Chapter 4 -Patola daw- 🀣

1916 Words
β”ˆβ”ˆβ”ˆβ”ˆβ—¦β€’βœ©β€’β—¦β”ˆβ”ˆβ”ˆβ”ˆ Sa loob ng malaking bahay, habang patungo si Marcus sa silid nila ng kaniyang asawa ay napahinto ito sa paglalakad nang mapansin niya ang dalawang unan at isang kumot na nakasalansan nang maayos sa sahig na nasa tapat ng pinto ng kanilang silid. Tumaas ang dalawang kilay niya, habang kunot ang kaniyang noo. Humugot siya ng malalim na paghinga habang napapailing siya ng kaniyang ulo. Bahagya pa niya 'yong sinipa pero para lamang tignan kung ano pa ang kasama ng unan at kumot, pagkatapos ay muli siyang napailing. Ito ang ayaw na ayaw niyang mangyari, ang magselos ang asawa niya ng dahil sa ibang babae dahil nasisipa siya sa kanilang silid. Ilang araw pa naman silang mag-stay sa hacienda farm niya na pinangangalagaan ng tiyahin niya. Muli niyang tinitigan ang kumot at dalawang unan na nasa sahig at muli siyang napapailing ng kaniyang ulo. Ang dalawang kamay niya ay nakapamulsa sa kanyang pantalon. "Seriously? Outside de kulambo ako kahit wala naman akong ginawa?" Mahina niyang sabi. Napapailing ng kaniyang ulo at napatitig sa pintuan ng kanilang silid ni Althea. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto, at agad niyang pinihit ang seradura, pero hindi pa man siya nakakaabot sa kalahati ng pag-pihit nito, ramdam na niya na naka-lock ito. Napamura siya ng mahina at makikita sa mukha niya ang namumuong inis dahil nagseselos nga ang asawa niya sa babaeng 'yon kahit hindi naman dapat. Gayunpaman... pinihit pa rin niya ito. And again. And again. Pero kahit anong pihit niya, hindi ito bumubukas. Napatayo siya ng tuwid at saka nagpapadyak ng mahina dahil sa sobrang inis. Pagkatapos ay inayos niya ang suot niya at muling pinihit ang seradura, pero nakakandado talaga ito sa loob. "Really?" Bulong niya. Napatingin siya sa unan at kumot, parang gusto niya iyong sipain, pero hindi naman niya ginawa, at sa halip ay hindi na lang niya pinansin ang mga iyon at muling sinubukang buksan ang seradura, this time may kasamang diin at gigil na may kaunting pag-uga sa buong pinto, para bang kung lalakasan pa niya, baka buong pintuan na ang magiba. Pero kahit na anong pagpihit ang gawin niya... hindi talaga niya ito mabuksan. Gigil na gigil na siya sa pinto, parang gusto na niya itong gibain para wala na lang silang pinto, pero hindi naman niya pwedeng gawin. Inis na inis na siya, pero hindi talaga siya pinagbubuksan ng asawa niya. "Nalintikan na." Bulong niya, sabay bitaw niya sa seradura. Pagkatapos ay sunod-sunod na katok ang ginawa niya, pero walang epekto. Hindi talaga siya pinapansin ng kaniyang asawa. Nakakulong lang ito sa loob at nagmumukmok. "Babe, open the door, please. Huwag kang magselos, walang dahilan para magselos ka." Wika niya, may kasamang pagsusumamo ang kaniyang boses. Pero walang epekto, hindi pa rin bumubukas ang pinto. "Baby, open the door please. Huwag mo naman akong ganyanin, wala naman akong kasalanan. Narinig mo naman ang sinabi ni Pearl, hindi ba? Mapang-asar lang talaga ang kaibigan niya." Dagdag niya, this time mas malakas ang pagkakasabi niya, at mas mabilis ang mga katok. Pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. "Mahal naman... pinapagalit ka lang naman ng kaibigan ni Pearl, pinapatulan mo naman." Sabi pa ni Marcus, at kasunod ay humugot ito ng malalim na paghinga. Nakiramdam siya. Idinikit pa niya ang tainga sa pintuan ng silid, pero tahimik sa loob, pero alam niya na nanduon lang ang asawa niya sa loob, nagtatampo, o mas madiling sabihin na nagseselos ito kay Monique dahil sa mga pinagsasabi ng babaeng 'yon kanina. "Mahal, buksan mo naman ang pinto. Huwag mong paniwalaan ang babaeng 'yon. Sa akin ka maniwala. Ikaw lang naman ang mahal ko." Malakas pang sabi ni Marcus. Pero wala pa ring epekto dahil hindi siya pinapansin ng kaniyang asawa. "Huwag ka namang patola, mahal ko. Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo ang isang β€˜yon? Hindi ko nga β€˜yon kilala. I mean... kilala ko dahil isa siya sa mga kaibigang matalik ni Pearl, pero hindi ko naman β€˜yon pinatulan nuon. Kung ano man ang pinagsasasabi niya kanina ay para lamang inisin ka tapos patola ka naman, at pagkatapos ay sa akin mo ibubunton ang galit mo kapag nagselos ka na." Muli pang sabi ni Marcus. Pero hindi sumasagot ang asawa niya kaya idinikit niya ang noo niya sa pinto, habang ang dalawang palad ay nakalapat sa nakapinid na pintuan. "Ikaw naman mahal, patola ka din minsan. Mapang-asar lang talaga β€˜yon. Buksan mo na ang pinto mahal ko." Pagpapatuloy niya, habang panay pa rin ang katok niya, this time mas mahinahon, pero mas desperado. Gusto niyang makuha ang atensyon ng asawa niya dahil ayaw niyang matulog sa guest room mamaya. Walang tugon mula kay Althea, pero may narinig siyang kaluskos sa pinto, kasunod ng isang malalim na buntong-hininga. Maya maya pa, sumagot na sa wakas ang asawa niya... hindi nga lang sa paraang gusto niya. "Maghanap ka ng kausap mo, o kaya ay bumalik ka na lang sa kanila at makipaglandian ka sa babaeng β€˜yon!" Malakas na sigaw na narinig ni Marcus mula sa loob. Tumatagos sa solid wood ang boses nito. Sa inis niya ay napahawak siya sa sariling buhok at literal na sinabunutan ang sarili, habang nagdadabog na pumapadyak pa ang dalawang paa na parang bata na inagawan ng laruan. "Babe naman! Hindi nga kasi ako nakikipaglandian! Lalong hindi totoo ang sinabi niya kanina. Please baby, huwag kang patola." Sigaw niya pabalik. Ipinikit ni Marcus ang mga mata niya, exhaling slowly, then leaned forward again, resting his forehead against the door as if grounding himself, as if the solid wood were the only thing keeping him steady. "Mahal..." Muling tawag niya, this time softer, pagkatapos ay muling nagsalita. "Althea, baby ko, my wife, my one and only true lo..." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng putulin ni Althea ang pagsasalita niya. "One and only pero pati kaibigan ni Pearl pinatulan mo? Hindi naman niya sasabihin 'yon kung hindi totoo." Malakas ulit na sigaw mula sa loob. Napahampas si Marcus sa noo niya, hindi makapaniwala sa kangang narinig. "Hindi nga! Inaasar ka lang naman ng babaeng 'yon. Mapang-asar lang ang kaibigan ng pinsan ko lalo na at alam na alam niya na mapipikon ka niya. Patola ka naman kasi mahal ko kaya mas lalo ka niyang inasar." Sabi ni Marcus. "Mahal, marami ng bisita sa ibaba. Tara na, hinahanap ka na nila duon." Sabi pa ni Marcus, pero nananatiling tahimik na si Althea. Napatingin si Marcus sa paligid. Tahimik ang buong hallway, maliban sa kaunting tawanan mula sa ibabang palapag kung saan naroon ang ilang mga bisita nila... kabilang na ang ugat ng problema niya ngayon... ang kaibigan ni Pearl na si Monique. Napatingin siya sa dalawang unan at isang kumot sa sahig. Tila ba gusto na niya itong sipain. Inis na inis na talaga siya, at hindi siya papayag na matutulog siyang mag-isa, kaya sa inis niya ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at sinigawan na niya si Althea ng malakas. "PATOLA KA, MAHAL KO... PATOLA!" Napipikon na sabi ni Marcus, hindi na nakapagpigil dahil ayaw talaga niyang matulog na hindi katabi ang asawa niya mamayang gabi. Pero laking gulat niya ng biglang bumukas ang pintuan ng silid nila, at iniluwa nito si Althea na nakapamaywang, nakatitig sa kanya ng masama, suot ang maluwag pero classy na oversized shirt at cotton shorts, buhok na naka messy bun pero somehow ang ganda pa rin niyang tingnan. Nakatikwas pa ang isang kilay nito habang titig na titig kay Marcus. "Ano ang sinabi mo? Pakiulit nga Marcus at hindi ko masyadong narinig ang isinigaw mo." Galit na sabi nito kaya napalunok ng laway si Marcus at napangisi. Mabilis na gumagana ang kaniyang utak, nag-iisip ng magandang palusot sa kanyang asawang amazona na nanlilisik na ang mga mata ngayon. Bigla siyang napangiti, at saka siya agad na nagsalita bago pa man unti-unting lumabas ang sungay ng kaniyang asawa. "Masarap ang patola, mahal ko... masarap ang patola." Mabilis na sagot niya, ang laki pa ng pagkakangiti niya sa kaniyang mahal na asawa. Pero ang pagmumukha ni Althea ay mababakasan na hindi ito naniniwala sa sinabi ng kaniyang asawa dahil rinig na rinig niya ang isinigaw nito. "Narinig ko ang sinabi mo, Marcus. Rinig na rinig ko ang sinabi mo. Sino ang patola at sino ang sinisigawan mo, ha?!" Inis na sabi pa nito. Napakamot ng ulo si Marcus, at akma niyang yayakapin ang kaniyang asawa, pero pinandilatan siya ng mga mata nito kaya hindi na siya nakakilos pa. Para na siyang tuod na nakatitig na lang sa kanyang asawa. Pagkatapos ay kumibot-kibot ang labi niya upang magsalita. "A-ang sabi ko mahal ay magluluto si Tita Aida mamaya ng ginisang patola, masarap β€˜yon. Iyon ang sinabi ko, mahal, kakain tayo mamaya ng ginisang patola." Biglang bawi niya, sabay kindat. Pero... isang malakas na tawa ang umalingawngaw mula sa likuran niya kaya bigla siyang napalingon, at nakita niya ang best friend niyang si Nato na walang tigil sa malakas nitong pagtawa. "Tarantado ka talaga, Nato! Bakit ka nakasilip diyan. Lintik ka!" Malakas na sabi niya, habang nakatingin sa kaibigan niya na halos maluha-luha na sa katatawa. "Althea, ang sabi niya ay ganito... PATOLA KA MAHAL KO... PATOLA KA! Iyan ang isinigaw ng asawa mo sa'yo. Gigil na gigil pa nga, at nakita ko ang pagtatagis ng kaniyang mga bagang sa galit. Tapos ang mga kamao niya... kuyom na kuyom na parang gusto ng manuntok. Ganuon ang hitsura niya kanina." Sabi pa ni Nato sabay tawa muli nito ng malakas. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Marcus sa tinurang 'yon ng kanyang kaibigan. Hindi makapaniwala na ito pa talaga ang naglaglag sa kanya. "Mahal, hindi 'yon totoo." Sabi ni Marcus, halos lumuwa pa ang mga mata nito habang nakatitig sa kanyang asawa. "Oh really? Is that so, huh, Marcus? Talaga ba na kuyom na kuyom pa ang mga kamao mo ha? Bakit, gusto mo ba akong saktan? Gusto mo ba na hanggang sa pagbalik natin ng Manila ay sa guest room ka lang matutulog ng ilang buwan, ha?" Nakataas na kilay na sabi ni Althea. Humahagalpak naman ng malakas na tawa si Nato dahil sa sinabing 'yon ni Althea. Nagulat naman si Marcus. Awang ang labi habang unti-unting pumipihit ang kaniyang ulo sa direksyon ni Nato. "Puta ka, Nato! Roromansahin ko ang asawa ko para makabuo na kami ng babaeng anak, pero lintik ka... pinagalit mo pa lalo ang asawa ko." Galit na galit si Marcus, at akma niyang tatakbuhin ang kinaroroonan ng kaniyang best friend, pero agad itong kumaripas ng takbo. "Catch me if you can, bro!" Sigaw pa ni Nato habang tumatakbo. Hindi na nakapagpigil si Marcus. Agad niya itong hinabol, halos mabuwal pa siya sa pagmamadali. Muntikan pa siyang sumubasob ng kumawit ang isang paa niya sa kumot na nasa sahig. Galit na galit siya sa kanyang kaibigang matalik. "Tarantado ka. Bawiin mo ang sinabi mo. Sinusuyo ko ang asawa ko, sinira mo ang diskarte ko, sira ulo ka talaga." Sigaw niya. Nagulat pa ang ina ni Pearl ng makita ang dalawang mag-best friend na naghahabulan. Naalala tuloy nito ang kabataan nila Marcus na laging naghahabulan nuon kasama ang mga kaibigan nito. "Halika Althea at kakausapin kita. May mga sasabihin sana ako sa'yo." Mahinahong sabi ng ina ni Pearl, nakangiti at nakalahad ang isang kamay sa asawa ni Marcus. Napangiti naman si Althea at inabot ang kamay ng ginang at saka sila pumasok sa loob ng silid upang mag-usap. ​
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD