HINAYAAN ni Andie na nakaawang nang bahagya ang pintuan para hindi mahiyang tumawag si Twinkle kapag bumalik ito. Nagulat siya nang makitang nakaabang ito sa kanya kaninang manggaling siya kay Vicky. At mas nagulat siya nang marinig ang mga sinabi nito. Mukhang nagmana ito ng kaprangkahan sa ama. “Miss Andie!” malakas na tawag ni Twinkle mayamaya. Kaagad siyang lumapit sa pinto at pinagbuksan ito. Hindi na siya nagtaka nang makita pati si Jesse. Somehow, inaasahan na niyang kasama ito. “Pasok kayo.” “Andie, I didn’t know my daughter approached you,” sabi agad ni Jesse. “I don’t want to impose on you.” Ngumiti siya. “Kung ipagkakatiwala mo na maiwan dito si Twinkle, walang problema sa akin. Hindi naman siya batang alagain. Saka nasabi na niyang gusto niyang magduyan kaya gusto niyang

