FARRAH Nagising ako na may marahang humahaplos sa aking mukha. Unti-unti kong minulat ang aking mata at ang gwapo nitong mukha ang aking nasilayan. "Good morning," nakangiti nitong bati sa akin sabay halik sa aking noo. "Good morning," nakangiti kong tugon at dinampian ito ng halik sa labi. "Hmm…ang sarap naman no'n," turan nito at matamis na ngumiti. Niyakap ko ito ngunit nanatili pa rin akong nakahiga. Gusto ko bumawi rito dahil hindi ko ito napagbigyan ng nagdaang gabi. Napahiga ito sa tabi ko. Nasamyo ko naman ang mabango nitong amoy. Kumunot ang aking noo dahil napansin ko na nakabihis ito. "Aalis ka?" tanong ko rito. "Yeah, pero babalik din ako agad. May kailangan lang akong gawin." Sagot nito. Nadismaya naman ako dahil kung kailan ako nasa kondisyon ay saka naman ito

