FARRAH Hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi ni Syke. Hindi ito tumigil na ipaintindi sa akin ang lahat kung ano ang nangyari noon na mga nakalipas na taon. Parang may kung ano'ng pumukpok sa akin para matauhan ako. Ni minsan hindi ako nakalimutan ni Zick. Nasa New York siya pero naiwan ang puso niya dito sa Pilipinas dahil sa akin. Mas mahirap din ang pinagdaanan ni Zick dahil hindi man lang nito nakita ang papa nito kahit sa huling sandali. Namatay ang papa ni Zick na wala man lang siya sa tabi ng kaniyang ama. Maswerte na ako dahil nakita ko pa ang mama ko sa huli nitong sandali dito sa mundo. Sapo ang ulo at napasabunot ako sa aking buhok. Ang sama ko. "Don't do that, Far. Magagalit si Zick kapag nakita n'ya na sinasaktan mo ang sarili mo. Zick loves you so much, Far.

