FARRAH Nagising ako ng may mabigat na bagay na nakapatong sa aking katawan. Pupungas-pungas ang mata ng sulyapan ko iyon. Ang malaking hita lang naman ni Zick ang nakapatong doon. Dahan-dahan kong tinanggal ang hita nito at kumilos ngunit kumirot ang parte ng aking ibaba. Napakagat ako sa aking ibabang labi at mariin na pumikit. Ito ang senyales na tuluyan na ngang nawala ang pagkabirhen ko. Sinulyapan ko si Zick na mahimbing pa din na natutulog. Bahagya pang naka-awang ang bibig nito. Pero hindi nakabawas iyon sa taglay nitong kagwapohan. Pilit akong kumilos at marahan na umalis sa tabi nito para hindi ito magising. Umupo ako at hinagilap ang damit ko. Ngunit hindi ko makita ang mga iyon. Hindi ko alam kung saan ba pinaghahagis ng lalaking ito ang saplot ko. Nakita ko ang pi

