Chapter 17: Attraction

1792 Words
When I was a child I always look up to my parents. For me, their relationship is my ideal marriage. They set a standard on how to love and how to be loved. They are not perfect. They also have shortcomings. They also argue and do some stupid things. But what I admire about them was, how they loved each other, How they respect each others opinions and feelings, how they appreciate every moment they spend together and most of all how they valued the family. When my parents died I didn't want to believe in love. Bakit ka pa magmamahal kung mawawala din naman, kung masasaktan ka lang din. Bakit ka pa magmamahal kung sa huli ay maiiwan ka lang ding magisa. That is why I put up walls in my heart. High enough to protect my heart from futher damage. But someone is trying to break that wall. He is now invading my mind and my heart. Pero walang kasiguraduhan kung parehas ba kami ng nararamdaman. is it possible in law of attraction? If I love him will he love me too? o tulad ng inaasahan ko magiging dahilan lang siya para madagdagan ang takot ko? Takot na baka mahalin ko siya ng sobra sobra at wala ng matira para sa akin. Takot na baka masyado akong dumepende sa kanya na ultino pag hinga ay hindi ko na magawa pag nawala siya. Takot na kahit kelan ay hindi na pumintig ang puso ko dahil siya lang ang kilala nito. Takot na baka pagngiti ay hindi ko na magawa dahil siya lang ang dahilan ng kaligayahan ko. Takot na baka pag gising ko isang araw hindi ko na siya makita dahil ang layo-layo na pala niya. Takot na baka hindi ako maging sapat sa lahat ng meron siya. "Hey girl" pag tawag ng pansin sakin ni shala. Tinapik niya ako sa braso. Kaya nagangat ako ng tingin sa kanila. Nakatingin lamang sakin at nagaabang sa aking sasabihin. Lunch break ngayon kaya nandito kami sa cafeteria. "Ha? ano nga ulit un?" Napaamang ako at takang tinignan sila. "Hayyy naku! kanina ka pa wala sa sarili mo" buntong hiningang sabi ni Eloisa. Bagsak ang balikat na nginusuan ako. "sorry, may iniisip lang ano nga yung tinatanong mo?" sabi ko. Yumuko ako para ipagpatuloy ang pagkain. "tinatanong ko kung kamusta yung conferrence na pinuntahan niyo? kamusta si sir? kamusta kayo?" pangiintrigang tanong ni Shala habang may multong ngisi sa labi. "Kami?!" kunot noo ko silang tinignan. "bakit may ganong tanong" nginisihan ko sila para itago ang pagkabigla sa tanong na ibinato nila. "U-uhmm kung tungkol sa conferrence okay naman." tipid na sagot ko. Habang ngumunguya. "Wala bang ganap sa inyo ni Sir? yung alam mo na?" Tanong ni tina na para bang kilig na kilig. "alam nyo puro kayo kalokohan. Wala na ba kayong mapagchismisan kaya pati kami ni Sir Lei pinagdidiskitahan niyo?" huminto ako sa pagkain. Sinandal ko ang likod sa upuan saka sila pinanliitan ng tingin. "ahahaha ikaw naman girl. Masyado kang defensive nagtatanong lang eh. Ang seryoso mo may buwanang dalaw ka noh?" tumatawang sabad ni shala. "tsk. Kumain na nga lang kayo." sabay subo ng pagkain. "pero teka lang girls. Wala bang girlfriend si Sir Lei?" tanong ni Eloisa. "mula kasi ng magtrabaho ako dito parang wala pa akong makita o nabalitaang girlfriend ni Sir" nagtaas lamang ng balikat si Tina bilang tugon. "imposible kasing wala siyang girlfriend. Sa gwapo niyang yun? Hello.." dagdag pa ni Eloisa. Daldal siya ng daldal kahit puno pa ng pagkain ang bibig. "ikaw Shala. Wala ka bang alam? ikaw ang pinaka matagal dito sa company" tanong ni Tina. Bumaling sila ng tingin kay Shala pero ako nanatili lang na nakatungo sa pagkain. Nagkukunwaring busy sa pagkain at walang interes sa pinaguusapan. Pero ang totoo ay para ng embudo na ang tenga ko na hinihigop ang lahat ng impormasyong naririnig ko mula sa paguusapan nila. "Wala din akong alam. Masyadong malihim yang boss natin. Itong si Cielo ang tanungin niyo sila ang laging magkasama ni Sir baka may alam siya." pagtuturo niya sakin kaya napabaling naman ng tingin sakin tina. "oh bakit ako? Alam ko secretary niya ako. Pero hindi sakop ng pagiging secretary ko ang pribadong buhay niya noh! saka hinaan niyo nga yang bibig niyo. Nadidinig nila tayo" "Sabagay baka mapagkamalan ka pang chismosa. uhmm teka. Buti girl hindi ka naiinlove kay Boss?" tanong ni tina. "Oo nga? ang gwapo kaya niya. Wala atang babaeng hindi magkakagusto sa kanya. Mayaman na napaka bait pa. Saka laging nakangiti. Kung magkakagusto lang sakin yun walang salitang sasagutin ko na agad para wala ng kawala roar!" sabi ni eloisa. Saka nag mostra ng parang lion na nagpatawa saming lahat. "tigil tigilan mo yang landi mo Eloisa 'ah ni hindi magkakainteres sayo si Sir Lei dahil wala kang s**o" pangbubuska ni shala. Humagalpak kami ng tawa. Si Eloisa naman ay walang ginawa kundi hampasin si shala sa sobrang pagkapikon. Nahinto nalang kami sa pagtawa ng matanaw namin si Miguel na papasok ng cafeteria may hawak itong bouquet of assorted season flowers. Mas lalong lumabas ang kaGwapuhan niya sa suot niya. Bagong gupit din ito kaya mas lalo siyang nagmukhang mabango at malinis. "Aba! mukhang nagbibinata ang baby ko 'ah Para sakin ba yan?" pangaalaska ni Shala ng makarating sa table namin si Miguel. "Asa ka!" tumatawang sagot nito. Napatingin kami sa reaksyon ni shala na mas ikinatawa namin dahil sa pagbusangot nito. "u-uhm Cielo" bumalik ang tingin namin kay miguel dahil sa malambing niyang pagbanggit sa pangalan ko. Maaliwalas ang kanyang mukha at maganda ang ngiti habang mariin na nakatitig sakin. "Flowers for you Cielo" napanganga ako ng iabot niya sakin ang bulaklak. Napatakip ako ng bibig at napa O ang aking mga labi. "Thank you Miguel" habang inaabot ang bulaklak. Napakagat labi ako para pigilan ang hindi magkamayaw na ngiti dahil sa panunukso nila shala samin. Si Miguel naman ay halatang nahihiya din sa ginawa niya dahil namumula ang buong mukha nito at punong tenga. Napapakamot ng batok dahil sa hiyang inabot sa pangbubuska nila shala. "anong meron bakit may pabulak--" "CIELO" nabitin ako sa pagtatanong kay miguel dahil muli ko na namang narinig na umalingawngaw ang pangalan ko pero sa pagkakataon na ito ay hindi na sa malambing na tinig. Matigas at marahas ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko. Madilim ang kanyang mga mata na nakatitig sakin na nagbigay ng takot sa buo kong katawan. "IN MY OFFICE NOW!!!" nakatayo siya sa malayo pero dinig na dinig sa buong cafeteria ang pagsigaw niya sa akin. Napayuko nalang ang iba dahil sa takot sa kanya. pagtalikod niya ay agad na din akong tumayo sa aking kinauupuan at nagpaalam na mauuna na kila miguel. Hindi ko na nagawa pang ubusin ang pagkain ko at magmadali ng maglakad para habulin siya. Lakad takbo akong lumabas sa cafeteria bitbit ang mga gamit ko. Sinubukan ko pa siyang habulin bago pa makapasok sa elevator pero hindi ko nagawa kaya ilang minuto pa akong naghintay bago makasakay. tatlong beses akong kumatok pero walang sumagot. Pinihit ko ang seradura at kusa ko ng inanyaya ang sarili sa opisina niya. Nakatalikod siyang nakatayo sa akin. Tanghalian palang pero umiinom na siya. "S-Sir" pagkuha ko ng atensyon dito. Hindi mapigilan ng katawannkong mangatog sa kaba at takot. Damang dama ko ang kakaibang awra niya. Galit ba siya? ano na naman bang nagawa ko? "Is he courting you?" bungad na tanong niya saka inisang tungga ang alak na iniinom. "Po?" "I'm asking you Cielo! Is he courting on you?" nanatili siyang nakatalikod sakin pero kita ko ang mahigpit niya pag hawak sa basong hawak niya. Muli siyang nagsalin ng alak dito at inisang lagok ulit ito. "hindi ko po kayo ma--" "Damn it Cielo!" napaigik ako sa pagsigaw niya. "Kilangan ko pa ba ulit ulitin? oo o hindi lang naman ang isasagot mo. Tell me nililigawan ka ba ng Miguel na yun?" humarap ito sakin at mariin akong tinitigan. Namumula ang mukha sa sobrang galit. Lalo akong binalot ng takot. "H-hindi ko po alam sir. W-wala naman pong sinabi si miguel. Kadarating lang po niya noong tinawag---" "Hindi mo alam??" muling tanong niya sakin. Nagiwas siya ng tingin at nagpabaling baling ang ulo. Ngumisi siya saka pabagsak niyang ibinaba ang baso na hawak niya sa lamesa. "He always give you flowers, chocolates and whatever that f*****g things...Urgh! tapos sasabihin mong hindi mo alam?" nagpamewang siya saka ilang beses nagpakawala ng malalalim na buntong hiningi. Hinawi niya pataas ang kanyang buhok saka marahas na pinasadahan ng dila ang kanyang mga labi. "Ganyan ka ba talaga ka manhid Cielo?" napanganga ako sa tanong niya. Gusto ko sanang sumagot pero walang lumabas na salita sa bibig ko. "don't you know that almost all my men employees are crazy at you? they're like mad dogs just about to eat you" "and that damn Miguel, He likes you!! he f*cking likes you Cielo !!! that is why he gives you everything to make you please" "sorry po sir. wala naman po kasi talagang siyang sinabi. Nahinto po yung pagtatanong ko sa kanya nung dumating po kayo" "so kasalanan ko pa? kasalanan ko pa kung bakit hindi niya nasabi sayong gusto ka niya ganon ba cielo?" "hindi po sa ganon sir-" hindi ko pa tapos ang sasabihin po pero pinutol na niya ito ng isang malutong na mura. "Dammit Cielo" napapikit ako at ilang beses na napapalunok. Nanunuyo ang lalamunan ko sa takot. "Reject him!" "what?" mariin ko siyang tinignan. "I said reject him Cielo. Bastedin mo. magtanong man siya o hindi bastedin mo parin" "pero sir?" pag poprotesta ko dito. "what? You can’t reject him because you like him don't you?" nagbaba ako ng tingin at marahang umiling sa kanya. Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Parehas pinapahupa ang matinding tensyon sa paligid. "Come here" sinenyasan niya akong lumapit sa kanya pero hindi ko ginawa. Tinitigan niya ako. Ramdam niya ang takot sa akin. Pumikit ito at malalim na huminga at sandaling pinakalma ang sarili. Pagdilat niya ay nakita ko na ang dating Sir Lei na kilala ko. Hindi ko na hinintay pa na palapitin niya. Kusa na akong humakbang para hagkan siya. Subsob ang aking mukha sa kanyang dibdib habang ang mga braso ko ay nakapalibot sa bewang niya. Agad naman niya akong niyakap pabalik at ipinaloob sa mga bisig niya. Ang isang braso niya ay nakapalibot sa aking balikat habang ang kabila naman ay mahigpit na humahaplos sa likod ng aking ulo. Paulit ulit niya rin akong pinapatakan ng halik sa ulo. "You don't know how your smiles drive me crazy Cielo and I hate seeing you smile because of another man. Gusto ko sakin ka lang masaya. Ako lang dapat wala ng iba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD