FARRAH Dinala ako ni Zick sa isang cottage. Pero hindi lang iyon basta cottage dahil malaki at maganda ang pagkakagawa niyon. May mga sumalubong din sa amin na may edad na lalaki at babae. Ang sabi ni Zick ay caretaker ang mga ito. Pagpasok namin sa loob ay muli akong namangha dahil napakaganda ng loob niyon. Maaliwalas ang loob at napapaligiran ng mga DIY shells na ginawang pantabing sa bawat bintana kaya naman kapag humangin ay dinig ang mga tunog niyon. Tinungo ko ang bintana kung saan nakatapat iyon sa dagat. Napakasarap niyon tingnan. Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko tumira sa gilid ng dagat kung saan tanaw ko ang naghahampasang alon sa bawat bato. Pumikit ako at lumanghap ng sariwang hangin. This is the best and right place to throw away all the problems. Pakiramdam k

