“DADDY, pupunta pa ba tayo sa strawberry fields?” Ipinagpasalamat ni Andie ang tanong na iyon ni Twinkle bagaman hindi siya ang kausap nito. May hatid na pressure sa kanya ang ilang sandaling nagdaan na napuno ng katahimikan ang kanilang paligid. Alam niya, bagaman hindi na nagtanong pa si Jesse ay nagtaka ito sa ikinilos niya. Pareho lang naman sila. Kahit siya ay nagtataka rin sa kanyang naging reaksyon. Hindi iyon ang unang pagkakataong nahawakan siya ng isang lalaki. Technically, sanay siya sa ganoong natural na physical contact. Pero ngayon lamang nangyari na iba ang naging dating sa kanya ng ganoon. Sa ganoon kasimpleng pagkakadikit, por dios! Tila may kuryenteng tumulay sa mga ugat niya nang magkadaiti sila. And it was so long since the last time she felt that kind of friction w

