Chapter 15: Strip

2474 Words
Wala ako sa sarili habang naglalakad palapit sa kotse ni Sir Lei. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Ang daming tanong sa isip ko, na kahit ako mismo ay hindi ko kayang sagutin. Hindi ko din maintindihan ang sarili kung bakit hinayaan kong mangyari yun. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, imbes na magalit ako sa ginawa niya ay parang nagustohan ko pa ata. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng kotse niya. Pinagbukas niya ako ng pinto saka iniabot ang kamay sakin para alalayan akong makapasok sa sasakyan. Walang emosyon ko itong tinignan. Nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Sa huli ay nagkibit balikan nalang ako at humakbang sa loob ng kotse para makaupo sa passanger seat. Dinig ko pa ang pagbuntong hininga niya habang mariin na nakatitig sa kamay niyang hindi ko tinanggap. Ibinaba niya ito bago isara ang pinto. Umayos ako ng upo saka isinuot ang seatbelt. Bagsak ang balikat niyang tumungo sa driver seat. Isang beses pa siyang nagbuga ng malalim at marahas na paghinga bago tuluyang sumakay. Muli niya akong sinulyapan na para bang may gustong sabihin pero hindi na itinuloy. Sa buong durasyon ng aming byahe ay ginawa kong abala ang aking mga mata. Sa labas lamang ako nakatingin kahit na alam kong wala na akong makikita dahil gabi na. Ang mga kamay ko'y nasa ibabaw lamang ng aking mga hita at walang ginawa kundi paglaruan ito. Salitan niya akong binabalingan ng tingin at ang kalsada. Nakaawang ang labi niyang walang ginawa kundi magbuga ng malalalim na hiningi. Tinapunan ko siya ng tingin dahil sa pagaalala ng biglang gumewang ang andar ng sasakyan. Bahagya pa siyang nagulat nung tumingin ako. Sa palagay ko ay sinadya niya iyon para balingan ko siya ng tingin na hindi ko ginagawa mula kanina kahit anong tikhim, ubo at buntong hininga ang gawin niya. Saglit akong napatitig sa kanya pero binawi ko rin yun dahil para akong matutunaw sa mga titig niya. Napasinghap ako ng bigla nyang hawakan ang kaliwang kamay ko. Pinagsalop niya yun sa kanang kamay nya at marahang hinahaplop. "Are you okay?" sinserong tanong nito. napatingin ako sa kanya. 'okay nga ba talaga ako?' tumango lamang ako at tipid na ngumiti bilang tugon. Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng hotel ay agad itong bumaba para pagbuksan ako ng pinto at alalayang makababa. Kinuha niya mula sa kamay ko yung bag na bitbit ko at sinabing siya na ang magbubuhat noon. Nagpaubaya nalang ako at hinayaan sa gusto niyang gawin. Bago kami pumasok sa loob ng lobby ay sinuri niya pa ako mula ulo hanggang paa. Medyo basa pa ang damit ko dahil hindi ko na nagawang makapag palit ng damit kanina kaya kinuha niya yung cardigan na dala ko at isinuot sa akin. Nang masiguradong maayos na ang damit at itsura ko ay agad niyang pinagsalop ulit ang aming kamay. Mahigpit iyon pero sapat lang para hindi mamula at mamanhid ang kamay ko saka ako giniya papasok ng hotel. Pagkarating namin sa room ay agad niyang binaba ang mga dala namin gamit at saka siya pumasok sa banyo para buksan ang ilaw at timplahin ang tubig. Ako naman ay umupo sa couch malapit sa balcony. Nilapat ko ang aking likod sa sandalan at ipinikit ang mata. Bigla akong nakaramdam ng pagod kaya naman napahikab ako. Napadilat ako ng marinig ang yabag ng kanyang paa. Pagkalabas niya sa banyo agad itong lumapit sa pwesto ko inabot niya sakin ang isang tuwalya at tinuro ang banyo. "Mauna ka ng maligo para hindi ka sipunin tinimpla ko na rin yung shower. Iiwan muna kita dito punta muna ako sa baba. Bibili lang ako ng dinner natin. Dadalin ko yung susi para hindi ka maabala sa pagligo mo." mahabang sabi nito. Tumayo ako at saka siya tinanguan. Hinawakan nito ang batok ko upang marahang mahatak palapit sa kanya at saka mababaw na hinalikan ang aking noo. "Babalik ako agad" dagdag pa nito. Hindi na nito inantay yung sasabihin ko ang mabilis na tumalikod at umalis. Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa niyang bumaba para umorder ng pagkain samantalang pwede naman niyang itawag yun. Pagkapasok ko ng banyo ay agad na akong naghubad at binuksan ang shower. Nakatingala ako sa habang hinahayaang umagos ang maligamgam na tubig sa aking buong katawan. Nakapikit ang aking mata at banayad na hinihaplos ang leeg at batok habang nakababad sa tapat ng shower head. Hindi ko maiwasang magmuni-muni sa mga nangyari sa buhay ko mula ng makilala ko si Sir Lei. Maraming mga bagay ang hindi ko maintindihan sa kanya at lalo na sa aking sarili. hindi ko lubos na maunawaan kung bakit sa tuwing nasa tabi ko siya ay may kung anong mga bagay ang nangyayari sakin. Nangangatog ang kalamnan ko sa tuwing sa tuwing nagsasalita siya, nahihirapan akong huminga sa mga titig nya, para akong kinukuryente sa tuwing magtatama ang mga balat namin. am I attracted to him? Crush ko ba siya? Do I like him? naattract at nagkagusto din naman ako sa iba pero hindi ako nagkakaganito. The feeling I feel for sir lei is something I have never felt in others. "uhmmmmm......" napahinto ako sa pagiisip. Dahan dahan kong nilapat ang dalawang kamay sa aking dibdib. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Pangalan palang niya ang naririnig ko nagkakaganito na ako at sa tuwing maalala o makikita ko ang mukha niya ay nagwawala na ang puso ko. Napahinga ako ng malalim. Ito ba yung sinasabi nilang love? ganito ba ang pakiramdam ng magmahal? "Am I falling in love with......?" naputol ang sasabihin ko ng makarinig ng katok mula sa labas ng pinto. "Cielo are you alright? Andiyan ka pa ba?" tanong ni Sir Lei mukhang kadarating lang. "Ok lang po ako sir, patapos na po ako" sagot ko. speaking of Sir Lei. Gusto ko sanang magtanong sa kanya kaso nahihiya ako baka mamaya mali lang pala yung interpretation ko, baka nilagyan ko lang ng malisya yung mga ginagawa niya, baka normal sa kanya yung ganun? "Normal????" tanong ko sa sarili. ang halikan ako kahit wala namin kaming relasyon? masasabi nga bang normal lang yun? I don't think so. Pano? tatanungin ko ba siya? pano kung mapahiya lang ako sa mga tanong ko? "hhhaaayyyy" mahina akong tumili. Nagaaral ako ng Law pero pag dating sa feelings naBobobo ako. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis. Suot ko ang isang gray sweatpants at isang pink strip sando na hapit kaya kitang kita ang hulmado kong katawan. Paglabas ko ng pinto likod ni Sir Lei ang agad na bumungad sakin. Abala siyang inilalagay sa plato yung mga inorder niyang pagkain. "natagalan ka atang maligo?" tanong niya sabay lingon sa akin. "O-Oo masarap magbabad, maligamgam yung tubig." sagot ko dito. Naamoy ko agad yung binili niyang pagkain kaya Lumapit ako sa kanya habang pinupunasan ang basa kong buhok. "meron niyan dito?" kunot noo kong tanong sa kanya habang nakaturo sa mga pagkaing binili niya. Umiling siya habang isa-isang sinisipsip ang mga darili niya na nalagyan ng sauce. Saka pinasadahan ng dila ang kanhang ibabang labi. Napatitig ako sa ginawa niyang yun. Ilang beses akong napakurap at napalunok ng sariling laway. Nahiya ako sa naging reaksyon ko kaya nagiwas ako ng tingin. Nadinig ko naman ang nakakaloko niyang ngisi. "Nacurious kasi ako sa pinaguusapan nung mga kasabay natin sa elevator. Naisip kong baka gusto mong tikman kaya bumili ako sa labas." Nakangiting kwento nito. Kumuha siya ng kutsara at pinuno ito ng pagkain at saka itinapat sa bibig ko. Adobong puti yung putake na kinuha niya. "Ahhh..tikman mo masarap" ngumanga ako at sinubo yung pagkaing binigay niya. Napatango tango ako bilang pagsang ayon na masarap yung binili niya. "Takaw mo talaga" panunukso niya. Ngumiti siya sakin saka ginulo ang basa ko pang buhok. "Mabuti nagustuhan mo. I'm going to take a bath. If you are hungry you can eat first" aniya habang naghuhugas ng kamay. tumingin ako sa kanya saka siya inilingan. "Busog pa naman ako. sabay na tayong kumain. Hintayin kita" "ok sige. Saglit lang ako" pagpapaalam niyo. Bago pa siya tuluyang umalis ay pinatakan pa niya ako ng isang halik sa labi mabilis lang iyun at saka naglakad papuntang banyo bitbit ang kanyang roba. Saglit akong napatulala sa gulat. Nang makahuma ako sa ginawa niya ay nilingon ko siya pero nakapasok na agad siya sa banyo. Napapailing nalang ako habang nakatitig sa nakasaradong pinto. Napahawak ako sa aking bibig na kung saan sumusungaw ang mumunting ngiti. "Mukhang tototohanin nga niya yung sinabi niya" bulong ko sa sarili. Pinagpatuloy ko ang pagaayos ng mga biniling pagkain ni Sir Lei. Inilapag ko lahat yun sa lamesa at nilagyan ng takip. Naghain na rin ako para pagkatapos niyang maligo ay kakain nalang kami. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman kumuha ako ng baso at nagpunta sa fridge para kumuha ng malamig na tubig. Mentras tubig ay canned beer ang dinampot ko. Mukhang bagong bili lang ito ni Sir Lei dahil wala pa naman ito kaninang umaga nung umalis kami. Pagkakuha ko ng beer naglakad ako papunta sa gilid ng kama at kinuha mula doon yung dala kong guitara. Dumeretso ako sa balcony at inilapag sa maliit na lamesa yung bitbit kong canned beer. Umupo sa couch na katapat nun at itinaas ang para para makapag indian seat. Ipinatong ko sa aking bintin ang guitara at nagsimula ng magstrum habang nakatingala sa langit. Napaka aliwalas ng gabi. Banayad na humahampas ang malamig na hangin. Ang mga bituin ay tila mga nagsasayawan. Nagsilbi ding musika ang tunog ng mga kuliglig. Sobrang liwanag ng buwan na para bang nakangiti sakin katabi nito ang dalawang maliwanag na bituin na mas malaki sa karamihan. Napangiti ako pero ramdam ko na may lungkot sa likod ng ngiti na yun. Huminto ako sa pagstrum at kinuha ang beer sa lamesa binuksan ko ito at saka tinungga. ilang beses pa ulit akong uminom saka ito muling ibinalik sa lamesa. Umayos ako ng upo para muling tumugtog sa pagkakataong iyon ay sinabayan ko na ng kanta. (Now Playing: Sayo by Silent Sanctuary) Gigi De Llana version Kung tunay nga ang pag-ibig mo Kaya mo bang isigaw Iparating sa mundo Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto, ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Sa'yo lang ang puso ko Walang ibang tatanggapin Ikaw at ikaw pa rin May gulo ba sa'yong isipan 'Di tugma sa nararamdaman Kung tunay nga ang pag-ibig mo Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto, ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Kailangan ba kitang iwasan Sa t'wing lalapit may paalam Ibang anyo sa karamihan Iba rin pag tayo Iba rin pag tayo lang Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama 'Di gusto ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo (kung maging tayo) Kung maging tayo (kung maging tayo) Kung maging tayo Sa'yo na ang puso ko ---- Napaigik ako sa gulat ng makarinig ako ng palakpak. Tumingin ako sa loob ng room namin at nakita ko si Sir Lei na nakasuot ng robang puti. Nakasandal siya sa pader na para bang kanina pa siya nakikinig. Nakatitig lamang siya sakin habang may nakakatunaw na ngiti sa labi. Ibinaba ko ang paa ko at umupo ng maayos sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakarandam ng hiya pagkatapos kong kumanta. "Madaya ka hindi ka nagaaya" aniya habang nakangisi. Lumapit siya sa fridge at kumuha din ng canned beer binuksan niya yun at lumagok habang naglalakad palapit sa balcony. Napapalunok ako sa paginom niya. Parang mas nakaramdam ako ng uhaw sa ginawa niya. Inalis ko ang tingin sa kanya at bumaling sa lamesa na nasa harap ko kinuha ko ang aking beer at umisang lagok din para mapawi ang panunuyo ng aking lalamunan. Umupo siya sa ipuang nakarahap sakin habang hinahagod ng daliri ang buhok. I have a high tolerance for alcohol even though I drink a lot I don't get drunk right away. Pero mukhang iba ang tama ng beer na ito sa akin. Mas lalo kasing nag mukhang gwapo si Sir Lei sa paningin ko ngayon. "Sorry sir kumuha ako ng isa hindi na ako nakapag paalam" sabay angat ng beer na hawak ko. "That's okay. I really bought that for us" aniya saka tumungga ulit. "uhmmmm sir" tawag ko dito. "mmmm" sagot niya habang sumisimsim ng beer. Habang ang mga mata niya ay nakatingin sa akin. "baka pwede pong magbihis muna kayo." nahihiyang sabi ko. Yumuko siya at saka tinignan ang suot niya. Tumawa siya ng nakakaloko saka sinandal ang likod sa upuan. Nagangat siya ng tingin sakin. "Hindi naman ako nakahubad. Ikaw ha! Ms. De guzman di ko alam na lihim mo akong pinagnanasahan" tumatawang buska nito. tumaas ang kilaybko sa sinabi niya. "yyuuucccckkk! bakit naman kita pagnanasahan aber? you're not even handsome, you don't have muscle and most of all you don't have abs" I rolled my eyes at him after I said that "how do you say i don't have abs? it means you always look at me when I'm naked?" napaubo ako sa sinabi niyang yun. Agad akong pinamulahan ng mukha sa hiya. Parang nahuli agad ako sa sarili kong bibig. Akma akong sasagot pero natigilan ako sa muli niyang pagsasalita. "I know that style" naka ngisi siya habang mostra ang hintuturo niya sakin. "You just trying to provoke me right? when I'm pissed I'll undress and when that happens you'll see my abs tsk tsk tsk" aniya habang umiiling iling pa. "Well" binaba niya yung beer sa table at tumayo sa kinauupuan niya. Humakbang siya papunta sa pwesto ko ng may nakakaakit na tingin. Gustohin ko mang umusad ay wala akong uusaran dahil nasa single couch lang ako nakaupo. Nang malapit na siya sa upuan ko ay dahan-dahan niyag niluluwagan ang tali ng roba niya. Kinilabutan ako at ilang beses na napakurap. Napaatras ako ng katawan ng bigla siyang yumuko sa harap ko. Nakahawak ang dalawa kamay niya sa magkabilang armrest ng upuan. "you don't have to do that desperate move babe." sabi niya sa senswal na boses. Naituon ko ang mata sa kanyang labi dahil mabagal niya itong pinasadahan ng dila. Lihim akong napakagat ng labi dahil dun. Nagangat ako ng tingin sa mga mata niya ng muli siyang magsalita. "I'm so willing to strip down just to satisfy your craving eyes" dagdag pa nito habang mariin na nakatitig sa akin. Ilang sandali akong napatulala sa mukha niya kaya nung tumawa siya ay nagulat ako. "I'm just joking babe" aniya habang tumatawa. Sabay hawak sa aking pisngi. Isang mabilis na halik ang muli na naman niyang pinatak sa aking labi. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo sa akin ng hampasin ko ang braso niya. "Nakakarami ka na ha! Bwisit ka talaga. Magbihis ka na nga dun"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD