NAG-AALANGAN na si Andie kung itutuloy pa niya ang pagkatok sa kanyang kapitbahay. Bigla ay naisip niyang baka tulog pa ang mag-ama. Pero alas otso y medya na. Ang natatandaan niyang sabi sa kanya ni Jesse nang nakaraang gabi ay maaga itong gigising. Alas siete siya nagising kanina. At bagaman hindi man makakalikha ng labis na ingay ang ginagawa niyang paglilinis kanina ay nag-ingat pa rin siya. Ikinonsidera niya na baka natutulog pa ang kapit-bahay. Hindi rin niya mabilang kung ilang beses siyang sumulyap sa gawi nina Jesse. Aminin man niya o hindi ay nag-aabang siya kung gising na ba ang mga ito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Malakas ang kutob niya na may tao pa roon dahil dalawa pa ang sasakyang nasa garahe. Iyon nga lang, malamang ay nakabulahaw na naman siya. Napangiwi siya. An

