“WE AREN’T properly introduced to each other yet, are we? I’m Jesse Azarcon,” wika nito at inilahad ang kamay sa kanya. “Call me Jesse.” “Adrienne Blythe. Call me Andie, iyon ang tawag ng lahat sa akin.,” sagot naman niya at sandaling tinanggap ang pakikipagkamay nito. Hindi niya inabala ang sarili na makaramdam pa ng kung ano sa pagdadaop na iyon ng kanilang kamay. Baka mamaya ay kung saan pa mapunta ang isip niya. “Adrienne Blythe?” sabad naman ni Twinkle. “Pareho tayo, dalawa ang name. Ako, Twinkle Kate. Daddy, bigay na natin iyong gift natin sa kanya,” baling nito sa ama. “Yes. Andie, this is for you.” Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag na may tatak ng isang boutique. “Ipinabili iyan ni Twinkle. Papalitan daw niya iyong blouse na namantsahan noong kasal nina Art at Nicole.”

