Chapter 16: Admire

2284 Words
"Do you see those two beautiful stars?" sabay turo sa kinaroon ng bituin. Nagangat siya ng mukha at sinundan ang direksyon ng kamay ko. "Yan ang mama at papa ko" tumingin ako sa kanya saka ngumiti ng mapakla. "What do you mean?" kumunot ang noo niya tila hindi nauunawaan ang ibig kong ipakahulugan. "I have been an orphan for a long time since my parents died" inabot ko ang canned beer saka ko tinungga. "oh I'm sorry I didn't know" halata ang pagkagulat at awa sa mukha niya. ---Flashback--- Isang abogado ang papa ko. May hawak siyang malaking kaso noon na naipanalo niya. Nagpunta sila sa ibang bar para magcelebrate. Treat ng boss nila. Kahit hindi siya umiinom ay sumama siya bilang pakikisama. Doon niya nakilala ang mama ko na nagtatrabaho doon bilang singer. Noong masilayan niya ang mukha ng mama ko. Na love at first sight na siya agad. Lalo pang tumindi ang paghanga niya nung marinig niya itong kumanta. Mula nung gabi na yun ay hindi na nawala sa isip niya ang mukha ng mama ko. Kaya kahit hindi siya umiinom ay araw-araw parin siyang pumupunta sa bar para lang masilayan niya ang nakakaakit na ganda ng mama ko. Naging mailap ang swerte sa kanya. Hindi siya magkaroon ng pagkakataong makilala ng personal ang mama ko. Nauwi sa ligaw tingin ang pag-ibig niya. Pagkaraan ng isang buwang pagtitiyaga ay miamong tadhana na ang gumawa ng paraan para magkakilala siya. Yun nga lang hindi maganda ang simula nila. Napagkamalan siyang rapist dahil sa palagian nitong pagsunod sa kanya. Nang makatyempo ay pinagpapalo siya nito ng payong. Nagpaliwanag siya at nagpakilala. Umamin siya sa tunay niyang intensiyon at nararamdaman. Pagkatapos nun ay naging magkaibigan sila hanggang sa magkamabutihan. Ilang buwan silang nagligawan na nauwi rin naman sa matamis na oo. Pero masyadong palos ang papa ko. Ayaw na niyang makuha pa ng iba ang mama ko kaya binuntis na agad. Noong nalaman niyang nagdadalang tao ito ay agad na niya itong pinakasalan. Ang sabi niya kay mama magDate lang daw sila. Nagtataka pa ang mama ko kung bakit sila nasa munisipyo.Noong nakaharap na nila ang mayor dun lang niya nalaman na ikakasal pala sila. Bistida lang ang suot niya nun at polong puti naman ang papa ko. Simple lang ang buhay namin noon pero pakiramdam mo ay napaka yaman namin. Sagana ako sa pangaral at busog na busog sa pagmamahal ng magulang ko. Magaling na abogado ang papa ko. Marami din siyang natutulungan. He provides his services to those in need for free. He has won almost every case he holds. Sa sobrang busy niya halos apat hangang anim na beses lang siyang nakakauwi ng bahay sa loob ng isang buwan. Pero hindi parin siya nagkukulang samin. Lagi siyang tumatawag at nangangamusta. Kami ang laging una sa mga priority niya. One day someone came to our house and they introduced themselves as my dad's parents. We were surprised when they came. lalo na ang mama ko. Mula kasi nung nagkakilala sila ni papa ay hindi pa nito nakita ang mga mga magulang niya kahit pangalan ng mga ito ay hindi niya alam. Hindi kami makapaniwala when they said that my dad was dead. Take note one week na palang patay ang papa ko sinabi lang nila samin nung nailibing na nila. Hindi kami naniwala at ayaw naming maniwala. Hanggang sa ipakita nila yung picture ng papa ko sa morge. Meron din sa burol at sa libingan. Hindi mapagkakaila na papa ko nga iyun. Halo-Halong emosyon ang bumalot sa amin noong mga panahon na yun. Bakit? Bakit ang papa ko? Bakit hindi nalang yung iba? Anong nangyari? Panong namatay? Sinong pumatay? mga tanong na walang naging kasagutan. Maaari na may kinalaman sa isang kaso na hawak ng papa ko ang pagamatay niya. Mukhang planado ang pagpatay dahil sa dami ng tama ng bala. Hindi naman na pinaimbestigahan ng mga lolo ko kaya wala kaming alam. Tanging ang pagpapalayas sa amin ang sadya nila kaya sila nagpunta. Hindi nila tanggap ang mama ko para sa anak nila. Maski ako ay itinatanggi nila Ang tingin nila sa mama ko ay maduming babae dahil sa pagtatrabaho nito sa bar at ako ang bunga sa kasalanan nito na ipinapaako lang sa anak nila. Sa murang edad naranasan ko na angnpait na buhay. Wala kaming mapuntahan para kaming basang sisiw na magina Tanging damit at konti pera lang ang meron kami. Nagtiis kami sa maliit nanpaupahan na walang kuryente dahil yun lang ang kaya namin. Kailangan naming pagkasyahin ang kaunting pera na meron kami hanggang sa makahanap ng trabaho ang mama ko. Maagang namatay ang mga magulang niya tanging lolo at lola lang ang nagpalaki sa kanya. Maaga siyang nagtrabaho kaya hindi nakapag tapos ng pagaaral kaya ngayon ay walang mahanap na matinong trabaho. Pero may awa ang Diyos hindi niya kami pababayaan. Kung anu-anong trabaho lang ang pinasok niya para lang may makain kami. Kahit ako ay nag side line na din. Tuwing umaga humahango ako ng pandesal sa panaderya at inaalok ko yun bahay bahay. Sa hapon naman pagkauwi sa eskwela ay nagbebenta ako ng turon at bananaque. Dahil sa sipag at tiyaga nakaraos kami sa buhay. Paunti unti nakaahon kami ni mama nagawa na naming umupa sa maayos na bahay. Nakapagpundar na rin ng mga kagamitan. Paunti-unti nakarecover kami sa lahat ng pinagdaanan namin. Yung ulan ng problema na akala namin humupa na ngayon ay parang isang bagyong bumayo at nanalasa samin. Ang isang payapang gabi ay napuno ng isang namimilipit na ungol. Nakita ko ang mama ko na nanginginig m Inaapoy ng lagnat hindi makahinga ng maayos at namimilipit sa sakit Tumawag ako ng tulong na agad namang sinaklolohan ng mga kapitbahay nadala agad sa ospital ang mama ko. Akala ko trangkaso lang. Stage 5 Kidney Failure yan ang sakit ng mama ko wala kaming kaalam alam na may ganong sakit siya. Nag-agaw buhay siya pero narevived din. Twelve years old lang ako noong mga panahon na yun. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapagisip ng maayos. Natatakot akong mawala ang mama ko Natatakot akong magisa Ayokong maiwan magisa Ayokong makaramdam ng lungkot ayoko ng maramdaman ang sakit Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pampagamot sa mama ko. Naubos na lahat ng ipon namin. Naibenta ko na din lahat ng naipundar namin. Halos hindi na ako kumain at magpahinga kakatrabaho. Ang ilang araw na pamamalagi ni mama sa ICU ay inabot ng linggo. Umabot ng daang libo ang babayaran namin sa ospital. Hindi ko alam kung saang kamay ng Diyos ko kukunin yung ganong kalaking halaga. Maraming nagsasabi sakin na isuko ko na ang mama ko. Hindi na siya makakarecover pa machine nalang ang bumubuhay sa kanya magsasayang nalang ako ng pera nagpapakahirap lang ako maguubos lang daw ako ng pera. Pero hindi ako pumayag Hindi ako nakinig sa kanila HINDI KO KAYA! AYOKO! LALABAN AKO! HANGGANG SA HULI LALABAN AKO! HANGGAT NAKIKITA KONG LUMALABAN ANG MAMA KO HINDI AKO SUSUKO! Siya nalang ang meron ako. Hindi ko nankakayanin kung pati siya mawawala pa sakin. Kinapalan ko ang mukha ko at humingi ng tulong sa mga kapitbahay namin. Nagpakababa ako para sa mama ko Kung kinakailangan kong mamalimos gagawin ko. Dahil walang wala na talaga ako. Kahit anong trabaho ang gawin ko hindi sumasapat yun sa laki ng gastos sa ospital. May Awa ang Diyos hindi niya kami pinabayaan. Hindi ako napahiya dahil may mga nagpaabot ng tulong samin. Laking pasasalamat ko dahil may isang kapitbahay kami na sumagot ng lahat ng gastusin sa ospital. Malaki ang pananampalataya ko na gagaling ang mama ko. May mga improvement din na nakikita ang mga doctor sa kanya. Laking gulat ko ng pagkaraan ng tatlong linggo sa ICU ng mama ko at binawian din siya ng buhay. Natulala ako. Hindi ako makapaniwala na sumuko siya agad. Lahat ginawa ko para mabuhay siya pero parang ang dali lang para sa kanila na iwan ako. Kung kelan may tutulong na samin saka siya bumitaw agad kakatapos lang ng libing ng mama ko ng may humintong magarang sasakyan sa harap ko. May lumabas doon na matandang naninilaw sa dami ng ginto sa katawan. Sinabi nila yun daw ang nagbayad ng lahat ng gastusin sa ospital ng mama ko. Halos luhuran ko na yung matanda sa pagpapasalamat sa tulong niya sakin. Nagulat ako nung sabihin niya na isasama niya ako at doon na ako titira sa kanina. Ang aampunin daw ako dahil wala silang anak na babae. May agam-agam sa aking puso pero pumayag din ako kalaunan. Nagimpake ako ng mga natitira kong damit. Bago pa ako makalapit sa kanila ay nakita kong inabutan nung matanda ng pera yung kapitbahay namin makapal yun at puro lilibuhin. Nangatog ako sa takot nung nadinig ko ang mga usapan nila. Nalaman ko na binenta pala ako nung kapitbahay namin dun sa matanda para gawing asawa. Kaya mentras lumapit ako sa kinaroroonan nila ay nagtatakbo na ako paalis Sa manila ako napadpad ng pagtakas na ginawa ko. Isang bag lang at pera mula sa abuloy ang dala ko nung naluwas ako ng manila. Naghanap ako ng matutuluyan at isang dorm na nagpapaRenta ng bedspacer ang nakita ko. Limang daang piso ang renta sa loob ng isang buwan. Nakiusap ako na kung pwedeng ipaglalaba ko nalang siya linggo linggo pambayad sa kuryente at tubig na nakukunsumo ko. Namasukan din akong tagapag urong sa karinderya. kapalit ng pagkain ko tuwing tanghalian at hapunan. Itinuring akong anak nung may ari ng karinderya na pinapasukan ko sila ang nag-enrol sakin sa eskwelahan kaya nakapag patuloy ako ng pagaaral sa high school. Nagtutor din ako sa mga elementary students para may pambaon ako. Kinailangan ko ng mas malaking income dahil malapit na akong mag college. Marunong naman akong kumanta at tumugtog kaya nagApply ako sa isang bar bilang isang singer. Hindi halata sa itsura ko na sixteen years old lang ako kaya tinanggap nila ako sa trabaho. Sabi ng amo ko ay lumakas ang bar nila dahil sa akin. Dumami ang dumadayo sa bar namin dahil sa pagkanta ko. May kabataan, mga young professional meron ding mga may edad na. May ilan pa nga na nagooffer ng pera para iTable ako pero hindi ako pumapayag. Dalawang taon ding ganun ang naging buhay ko. Hanggang isang gabi pauwi na ako galing sa bar. May mga umabang sa akin na grupo ng mga lalaki na puro mga nakainom. Hinabol nila ako at binitbit na parang sako. Nagsisisigaw ako nun sa takot kaya naman pinagsisipa nila ako at sinikmuraan. Muntik na akong maGang rape noon mabuti nalang may tumulong sakin. Si Leo, Kasama yung grupo niya. Sila yung tumulong sakin. Kung hindi siguro sila dumating nun paniguradong narape na ako mas masahol pa baka patay na ako ngayon. Kung nangyari yun sana kasama ko na mga magulang ko. Sana masaya na ako ngayon. ---End of Flashback--- Muli akong tumingala sa langit at tumingin sa dalawang maliwanag na bituin na ngayon ay nababalutan ng makapal na ulap. Ang kaninang maaliwalas na langit ngayon ay binalot na ng dilim na para bang nakiki simpatya sa lungkot na nararamdaman ko. "Namimiss ko na sila Sir Lei!" usal ko habang pinupunasan ang mga luhang umaalpas sa aking pisngi. "Ang hirap mabuhay magisa. Ang hirap ng walang pamilya. Ang lungkot" ang kaninang mga pinipigilang mga luha ay tuluyan ng bumuhos. Sa isang iglap muli kong naramdaman ang sakit na pilit ko ng binabaon. Niyakap ko ang dalawa kong tuhod at itinago ang mukha doon. Ikinukubli ang lahat ng luha, lahat ng sakit at takot. Napahagulgol ako ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Sir Lei. Nakatayo siya habang yakap ako mula sa gilid. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa aking mga tuhod at gumanti ng yakap sa kanya. Marahan niyang hinahaplos ang aking ulo at likod habang pinalatakan ng halik ang aking ulo. "I'm so proud of you baby." malambing niyang bulong sakin. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha habang ang isang kamay ko'y nananatiling nakayakap sa bewang niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya para makita ko ang kanyang mukha. Natatabingan ng likod niya ang liwanag mula sa kwarto namin kaya tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw para maaninaw ko ang kanyang mukha. Nanatili sa likod ko ang isang kamay niya habang ang isa ay nasa aking pisngi. Malambing nitong pinupunasan ang mga natirang luha. Malamlam at mapupula ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "You have been able to survive all the trials of life alone. No other woman can do that but you. If that happened to me, I might not be able to handle it. That's why I admire you even more." Pagkasabi niya nun ay agad niyang pinaglapat ang aming mga labi. Mainit iyon at banayad na sinisipsip ang aking mga labi. Humigpit ang hawak niya sa aking likod para mas pagdikitin ang aming mga katawan. Yung mga kamay niyang nasa aking pisngi ngayon ay malambing na humahagod sa aking batok. Para mas mailapit ang mukha ko sa kanya. Para akong nahihipnotismo sa sarap niyang humalik. Hindi ko namalayang tumutugon na pala ako sa mga halik niya na naging dahilan para mas lumalim ito. Maya maya pa'y naging mapaghanap na ang kanyang mga halik madiin na ito at mabilis "Sir tama na" pigil ko dito pero patuloy parin siya sa paghalik. Pati ang dila niya ay nagsisimula ng maglaro sa loob ng aking bibig. "sir--" muling pigil ko dito. Pero sinakop nito ang buong labi ko para pigilan akong magsalita. Hindi siya tumigil. Uhaw na uhaw siyang halikan ang mga labi ko. Natigilan lang siya nung parehas na kaming naubusan ng hininga. Pinaglapat niya ang aming mga noo habang parehas kaming naghahabol ng hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD