FARRAH
Naalimpungatan ako ng may mainit na bagay ang dumadampi sa aking mukha.
Marahan kong iminulat ang aking mata. Napansin ko din na mataas na ang sikat ng araw dahil sa pagtama niyon sa salamin na nagmumula sa bintana ng kwarto.
Nang maidilat ko ang aking mata ay ang nakangiting mukha ni Zick ang aking nasilayan. Marahan niyang hinahaplos ang aking mukha.
"Good morning," nakangiti nitong bati sa akin. Hindi yata alintana nito na galit ako sa kan'ya ng nakaraang araw.
Nagsalubong ang kilay ko.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.
Saka ko lang napansin na nakadantay ang binti ko sa binti nito. Nakayakap din ako rito. Madali akong kumawala sa pagkakayakap nito at bumangon.
"As I remember, ako ang lasing kagabi," sarkastiko nitong wika. Para naman akong napahiya sa sinabi nito.
Bumangon din ito sa kama.
"Bumaba na tayo. Sabay na tayo mag-agahan," sabi nito at lumabas na ng kwarto.
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi.
Humugot ako ng malalim na hininga. Bago ako bababa ay maliligo muna ako. Kumapit yata ang amoy ni Zick sa akin.
Kinuha ko ang toothbrush na ginamit ko sa unang kwartong pinagdalhan ni Zick sa akin. Kumuha na din ako ng damit at bumalik ako sa kwarto ni Zick.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo para sana magbihis ngunit laking gulat ko ng makita ko si Zick na papasok ng banyo.
Base sa ekspresyon ng mukha nito ay nagulat din ito ng makita ako. Muntik na akong matumba dahil sa madulas din ang tiles ng banyo. Naagapan agad naman ako nito.
Hawak niya ako sa braso at nakaalalay ang isang kamay nito sa aking likod.
Napahawak ako sa braso nito. Para kaming magsasayaw sa aming posisyon.
Kung ng nagdaang gabi ay ayos lang na magkalapit ang aming mga katawan at mukha dahil lasing naman ito, ngayon ay hindi.
Dahil hindi din ganoon kahigpit ang pagkakaipit ko sa tuwalya na nakatabing sa aking katawan ay bahagya iyong lumuwag.
Nanlaki ang mata ko ng tuluyan na iyong dumulas sa aking katawan. Naipit lang ng bahagi ng braso nito ang tuwalya sa aking likuran.
"Zick! No!" maagap kong wika ng akma nitong titingnan ang aking hubad na katawan.
"Fuck." Pumikit ito at inalalayan akong tumayo ng tuwid.
Mabilis itong tumalikod at lumayo ng bahagya sa akin.
"Huwag kang titingin. D'yan ka lang," sabi ko.
Dinampot ko ang tuwalyang nahulog sa tiles at tinungo ang damit ko na nakapatong sa kama nito at muli akong pumasok sa banyo.
"Hindi mo ba nakita ang damit ko sa kama mo? Dumiretso ka pa talaga dito sa banyo!" anas ko habang nagbibihis sa loob ng banyo.
Nakakainis. Muntik na niyang makita ang pinakaiingatan ko.
"I'm sorry. Akala ko kasi wala ka na dito sa kwarto. I didn't expect na dito ka pala maliligo. Hindi ko din napansin ang mga damit mo. I'm sorry, Far." Hinging paumanhin nito.
Umirap ako kahit hindi nito nakikita.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng banyo.
"Para sabihin ko sayo hindi ako nagbibihis sa banyo. Napilitan lang ako magbihis kahapon sa banyo dahil mukhang ayaw mo lumabas ng kwarto kahit alam mong tapos na akong maligo." Pagsusungit ko pa rito.
"Ipaayos mo na 'yung pinto para sarili mo na itong kwarto mo!" utos ko rito at inirapan ito.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ako. Nakita ko si Manang Yolly sa kusina na abala sa paghahain ng pagkain sa mesa.
Huminto ito sandali at nakangiting tumingin sa akin.
"Magandang umaga po Ma'am Farrah," Masiglang bati nito sa akin.
"Magandang umaga din po," umupo ako at muli ko siyang sinulyapan. "Farrah na lang po ang itawag ninyo sa akin." Sabi ko at tinuon ang atensyon sa mga pagkain na nakahain.
"Hindi po pwede, ma'am. Baka mapagalitan ako ni Sir Zick," saad nito.
"Bakit naman po? Pati ba naman pagtawag sa akin ng pangalan ay bawal? May mga rules and regulations ba siya dito? Iniisip n'yo po ba na talagang mag-asawa kami?" mahina akong tumawa. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap na asawa ko ang lalaking iyon. Kahit siya pa ang matirang lalaki sa mundo.
"Sa papel lang po kami mag-asawa. Isa pa, pinilit lang niya akong pirmahan ang marriage contract na iyon. Hindi ko po ginusto iyon. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawa na iiwan ako sa ere." Sambit ko na may halong pait.
Sa tuwing naaalala ko ang araw na naghihintay ako sa kan'ya ay hindi ko maiwasan ang masaktan. Buong akala ko ay pareho kami ng nararamdaman noon. Buong akala ko ay iba siya sa mga naging kaibigan ko noon. Nagkamali pala ako.
"Eh, ma'am, hindi po kayo magsisisi na si Sir Zick ang napangasawa ninyo. Napakabuti niyang tao. Magiging isang responsable po siyang ama sa magiging anak po ninyo," anito.
Napangiwi ako sa huling sinabi nito. Ni ayaw ko nga makita at lumapit sa lalaking iyon, ang magkaanak pa kaya sa kan'ya. Hindi ko hahayaang kahit dulo ng daliri niya ay lumapit sa akin. Maghahalo ang balat sa tinalupan.
Labis ang pagkasuklam ko sa kan'ya. Ako ang taong hindi nakakalimot sa ginawa sa akin kahit pa mahabang panahon na ang lumipas.
"Hindi ko po s'ya asawa, manang. Hinding-hindi ko po matatanggap na maging asawa ang damuhong iyon." Sabi ko na ikinalaki ng mata nito.
"Asawa na kita, Far. Asawa na kita sa mata ng Diyos dahil pumirma ka," anang baritonong boses.
Umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat ko. Bagong ligo ito dahil na din sa pamamasa ng buhok nito. Napakapresko nitong tingnan.
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nito. Siguro noon pinangarap kong mapangasawa ito. Pero iba na ngayon.
"Pinilit mo lang akong pirmahan iyon. Kung iniisip mo na mag-asawa na tayo, pwes, nagkakamali ka!" tumaas na ang boses ko. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Hindi na siguro ito magbabago. Parating galit ang iiral sa puso ko sa tuwing makikita ko ang lalaking ito.
Tinitigan lamang ako nito. Kapagkuwa'y nagpakawala ito ng buntong hininga.
"H'wag natin pagtalunan ang bagay na 'yan sa hapag kainan, Far. After breakfast, pwede mo na sabihin ang gusto mo." Sabi nito sa kalmadong boses.
Lalong tumaas ang kilay ko. Ibang-iba na nga ang Zick Morgan na nakilala ko noon.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain na nakahain. Ganito ba ito mag-almusal? Maraming pagpipilian?
Pasalamat ito at kumakalam na ang sikmura ko. Kung hindi ay baka mag-almusal ito ng mga masasakit na salita mula sa akin.
Kumuha ako ng Hotdog at slice bread. Kapag ganitong umaga ay hindi ako kumakain ng kanin. Iyon lang yata ang hindi nabago sa akin. Ang kumain sa umaga na tanging tinapay at kape lamang.
Sinulyapan ko si Manang Yolly na nakatayo lamang sa harap namin.
"Manang, sumabay na po kayo," yaya ko.
Tumingin ito kay Zick. Nakita ko na tumango si Zick at pagkatapos ay alanganing umupo si Manang Yolly.
Akma itong uupo ngunit kalauna'y tumayong muli.
"Sir, pwede ko bang tawagin si Lily, para makapag-almusal na din?" suhistyon ni Manang Yolly.
"Sige manang, tawagin n'yo na din po siya. Masyadong madami itong pagkain para sa tatlo." Ako na ang sumagot para kay Zick. Gusto ko ito inisin. Kahit man lang sa ganoong paraan ay makaganti ako.
Tumangong muli si Zick kay Manang Yolly at lumabas na ng dining area.
Napuno ng katahimikan ang dining area ng maiwan kaming dalawa ni Zick.
Dahil may hotdog na sa plato ko ay sinimulan ko ng kainin iyon. Sunod-sunod ang pagkagat ko doon na hindi alintana na kaharap ko si Zick.
"Stop doing that," maawtoridad nitong wika dahilan para mapasulyap ako rito.
"Pati ba naman pagkain ko ng hotdog papansinin mo?" naiinis kong wika.
Lahat na lang ba bawal sa bahay na ito? Wala na ba akong kalayaan na gawin ang gusto ko?
"It's not just… just don't eat that way," saad nito at umiwas ng tingin.
Nagsalubong ang kilay ko. Ano ba'ng mali sa pagkain ko ng hotdog?
Tiningnan ko ang tinidor na may hotdog at pinagalaw ko iyon.
"Ikaw na lang sumagot, may mali ba sa pagkain ko sa'yo?" tanong ko sa hotdog na animo'y magsasalita.
Sandali akong tumahimik kapagkuwa'y bumuga ako ng hangin.
"Hindi mo din ako sinagot?" sabi ko at mabilis ko iyon isinubo.
Sinulyapan ko si Zick habang kinakain ko ang hotdog. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtaas-baba ng adam's apple nito.
"Dammit." Mahina nitong wika at tumayo.
Lihim akong nagdiwang dahil nagtagumpay akong inisin ito. Umalis na ito at naiwan ako mag-isa. Isang matagumpay na ngiti ang aking pinakawalan.
Dahil sa ginawa ko ay nagpadala na lamang ito ng pagkain sa balkonahe. Kaya naman ay tatlo na lamang kami ang nagsalu-salo sa hapag.
Masaya kong naka-kwentohan si Manang Yolly at Lily. Mabait ang mga ito. Palagi nilang naisisingit sa usapan si Zick pero binabago ko ang topic.
Hanggat maaari ay ayaw ko marinig ang pangalan ng lalaking iyon.
Napag-alaman ko din na si Lily ay nasa trenta anyos na ngunit wala pang naging kasintahan. Istrikto daw kasi ang magulang nito kaya hanggang ngayon ay hindi pa nararanasan ang magkanobyo.
Si Manang Yolly naman ay malayo ang pamilya. Nasa probinsya ang mga anak nito. Malalaki na din naman daw ang mga iyon kaya madali na lang daw iwan. May mga sarili na ding pamilya ang mga anak nito.
Nalaman ko din na halos ilang dekada na itong nagsisilbi sa pamilya Morgan.
Hindi ko noon nakita si Manang Yolly sa bahay ng magulang ni Zick ng minsang isama ako nito. Ang sabi ni manang ay baka daw nasa resthouse siya ng mga panahong iyon. Pinapaayos daw kasi iyon kaya kailangan ng may magbabantay.
Nabanggit na din sa akin noon ni Zick ang resthouse na sinasabi ni Manang Yolly. Pag-aari daw iyon ng lolo nito na matagal ng namayapa.
Si Zick na din daw ang nagdesisyon na kunin si Manang Yolly ng humiwalay ito sa magulang.
"Nasaan po ang magulang ni Zick, manang?" hindi nakatiis kong tanong.
Hindi nakaligtas sa mata ko kung paano natigilan si Manang Yolly sa tanong ko.
"Matagal ng namayapa ang papa ni Sir Zick, ma'am. Tanging si Ma'am Zoila na lamang ang naiwan." Malungkot nitong wika.
Hindi ko alam iyon. Paano ko nga naman malalaman ay simula ng mawalan kami ng yaman ay umalis na kami sa lugar kung saan ako pinanganak. Wala na din akong naging balita noon kay Zick dahil hindi ko na din inalam. Napuno na ako ng galit noon kay Zick.
"Ano po kinamatay ni Tito Armand?" bigla ako nagkaroon ng interes.
"Nabaril si Sir Armand. Marami kasi ang naiinggit noon sa kan'ya. Hindi siguro lingid sa kaalaman ninyo na isa sa magaling na negosyante ang ama ni Sir Zick. Naisugod naman sa ospital si Sir Armand, pero dahil malapit sa puso tumama ang bala ay hindi na kinaya ni sir. Bumigay ang katawan niya." Mahabang paliwanag ni Manang Yolly.
Bigla akong binalot ng awa para kaya Zick. Pero nanaig pa din ang galit ko sa kan'ya dahil sa ginawa nito.
"Hindi ko po nabalitaan iyon. Baka po wala na kami sa lugar na iyon kaya hindi ko po nabalitaan." Sabi ko na lamang.
Matapang na tao si Zick. Alam kong kahit dumating ang pagsubok na iyon sa kan'ya ay nalampasan nito iyon.
Hindi katulad ko. Lahat na yata ng kamalasan sinalo ko ng panahon na iyon. Labis na hirap ang dinanas ko noon dahil hindi lang yaman ang nawala sa amin. Maging si mama ay nawala din.
Hindi nito kinaya ang depresyon kaya naman ay nanghina ang katawan nito.
Mas masakit ang nangyari sa akin. Durog na durog ang puso ko noon lalo pa at iniwan ako sa ere ng lalaking mahal ko.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Nagpresinta ako tumulong ngunit hindi ako pinahintulutan ng dalawa. Magpahinga na lamang daw ako.
Pambihira, kagigising ko lang magpapahinga agad. Baka naman magkasakit ako nito dahil hindi man lang yata ako pagpapawisan dito sa loob ng bahay.
Dahil wala akong magawa ay tinungo ko na lamang ang kwarto ni Zick. Wala naman ito doon kaya malaya akong makakagalaw.
May HD TV ito sa kwarto. Manunood na lang siguro ako maghapon.
Pumanhik na ako sa kwarto at pumasok sa loob ngunit nagulat ako ng nakita kong nakaupo si Zick sa kama.
Agad naman itong sumulyap sa akin. Madilim ang mukha nito ng tumayo.
Bumilis ang t***k ng puso ko ng mabilis
itong naglakad papalapit sa akin.
Napaatras ako ng nakalapit na ito. Mabilis nitong sinara ang pinto at agad akong hinapit sa aking bewang.
"What do you think you're doing?!" singhal ko rito.
Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas ito. Hindi ako nito pinakawalan.
"Kung ayaw mong gawin ko ito, h'wag mong gawin ang ayaw ko," maawtoridad nitong wika.
"Ano ba ang ayaw mo?!" tanong ko rito. Hindi ako magpapatalo sa lalaking ito.
Hindi ito nagsalita bagkos ay nilapit pa nito ang mukha sa akin. Hindi na yata ako makahinga sa ginawa nito. Kaunting espasyo na lang ang nasa pagitan ng aming mga mukha. Amoy na amoy ko ang mabango at mainit nitong hininga.
Lalo naman naghuramintado ang puso ko ng lumipat ang mata nito sa aking labi. Kapagkuway muli itong tumingin sa akin.
"Kapag hinalikan ba kita, magagalit ka?" tanong nito na ikinalaki ng mata ko.
Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil inukopa na ng labi nito ang labi ko. Isang halik na noon ko pa pinangarap mula sa lalaking ito.