FARRAH Pagdating namin sa bahay ay agad na tinungo ni Zick ang kwarto ng baby namin. Excited itong isalansan ang mga pinamili namin na mga damit at gamit ng baby. Ako naman ay naiwan sa sala. "Anak, kumusta? Ano'ng gender ng apo ko?" puno ng pananabik na tanong ni papa. Umupo ito sa tabi ko at hinalikan ako sa noo. Humilig ako sa balikat nito at ngumiti. "Mag-aagawan yata kayo ni Zick sa baby ko. Pareho n'yong gusto ng lalaki." Sagot ko rito. Tumawa ng mahina si papa. "Ibig sabihin ay lalaki ang magiging apo ko?" paninigurado nito. Tumango lamang ako bilang tugon. "Ibig sabihin lang nun ay mabait nga talaga si Zick." Dugtong pa nito. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Nanatili pa ring palaisipan ang sinabi ng lalaking iyon sa akin. Nagkamali lang ba ako

