FARRAH Simula ng araw na iyon ay hindi na ako lumapit kay Zick. Kapag nakikita ko ito sa malapit ay agad akong umiiwas. Dahil wala naman akong ginagawa sa bahay at dahil ayaw naman akong patulungin ni Manang Yolly at Lily sa gawaing bahay ay inabala ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga kay papa. Kumuha na din ng bagong therapist si Zick para kay papa dahil simula ng araw na pumunta si Mierve sa bahay ni Zick, ng hapon na iyon ay tumawag sa akin si Mierve. Sinabi nito na maghanap na daw ako ng bagong therapist dahil hindi na ito maaalagaan si papa. Doon ko nakumpirmang may iniiwasan nga si Mierve. Humingi naman agad ito ng pasensya sa akin. Ilang araw na din na wala si Zick sa bahay. Tulad ng sinabi nito ay may meeting ito. Ang sabi ni Manang Yolly, kapag ganitong ilang araw na wa

