FARRAH Nang araw din na iyon ay nagligpit na ako ng mga gamit ko. Nagsisimula na din hakutin ang ibang gamit namin ng mga inupahan ni mama na maghahakot niyon. Hindi ko pa nakikita si papa. Marahil may pinuntahan ito. Habang nasa kwarto ay hindi ko mapigilan ang hindi malungkot. Eighteen years akong namuhay ng marangya. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa punto na pati bahay ay mawawala din sa amin. Ang bahay na ito na naging saksi ng pagkamulat ko. Dito ako nagsi-celebrate ng birthday ko. Marami kaming masasayang alaala sa bahay na ito. Dito ko nasaksihan kung paano kasaya ang pamilya ko. Kung paano ako sermonan ni mama dahil sa pag-labas ko ng gabi at kung paano ako ipagtanggol ni papa. Dito ko nasaksihan kung paano kamahal ng magulang ko ang isa't-isa. Pero ngayon ay maglalaho n

