8

1417 Words

HINDI makapag-concentrate si Jesse sa trabaho niya. Si Twinkle ang nasa isip niya. Hanggang ngayon, wala siyang ideya kung bakit naisipan nitong manghingi ng pera at malaking halaga pa para sa edad nito. “Azarcon here, hello?” sagot niya nang sagutin ang private line. “Si Tricia ito. Mukhang alam ko na kung ano ang bibilhin ng anak mo. Sa akin nagtatanong, eh. Damit. No wonder, ganoon kalaking halaga ang hinihingi niya. Alam mo naman ang anak mo, kahit bata ay signature conscious na. At malamang ikaw din na ang ama ang pinagmanahan,” buska pa nito. “Baka nakakalimutan mong sky-high ang fashion sense ni Micaela,” matabang na kontra niya. “Pero damit nga ba? Ang dami niyang damit. Hindi pa nga naisusuot iyong iba. Tinatambakan siya ni Micaela ng mga damit at sapatos, kasali na ang mga bag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD