FARRAH
Hindi na ako nakakilos ng magsimulang gumalaw ang labi niya sa labi ko. Para akong dinala niyon kung saan. Nadala ako kaya naman ay parang may sariling isip ang aking mga mata na kusang pumikit at tumugon sa halik nito.
Buong akala ko ay puro galit lang ang iiral sa akin para sa lalaking ito. Nagkamali ako dahil ito ako ngayon at buong pusong tumutugon sa halik nito.
Namalayan ko na lamang ang aking sarili na pumulupot ang aking kamay sa leeg nito. Damang-dama ko ang bawat dantay ng labi niya sa labi ko. Marahan at may paggalang. Hindi nito hinayaang pakawalan ang aking labi hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aking likod sa kama nito.
Lihim akong nagprotesta ng nilayo nito ang labi sa akin. Gusto ko habulin ang labi nito ngunit pinigilan ko ang sarili. Ayaw ko isipin nito na sabik ako sa halik nito.
Tinukod nito ang isang kamay sa kama at ang isa ay hinawakan ang aking baba. Nag-iwas ako ng tingin ngunit pilit nitong pinagtatama ang aming paningin.
Hindi ko na din nagawang iwasan ang mata nito. I bit my lower lip ng magtama ang aming mga mata. Kinain ko lang ang mga sinabi ko. Napahiya ako.
Nakangiti siyang tumingin sa akin.
"I missed you," anas nito. Hindi ko inasahan na sasabihin nito iyon.
"Bakit?" tanong ko.
"Kailangan ba may dahilan para ma-miss mo ang isang tao?" balik tanong nito.
Hindi ako naging kontento sa sagot nito kaya naman ay akma akong bumangon sana ngunit pinigilan ako nito.
"Stay please," nakikiusap nitong wika.
"Bakit?" tanong kong muli.
Nagsalubong ang kilay nito at tinitigan lamang ako. Nang wala pa akong makuhang sagot mula rito ay tuluyan na akong bumangon.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay niyakap niya ako mula sa likod. Napapikit ako sa paraan ng yakap nito. Tila ba ay sabik na sabik ito sa akin. Ang bawat paghinga nito ay dinig ko. Ang t***k ng puso nito ay ramdam ko. Bakit ganito siya sa akin?
"I'm sorry," tanging nasambit nito habang yakap ako.
"Saan ka humihingi ng tawad? Dahil ba pinapirma mo ako ng kontrata o dahil iniwan mo ako nung panahon na kailangan kita?" sambit ko na may halong pait. Gumaralgal din ang boses ko sa huli kong sinabi. Kahit pala ilang sigundo o minuto ko iyon kalimutan ay kapag naaalala ko ay bumabalik ang sakit.
"Hindi mo ako naiintindihan, Far. Hindi ko gusto ang iwan ka. May mga nangyari noon na hindi ko inaasahan. I'm sorry." Paliwanag nito. Ngunit hindi naging sapat para sa akin.
Tinanggal ko ang kamay nito na nakapulupot sa aking katawan. Lumayo ako ng bahagya ng hindi ito sinusulyapan.
"Hindi mawawala ang sakit ng sorry mo lang, Zick. Tinanggap ko na sa sarili ko na iniwan mo din ako sa ere noon tulad ng pag-iwan ng mga kaibigan ko." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kwarto ay dinig ko kung paano may nagbagsakan sa loob. Nagwawala si Zick.
Tumigil ako sandali. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha. Kahit pilitin ko man kalimutan ay hindi mawawala ang sakit.
Pinunasan ko ang aking luha at bumaba akong muli. Siguro, kahit nasa iisang bahay kami ay pipilitin kong iwasan ito.
Nang nasa baba na ako ay tinungo kong muli ang kusina. Ngunit wala doon si Manang Yolly at Lily.
Pumunta ako sa hardin dahil hindi ko pa iyon napupuntahan. Pagdating ko doon pinagmasdan ko lamang ang mga naggagandahan na mga halaman.
Kumawala ako ng malalim na buntong hininga. Ni minsan hindi na sumagi sa isip ko na magkikita pa kaming muli.
Hindi ko din inaasahan na ang akala kong damdamin ko sa kan'ya noon ay naglaho na ngunit nagkamali na naman ako sa aking akala. Dahil sa isang halik na binigay nito ay bumigay ako.
Saka ko lang din napagtanto na kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kan'ya.
Ang hirap magpigil. Kung alam lang niya kung gaano ko siya pinanabikan na makita. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngunit nandito pa din sa puso ko ang galit.
"Ma'am Farrah!" sigaw na pumukaw sa aking pag-iisip.
Agad kong tinungo ang kusina ngunit nakita ko si Manang Yolly at Lily na humahangos na pababa ng hagdan.
Takot at pag-aalala ang nabanaag ko sa mata ng dalawa.
"Bakit po, manang?" maagap kong tanong.
"Si Sir Zick po…" hindi ko na nagawang hintayin pa matapos ito magsalita. Nagmamadali kong tinungo ang kwarto.
Pagbukas ko niyon ay ang magulong kwarto ang bumungad sa akin. Kung saan-saan nakakalat ang mga bagay na nasa sahig. Pati salamin ay basag din. Nagkalat ang mga pira-pirasong bubog niyon.
Sinulyapan ko si Zick na nakaupo sa kama. Binalot ako ng takot ng makita ko ang dugo sa kamao nito. Naawa ako sa ayos nito. Nakatukod ang dalawang siko sa magkabilang tuhod at sapo ng kamay ang ulo. Magulo na din ang buhok nito dahil sa ginagawa nitong pagsabunot.
Sinulyapan ko si manang at Lily na nakatingin kay Zick.
"Ako na po ang bahala manang," anas ko at lumapit ako kay Zick.
Tumayo ako sa harap nito. Tiningnan ko ang dumadaloy na dugo sa kamao nito. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nito pinagdiskitahan ang mga gamit.
Hinawakan ko ang kamay nito at tiningnan ko iyon.
Sinulyapan nito ako at parang hinaplos ang puso ko sa nakita ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang mumunting kislap sa gilid ng mata nito. Namumula na din ang mga iyon. Parang anumang oras ay may nagbabadyang paglandas ng luha sa mata nito.
Pinulupot ko ang dalawang kamay nito sa aking bewang at ako na ang kusang yumakap rito. Sinubsob nito ang mukha sa tiyan ko.
"I-I didn't meant to hurt you, Far. I don't have a choice that time, I'm Sorry…" nagsusumamong wika nito.
"H'wag na muna nating pag-usapan 'yan, Zick." Hinagod ko ang likod nito at pagkatapos ay sinuklay ko ng aking daliri ang buhok nito. "Gagamotin ko ang sugat mo."
Pinatayo ko na ito at niyaya ko ito sa balkonahe.
Pagdating namin doon ay pinaupo ko na ito. Iniwan ko muna ito saglit at pagbalik ko ay may dala na akong Medicine kit.
Sinabi ko din kay Manang Yolly na linisin na lang ang mga nagkalat sa kwarto. Ako na din ang humingi ng pasensya sa ginawa ni Zick.
Habang nililinis ko ang sugat nito ay hindi ko ito magawang sulyapan dahil alam kong nakatingin ito sa akin.
Hanggat maaari ay ayaw ko muna magsalita. Hindi pa din nawawala ang sama ng loob ko para rito.
"Far," mahina nitong tawag sa pangalan ko.
"Hmm?"
"H'wag mo akong kasuklaman, please. I know, malaki ang naging kasalanan ko sa'yo pero humihingi ako ng tawad sa ginawa ko. Something happened that time kaya hindi ako nakarating sa tagpuan natin. I'm sorry, Far." Paliwanag nito.
"I told you, hindi magagawang tanggalin ang hinanakit ko sa'yo sa isang sorry lang. Ginagawa ko ito dahil hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan na lang na dumudugo ang kamay mo. Hindi ako ganoon kasamang tao para baliwalain ka." Sabi ko at binalot ko na ang kamay nito ng benda.
Wala akong ibang ibig sabihin sa huli kong sinabi pero kung tinaam ito ay mabuti nga ng mapag-isip-isip nito na may mali sa ginawa nito noon.
Inayos ko na ang mga ginamit ko at tumayo.
"Thank you Far," saad nito.
Tinitigan ko muna ito saka bumuntong hininga ng malalim.
"Sa susunod na magbasag ka, baka gusto mo idamay ang mukha mo, masyadong perpekto." Sambit ko at tinalikuran na ito.
Nang araw na iyon ay hindi ko na nakita si Zick. Ang sabi ni Manang Yolly ay umalis daw. May nag-aayos na din ng pintuan ng isang kwarto.
Nang sumapit ang gabi ay hindi ko pa din nakita ang presensya ni Zick. Sabagay hindi naman ito bente-kwatro oras na nasa bahay dahil may inaasikaso din ito. Maganda na din siguro na wala ito sa bahay para iwas na din sa mga bibitawan ko pang masakit na salita.
Pagkatapos ko kumain ay nakipagkwentuhan muna ako kay Manang Yolly at Lily. Gusto ko kausap ang mga ito lalo na si Lily. May kakalugan kasi ang huli.
"Ma'am, alam mo kung hindi ka lang siguro namin nakita dito sa bahay malamang iisipin ko talaga na bakla si Sir Zick." Sabi ni Lily na iminwestra pa ang kamay na animo'y nandidiri at kuminding sa harap ko.
Natawa ako sa ginawa nito ngunit hindi sa sinabi nito. Ang itsura ni Zick ay lalaking-lalaki. Paanong naisip nito na bakla si Zick?
"Paano mo nasabi na bakla si Zick?" natatawa kong tanong. Hindi sumagi sa isip ko na ganoon si Zick.
"Eh, paano po kasi, hindi ko nakita nagdala ng babae dito sa bahay. Puro mga lalaki ang kasama. Naku! Ang popogi pa naman. Kung pwede ko lang sana halikan isa-isa ang mga 'yon ginawa ko na. Ang hot nila!" sambit nito saka impit na tumili.
Muli akong natawa sa sinabi nito. Baka ang tinutukoy nito ay ang tatlong kaibigan ni Zick na sina Haru, Drixx at Syke. Sino nga naman ang hindi mapapatili sa gandang lalaki ng mga ito.
Naalala ko noon ng nag-aaral pa kami. Kapag napapadaan ang apat, kahit hindi ko silipin kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ay alam ko na kung sino ang mga iyon.
College pa lang ako noon popular na ang apat. Paano pa ngayon, si Zick pa lang ang nakikita ko pero makalaglag panga na. Kapag nagsama-sama ang apat, sigurado ako hindi lang panga ang malalaglag sa akin.
"Talaga? Baka sa labas nakikipag-date si Zick," pagtatanggol ko kay Zick. Hindi ko yata matanggap na bakla ang tingin nito kay Zick.
"Oo nga Lily, palibhasa hindi ka marunong tumingin ng tunay na lalaki." Segunda naman ni Manang Yolly.
Inismiran nito si Manang Yolly at naupo.
"Kaya nga po, dati iyon. Ngayon, naniniwala na akong lalaki si Sir Zick. Sa gwapo niyang iyon imposible na maging bakla iyon. Sayang ang kan'yang six-packs abs." Sabi nito at napakagat pa sa labi.
Tumawa ako sa huling sinabi nito. Akala mo naman ay nakita na nito ang abs ni Zick.
"Hoy! Tumigil ka nga d'yan, Lily. Ang landi mo. Tandaan mo may asawa na si Sir Zick. Maghanap ka na lang ng ibang lalandiin mo." Sita ni Manang Yolly kay Lily.
Ngumuso ang huli at nakapangalumbabang tumingin kay Manang Yolly.
"Sa tatlong kaibigan ni Sir Zick walang available. Minsan ko na narinig ang mga iyon na may hinahanap sila. Si Sir Syke sana ang kaso…" tumigil ito sandali at bumuga ng hangin.
"Babaero, baka iwan lang ako kapag nagsawa na sa akin." Dagdag pa nito.
Gusto ko humagalpak ng tawa dahil sa lakas ng loob nito na sabihin iyon. Para bang tiwala ito sa sarili na magugustuhan ito ng tatlong kaibigan ni Zick.
"Saan ka ba kumuha ng kapal ng mukha Lily? Feeling mo magugustuhan ka ng mga iyon. Masyado kang gandang-ganda sa sarili mo." Muling wika ni Manang Yolly.
"Kahit kailan talaga Manang Yolly kontrabida kayo. Masama ba mangarap? Alam ko naman na hindi ako magugustuhan ng mga iyon. Saka isa pa, may jowa na ako." Nakangiti nitong turan.
"Akala ko ba wala ka pa nagiging boyfriend?" taka kong tanong.
Tumawa ito at tumingin sa akin. Nilapit pa ng bahagya ang mukha sa akin.
"Mayroon na ngayon ma'am, 'yung isang matangkad na lalaki sa labas. Bet ko s'ya. Bukas, kami na." Bulong nito saka muling tumawa.
Dahil sa kakulitan nito ay saglit kong nakalimutan ang hinanakit ko kay Zick.
Pagkatapos ng aming kwentohan ay pumanhik na ako sa itaas. Namili pa ako ng kwarto kung saan ako dapat matulog. Kalauna'y sa kwarto ni Zick ako pumunta. Dahil wala pa siya ay pinasya kong buksan ang TV nito. Naghanap ako ng channel na maaari kong panoorin.
Nahiga ako sa kama. Hindi ako sigurado kung anong oras dadating si Zick pero kapag naramdaman ko na ang antok ay lilipat na ako sa kabilang kwarto dahil ayos na ang pinto niyon.
Umayos ako ng higa. Kinuha ko ang isang unan at dinantay ko doon ang aking binti. Kumportable ako kapag ganito ang posisyon ko sa paghiga. Dahil sa ginawa ko ay unti-unting namigat ang talukap ko. Nawala sa isip ko na kapag ganoon ang ayos ko ay mabilis akong makatulog.
Hanggang sa tuluyan na akong ginupo ng antok. Naalimpungatan na lamang ako ng may humahaplos sa aking pisngi.
Marahan kong minulat ang aking mata. Ngunit wala na akong makitang liwanag. Sarado na din ang kanina lang ay nakabukas na TV.
Nasilaw naman ako ng buksan ang lampshade na nasa bedside table.
Ang nakangiting si Zick ang aking nasilayan.
"Na-nandito ka na pala," anas ko.
Akma akong babangon para sana lumipat sa kabilang kwarto ngunit agad ako nitong pinigilan. Muli akong napahiga.
"Dito ka na lang matulog. Mag-asawa na tayo, Far. Sa ayaw at sa gusto mo dito ka sa tabi ko." Pagkatapos nito sabihin iyon ay humiga na din ito at dinantay ang binti sa aking katawan. Sa bigat niyon ay hindi ko na nagawa pang makakilos.
"Ano ba Zick? Sa kabila ako matutulog," sabi ko at sinubukan kong alisin ang binti nito ngunit binigatan pa nito iyon.
"No."
"Zick, kapag pinilit mo na dito ako matulog lalo akong magagalit sa'yo!" Pagbabanta ko rito.
Lihim ako nagdiwang ng maramdaman ko ang pagtanggal ng binti nito sa aking katawan. Agad akong bumangon para makaalis sa tabi nito ngunit mabilis ako nitong hiniga muli sa kama.
Nanlaki ang mata ko ng dumagan siya sa akin.
"Sa tingin mo ba palalampasin ko ang gabing ito? It should be our honeymoon." Nakangisi nitong turan.
Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi nito. May balak ba ito sa akin?
"Sa papel lang tayo mag-asawa! H'wag kang assuming!" singhal ko rito. Ngunit hindi ito natinag. Bagkos ay lalo pang dumagan ang katawan sa akin.
"Kahit ilang beses mo pang sabihin na sa papel lang tayo mag-asawa, hindi magbabago na pinirmahan mo na ang kontrata. Wait for the moment na mag-file ako ng annulment at magiging malaya ka na." Seryoso nitong wika.
Ang kapal ng mukha nito na sabihing ito pa ang may balak na magpa-annul.
"Whatever, hihintayin ko ang araw na ma-annul tayo. Kapag nangyari iyon, magpapakasaya ako."
Lalo pa itong ngumisi sa sinabi ko. Nilapit nito ang mukha sa akin.
"Really, huh? So, ngayon ako lang muna ang magpapakasaya." Sambit nito dahilan para manlaki ang mata ko.
"A-anong gagawin mo, Zick?" utal kong wika.
"Enjoying the night," mahina nitong wika at unti-unting nilapit ang mukha sa akin. Hindi ko na nagawa pang magpumiglas dahil sa pagkakadagan nito sa akin.
Sa laking tao nito ay nahirapan akong igalaw ang mga binti ko na dinaganan din ng binti nito.
Napapikit na lamang ako ng lumapat ang labi nito sa labi ko. Nalasahan ko ang alak sa bibig nito.
Kung ano man ang mangyari ngayong gabi ay bukas ko na lamang iisipin. Dahil bawat galaw ng labi nito ay siyang nagpapainit sa buong katawan ko. Ngayon ako magtitiwala kay Zick. Itataboy ko muna ang galit ko sa lalaking ito.
Matagal ko itong pinanabikan. Ngayon pa ba ako aayaw? Sa kan'ya ko lang din isusuko ang aking p********e. Dahil siya lang naman ang tinitibok ng puso ko. Walang ibang lalaki ang dumaan sa akin kun'di siya pa lamang.