FARRAH Ang dating tahimik na bahay ni Zick ay nagkaroon ng kulay at sigla. Napuno ng tawanan at kulitan ang bahay sa pangunguna na din ni Lily. Alam kong naaasiwa si Zick na makihalubilo sa amin lalo pa at kasama ang mga tauhan nito pero pinipilit lamang nitong makiharap dahil na din sa pakiusap ko. Hindi ito gumagawa ng dahilan para ikatampo ko. Sinusunod nito lahat ang nais ko. Nakontento na din ako na sa bahay lamang ni Zick pumirmi. Napag-isip-isip ko na baka nga para sa akin ang ginagawa nitong paghihigpit. Hindi din ako gumagawa ng dahilan para magkaroon kami ng tampuhan. Ginagampanan ko ang tungkulin ng isang may bahay. Palagi ko itong inaasikaso. Ang dating Zick na sweet ay lalo pa naging sweet. Nagiging showy ito sa nararamdaman nito kahit may mga tao na nakapaligid sa am

