ANDIE WAS impressed. Impressed siya sa linis at sinop ng bahay na napasukan niya. Impressed siya sa klase ng mga furnitures at appliances na nasa loob niyon. Impressed siya sa organisadong kusina. Impressed siya sa mismong nakatira. Nang papasukin siya ni Jesse doon ay iniabot sa kanya ang bagong rasyong diyaryo at in-excuse ang sarili. Nang bumalik ito ay bagong shower na. Bagong ahit din. At aaminin niya may isa na naman pagkakataon na natukso siyang haplusin ito. Guwapo ito kaninang bagong gising, lalo naging guwapo nang makapaligo na. Sorabng presko at linis ng itsura. Parang ang sarap amuyin. Palihim na sininghalan niya ang sarili dahil sa takbo ng iniisip. “Please wait here. Mag-prepare lang ako ng breakfast natin.” “Puwede naman akong tumulong din.” Matamis na ngiti ang isinukl

