NAGMULAT ng mga mata si Jesse at tila nanibago pa siya. Hindi nabulahaw ang tulog niya at kusa lang siyang nagising. Hindi niya alam kung matutuwa o madidismaya dahil hindi rin siya dinalaw ng nakakaintriga niyang panaginip. Pero naisip din niya agad na baka dahil sa excitement niya sa lunch date nila sa araw na iyon kaya tinigilan muna siya ng kakaibang panaginip na iyon. He must admit, excited siya sa naturang lunch date. Kagabi ay sumaglit sa kanya si Andie para ito mismo ang magkumpirma para sa okasyong iyon. Naging mas excited pa nga siya dahil doon. Ibig sabihin, walang posibilidad na bigla ay umatras ito sa usapan. At ewan niya pero nang agad itong magpaalam ay parang nais pa niyang pigilin. He wanted to spend more time with her. Hindi nga lang niya matiyak kung simpleng atraksyon

