat ng mga iyan. Ikaw na magpunta sa living room at i-connect itong phone ko. Ako na rin ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin maya-maya.” Doon na ako napangiti sa kaniyang sinabi. Ganito siya palagi kapag ako ang nagluluto. Hindi na niya ako hinahayaang magbuhat at maghugas ng mga pinagkainan namin na ikinatataba ng aking puso. Simpleng gesture lang naman pero grabe na ang epekto sa akin. Madalang lang ang ganitong lalaki dahil kadalasan ay pagkatapos nilang kumain ay manonood na sila sa TV o kaya naman ay cellphone na ang kaharap nila habang nagpapatunaw ng kinain. Ang sarap pala sa pakiramdam na nakahanap ka ng lalaking willing tulungan ka sa mga bagay. Iyong hindi ka pahihirapan kahit na pagod din siya minsan? Grabe, ngayon ko lang napatunayan na sobrang suwerte ko dahil si Kazimir ang naging boyfriend ko. Paano na lang kung hindi siya at napunta ako sa pabayang boyfriend? Ako ang kawawa noon. Ilang minuto lang ay nagsimula na kaming manood at kumain. Naka-akbay siya sa akin habang nakatutok kaniyang mga mata sa aming pinapanood habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kaniyang pagkain. Ako naman ay nakasandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Ang sarap ng ganitong relasiyon at wala na akong mahihiling pa. Sana ay hindi na kami magkaroon ng problema ngunit impossible iyon. Sa fairytale nga ay nagkakaroon ng mga problema tapos sa totoong buhay wala? "Good morning. Where’s Kazimir?" tanong sa akin ng babae. Sinuri ko ang kaniyang mukha at hindi ko maiwasang mainggit. May foreign features din siya at mukhang modelo rin dahil sa kaniyang tindig at pananalita. Hindi ko nga lamang alam kung sa Pinas nga ba siya modelo o sa ibang bansa. “Good morning, Ma’am. Do you have an appointment?” tanong ko rito. Nandito ako ngayon sa front desk na may kalayuan kaunti sa opisina ni Kazimir. Noong una ay ayaw akong papuntahin ni Kazimir dito dahil gusto niyang nasa tabi niya lamang ako habang siya ay nagbabasa ngunit ipinilit ko. Ayaw ko kasing walang ginawa lalo na at employee ako. Pinilit kong maging kalmado at maging professional dahil isa akong secretary ngayon at hindi girlfriend ni Kazimir. Madaming tumatakbo sa isipan ko pero ayaw kong pangunahan ang lahat dahil kailangan ko ang explanation ni Kazimir. Pakiramdam ko ay hindi ko pa masiyadong kakilala si Kazimir kahit matagal na siyang nangliligaw sa akin. “Do I need to? Can’t you just give my name? Kilala naman niya ako,” mahinhin na sagot nito sa aking tanong. May slang pa rin ang kaniyang bigkas kahit na siya ay gumamit na ng Tagalog marahil ay hindi siya lumaki rito o sanay talaga siya sa English. “I’ll try, Ma'am. May I ask what is your name?” tanong ko sa kaniya at nagsimulang magtipa sa telepono upang tawagan si Kazimir. “Amanda Suarez." Tumango naman ako at inilapat ang telepono sa aking tainga. “You may take your seat, Ma'am, while waiting for Sir Kazimir’s command," saad ko na siya namang ikinangiti. Medyo malayo ang upuan sa aking desk kaya naman tumingin ako sa pintuan ng opisina ni Kazimir. “Yes, Baby?” tanong agad nito nang masagot niya ang tawag ko. “May naghahanap sa'yo. Amanda Suarez daw ang pangalan niya,” mahinang saad ko upang hindi marinig ni Amanda. Hindi ko alam kung nahimigan ba niyang nanggigigil ako pero sana ay hindi. “What? Tell her that I'm busy,” naiinis na saad nito. Nagtataka ako kung bakit naging ganoon ang kaniyang reaksiyon. Sino ba si Amanda sa buhay niya? “Sino ba siya at ganiyan ang reaksiyon mo?” kuryoso kong tanong. “I’ll explain it to you later. Basta paalisin mo iyang babaeng iyan," masungit na saad nito at binabaan ako ng tawag. Tumingin naman ako sa babaeng nagngangalang Amanda at huminga nang malalim bago ibalik ang telepono sa aking desk. “Ma’am Amanda, Sir Kazimir is busy and he can’t entertain a guess,” saad ko na ikinabagsak naman ng kaniyang balikat. Naging malungkot din ang kaniyang mukha bago tumango at naglakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD