FARRAH Naging matagumpay ang ginanap na baby shower. Hindi ko na nga yata alam kung saan ko pa ilalagay sa kwarto ng anak namin ni Zick ang mga bigay na regalo ng mga dumalo. Halos lahat ay may dala. Sa mga kaibigan palang ni Zick ay sagana na sa laruan ang anak ko. Hindi pa nga nakakalabas ay laruan na ang pinagbibili. Wala daw kasi ideya ang mga ito sa damit ng bata kaya laruan na lang ang binili. Unti-unti na rin nabawasan ang mga bisita. Nauna na rin umalis sina Lenny at ang team. Sumunod si Selina na hindi na natiis ay umalis na din dahil baka daw mamatay siya ng maaga sa sobrang kabusigan ng mga nakikita niyang naga-gawpohang nilalang. Natawa naman ako sa sinabing iyon ng aking kaibigan. Maya-maya ay sumunod na ang apat at si Ate Jaydee. Hinahanap na daw kasi ito ng anak nito.

