FARRAH Naalimpungatan ako na may mainit na bagay ang dumadampi sa aking mukha. Nagmulat ako ng mata at ang nakangiting si Zick ang aking nasilayan. Marahan nitong hinahaplos ang aking pisngi habang mataman nakatitig sa akin. "Kumusta na pakiramdam mo?" bungad ko rito. "I'm better now. Magaling ang nurse na nag-alaga sa akin kagabi." Sabi nito na nakangiti habang patuloy na hinahaplos ang aking pisngi. Bumalikwas ako ng bangon ng maalala kong hindi pa pala ito umiinom ng gamot. Napasarap ang tulog ko kaya hindi ko na nagawa pa ang gumising sa oras ng pag-inom nito ng gamot. Nagtataka naman ito akong tinitigan ng sulyapan ko ito. "Why?" "Nakalimutan kong painumin ka ng gamot," sabi ko at umalis na ng higaan. Nakangiti itong naupo at tiningnan lamang ako. "It's okay, baby.

